Readers Portal

Readers Portal Readers Portal provides to share the interesting topics on social media

Readers Portal is an internet website that wants to share the interesting topics on social media

05/07/2025
Binatikos ni dating presidential legal counsel Atty. Salvador Panelo si Sen. Imee Marcos, kapatid ni Pangulong Ferdinand...
05/07/2025

Binatikos ni dating presidential legal counsel Atty. Salvador Panelo si Sen. Imee Marcos, kapatid ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., nitong Biyernes, Hulyo 4, at sinabing tahimik umano ito noong inaresto si dating Pangulong Rodrigo Duterte noong Marso.

Aniya, hindi umano kumilos ang senator (Imee Marcos) nang hindi papasukin sina Sen. Christopher Lawrence "B**g" Go at Vice President Sara Duterte sa Villamor Airbase kung saan inihatid si Digong bago siya dalhin sa detention facility ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.

“Nung hindi pinapasok (sina VP Sara, Sen. Go) sa Villamor Airbase, nasaan ka?... Kapatid ka ng Presidente, sigurado papapasukin ka doon. But you kept quiet. Kailan ka lang umimik? Noong bumagsak ka na sa ratings (sa 2025 senatorial elections),” saad ni Panelo.

ASAWA NI EMIL SUMANGIL, NANAWAGAN NG DASAL SA GITNA NG ISYU SA MISSING SABUNGEROSHumiling ng dasal si Michelle Sumangil,...
05/07/2025

ASAWA NI EMIL SUMANGIL, NANAWAGAN NG DASAL SA GITNA NG ISYU SA MISSING SABUNGEROS

Humiling ng dasal si Michelle Sumangil, misis ng mamamahayag na si Emil Sumangil sa gitna ng pagtakbo ng istorya tungkol sa mga suspek sa likod ng pagkawala ng mga sabungero.

Si Sumangil ang nangunguna ngayon sa paglalahad ng mga istorya tungkol sa mga nasabing sabungero kaya naman todo ang pag-aalala ng mga netizens sa posibleng banta sa buhay ng mamamahayag.

"We would like to thank the netizens who first initiated and called for the safetyand protection of my husband, Emil Sumangil. Your concern, prayers, and vigilance brought light and strength to us during this time," ani Michelle Sumangil

Photo via The Scoop

Posted by: Gerry CacanindinVico Sotto hindi tatakbo sa 2028. Sa ikatlo at huling term ni Vico Sotto bilang mayor ng Pasi...
04/07/2025

Posted by: Gerry Cacanindin

Vico Sotto hindi tatakbo sa 2028. Sa ikatlo at huling term ni Vico Sotto bilang mayor ng Pasig, ito ang sabi niya…

“Sa 2028 hindi ako tatakbo. Ngayon pa lang sinasabi ko na sa inyo. Kaya malaya akong gawin kung ano ang tingin ko ang tama."

Should we believe him? Absolutely. Hindi naman yan katulad ng kung sinong mga pontio pilato na kung anu-ano sasabihin pero hindi tutuparin.

Bakit naman sasabihin ni Vico yan kaka-panumpa pa lang niya at kakasimula pa lang sa final term niya? He’s doing it for Pasig. Last push at last hurrah. And he will make difficult decisions in the next three years to make sure kapag natapos na ang termino niya, naka-set na yung mga mekanismo na magpapatuloy sa good governance at transparency well beyond his term.

He will make further reforms to make sure ma-institutionalize yung mga nasimulan na niya. Para kahit wala ng isang Vico, Pasig will be left in good hands.

At hindi niya yan magagawa kung lagi siyang aakusahan na pulitika ang nagtutulak sa mga ginagawa niya. From what we’ve witnessed noong nakaraang eleksyon, his political opponents will drag him sa putikan just to destroy him.

Now they’re left without any weapon to use against Vico because he essentially sweeped politics out of the way.

Sayang ba si Vico dahil di siya tatakbo sa 2028? Siya na rin nagsabi, mas marami pang mas magaling at mas mahusay na public servant kesa sa kanya.

Vico is not our loss. He is giving way for other genuine public servants to step in and continue what he started.

Not running for 2028 is a bold statement to make, but one that people need to hear and bear witness to if we want good governance to finally take root and flourish in our country.

REST IN PEACE, LOLIT SOLISShowbiz columnist na si Lolit Solis, pumanaw na sa edad na 78, ayon sa anak nito na si Sneezy....
04/07/2025

REST IN PEACE, LOLIT SOLIS

Showbiz columnist na si Lolit Solis, pumanaw na sa edad na 78, ayon sa anak nito na si Sneezy.

“Our beloved Manay Lolit Solis has peacefully joined her Creator last July 3, 2025. Manay Lolit leaves behind a loving family and many friends who will always cherish her memory," saad ni Sneezy sa isang pahayag.

"We remember Manay Lolit as a feisty and staunch loyal supporter, manager and friend. We love you our dearest Manay, you will be missed,” dagdag pa nito.

ATONG ANG, IGINIIT NA INVESTOR LAMANG SI GRETCHEN BARRETTONanindigan ang negosyante na si Atong Ang na walang direktang ...
03/07/2025

ATONG ANG, IGINIIT NA INVESTOR LAMANG SI GRETCHEN BARRETTO

Nanindigan ang negosyante na si Atong Ang na walang direktang koneksyon si Gretchen Barretto sa mga nangyari sa mga nawawalang Sabungero.

Ayon kay Atong, malabo na totoo ang mga akusasyon laban kay Gretchen lalo na't namumuhunan lamang ito.

via Pinoy Trending

‘ANG VS. 'TOTOY'Hindi umano matanggap ni Julie Patidongan alyas 'Totoy' na idadamay ng itinuring niyang ama na si Atong ...
03/07/2025

‘ANG VS. 'TOTOY'

Hindi umano matanggap ni Julie Patidongan alyas 'Totoy' na idadamay ng itinuring niyang ama na si Atong Ang ang kaniyang pamilya.

Kasunod ito ng palitan ng akusasyon nina "Totoy" at Ang
tungkol sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Pinayuhan naman ni Ang si "Totoy," na itinuring naman niyang anak, na itigil ang pagsisinungaling sa kaso.

via Trending Now

ATTY. ABANTE NAGBIGAY NG DAHILAN KUNG BAKIT HINDI NILA MAIBIGAY SA KAMPO NI YORME ANG MANILA PIOIbinahagi ni Atty. Princ...
03/07/2025

ATTY. ABANTE NAGBIGAY NG DAHILAN KUNG BAKIT HINDI NILA MAIBIGAY SA KAMPO NI YORME ANG MANILA PIO

Ibinahagi ni Atty. Princess Abante kung bakit hindi nila maipasa sa kampo ni Mayor Isko Moreno ang page ng Manila Public Information Office.

Ayon kasi kay Abante, hindi na umano ma-access ang mismong admin ng nasabing page dahil sa naka-deactivate umano ito.

Ang admin ang tanging may kapangyarihan na ipasa ang page sa kampo ni Yorme.

"Apparently, after Mayor Isko's term, there were some changes in administrator and ultimately, only a dummy account was left as administrator. Also, the dummy account has been deactivated I believe, after the elections. All other remaining staff in the MPIO office are only editors in the page, hence, we cannot make any changes in the setting or add new admins, editors or other page roles," wika ni Abante.

Humingi naman ng tulong si Abante sa Meta Philippines para maresolba ang isyu.

Photo via Yorme Supporters

Address

Quezon City
1118

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Readers Portal posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Readers Portal:

Share