Engr. Joseph Villaverde Ascutia

Engr. Joseph Villaverde Ascutia This is the official fan page of Engr. Joseph Villaverde Ascutia. Elected Vice Governor of Camarines Norte

19/08/2026

Nakakabahala ang mga kamakailang balita ng karahasan sa mga paaralan sa ating bansa. Sa gitna ng mga ganitong kaganapan, mas lalong dapat nating pagtuunan ng pansin ang tamang paggabay sa ating mga kabataan.

​Ang pagpapalaganap ng disiplina sa mga mag-aaral ang isa sa pinakamahalagang pundasyon sa loob ng eskuwelahan. Malaki ang papel ng mga magulang sa prosesong ito at hindi natin pwedeng ipaubaya lamang sa mga g**o ang buong responsibilidad. Sa bawat suporta at gabay na ibinibigay ng mga magulang, tinutulungan natin ang mga paaralan na maging isang ligtas at payapang lugar para sa pag-aaral.

πŸ‡΅πŸ‡­πŸ‡΅πŸ‡­πŸ‡΅πŸ‡­

MASS INDUCTION | Bautista Elementary School & Kabungahan Elementary School August 14, 2026Kasabay po ng panunumpa ng mga...
19/08/2026

MASS INDUCTION | Bautista Elementary School & Kabungahan Elementary School
August 14, 2026

Kasabay po ng panunumpa ng mga bagong opisyal sa Bautista Elementary School sa bayan ng Labo ay ang opisyal na blessing ng kanilang Covered Court mula sa Pamahalaang Panlalawigan sa ilalim ng pamumuno ni Governor D**g Padilla.

Ang proyektong ito ay naisakatuparan sa tulong at bayanihan ng mga g**o, SPTA Officers, pamunuan ng eskuwelahan at ng buong komunidad. Gayundin ang suporta ng ating lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Jojo Francisco.

Sa kaparehong araw, masaya rin tayong nakiisa sa Induction Ceremony ng Kabungahan Elementary School.
Pinasalamatan natin ang mga g**o at mga magulang sa kanilang patuloy na pagkakaisa at hindi matatawarang pagsisikap na maitaguyod ang magandang edukasyon para sa ating mga kabataan.

πŸ‡΅πŸ‡­πŸ‡΅πŸ‡­πŸ‡΅πŸ‡­

IKA-56 PANGKARANIWANG PAGPUPULONG NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN NG CAMARINES NORTE Nakasama natin bilang mga espesyal na p...
18/08/2026

IKA-56 PANGKARANIWANG PAGPUPULONG NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN NG CAMARINES NORTE

Nakasama natin bilang mga espesyal na panauhin sa ating sesyon kahapon ang mga kawani ng DICT Bicol sa pamumuno ni OIC Regional Director Christian Roy N. Melad. Sa pamamagitan ng SP Resolution No. 587-2026, personal nating ipinarating ang pagkilala ng buong Sanggunian sa matagumpay nilang pagpapatupad ng mga programa at inisyatibo na nagpapatatag sa konektibidad at teknolohiya sa buong lalawigan.

Mainit din nating tinanggap ang mga kandidata ng Little Miss Bicolandia at Miss Gay Bicolandia na nagbigay ng espesyal na sigla at ganda sa ating sesyon.

πŸ‡΅πŸ‡­πŸ‡΅πŸ‡­πŸ‡΅πŸ‡­

Kaisa po kami ng buong pamayanan sa pagbati at pagpapasalamat sa ginanap na 30th Sacerdotal Anniversary ni Reverend Fath...
17/08/2026

Kaisa po kami ng buong pamayanan sa pagbati at pagpapasalamat sa ginanap na 30th Sacerdotal Anniversary ni Reverend Father Augusto Jesus Angeles, III.

Maraming salamat po sa inyong 30 taong banal na paglilingkod at tapat na paggabay bilang pastol ng ating Simbahan. Ang inyong kababaang-loob at dedikasyon sa pag-akay sa ating mga kababayan ay isang malaking biyaya sa ating lalawigan.

Naway gabayan at ingatan po kayo lalo ng Poong Maykapal, bigyan ng matatag na kalusugan, at patuloy na pagpalain ang inyong bokasyon sa mga susunod pa na taon. πŸ™

πŸ‡΅πŸ‡­πŸ‡΅πŸ‡­πŸ‡΅πŸ‡­

Masayang nakiisa tayo bilang panauhin sa ginanap na SPTA at HRPTA Induction Ceremony sa Maulawin National High School sa...
16/08/2026

Masayang nakiisa tayo bilang panauhin sa ginanap na SPTA at HRPTA Induction Ceremony sa Maulawin National High School sa bayan ng Sta. Elena.

Para sa ating mga magulang, ang pagiging bahagi ng PTA ay magandang tulay upang mas maging maayos ang ugnayan ng ating mga pamilya at ng paaralan. Sana sa pamumuno ng ating mga bagong halal na opisyales, makapag-iwan sila ng mga magagandang inisyatibo at proyektong pakikinabangan ng ating mga mag-aaral.

Kami po sa Pamahalaang Panlalawigan, sa pamumuno ni Governor D**g Padilla, ay palaging bukas ang pintuan upang makinig, makipagpalitan ng ideya, at sumuporta sa mga makabuluhang inisyatibo ng ating mga paaralan.

πŸ‡΅πŸ‡­πŸ‡΅πŸ‡­πŸ‡΅πŸ‡­

15/08/2026

BIDA ANG SAYA SA BAYAN NG LABO!β€οΈπŸ’›

Ang pagbubukas ng Jollibee Labo Highway ay isang magandang indikasyon ng tuloy-tuloy na pag-unlad ng ating bayan. Patunay ito ng lumalakas na tiwala ng mga malalaking kumpanya sa ating lokal na pamayanan, na nagdadala ng mas mabilis na access sa mga paborito nating kainan nang hindi na kailangang lumayo pa.

Congratulations at maraming salamat sa Jollibee sa pagkakataong magbigay ng panibagong sigla at tunay na JOY sa bawat kainan at bonding moment ng ating mga kababayan.

πŸ‡΅πŸ‡­πŸ‡΅πŸ‡­πŸ‡΅πŸ‡­

Happy moments with the elected officials of the municipality of Talisay.Mayor Dondon Mancenido, Vice mayor Juancho Ramor...
14/08/2026

Happy moments with the elected officials of the municipality of Talisay.

Mayor Dondon Mancenido, Vice mayor Juancho Ramores and SB Council members.

For the LOVE of our countryπŸ‡΅πŸ‡­πŸ‡΅πŸ‡­πŸ‡΅πŸ‡­

Address

Quezon City

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Engr. Joseph Villaverde Ascutia posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Engr. Joseph Villaverde Ascutia:

Shortcuts

Share