TAOC -IG

TAOC -IG Motto: "To Defend and Protect the
Nation and to Serve the People
of the Philippines." Website: www.taoc-ig.org

Congratulations to all of us! Happy Blessed 12th Founding Anniversary TAOC-IG!
01/07/2026

Congratulations to all of us! Happy Blessed 12th Founding Anniversary TAOC-IG!

Happy Mother's Day
10/05/2026

Happy Mother's Day

01/01/2026
Happy Rizal Day! On this day, we honor Dr. José Rizal--whose words lit the path of freedom,  whose sacrifice sowed the s...
30/12/2025

Happy Rizal Day!

On this day, we honor Dr. José Rizal--
whose words lit the path of freedom,
whose sacrifice sowed the seeds of dignity,
and whose vision continues to guide our nation.

May his courage remind us to serve with truth,
his wisdom inspire us to uplift others,
and his love for country bloom in every heart.

Mabuhay ang alaala ni Rizal. 🇵🇭

Dalawampu’t tatlong (23) taong gulang si Teodora Alonso at tatlumpu’t dalawa (32) naman si Francisco Mercado nang isilang ang kanilang panganay na anak na si Saturnina Mercado noong 1850. Sumunod na isinilang si Paciano Mercado noong 1851, at makalipas ang isang taon, noong 1852, ipinanganak ang ikatlong anak nila na si Narcisa Mercado.

Matapos ang halos tatlong taong pahinga upang alagaan ang kanilang unang tatlong anak, muling nanganak si Teodora noong 1855, isinilang ang kanilang ikaapat na anak na si Olympia Mercado. Sa panahong ito, 28 taong gulang si Teodora at 37 taong gulang na si Francisco. Makalipas ang humigit-kumulang isang taon at kalahati, isinilang ang kanilang ikalimang anak na si Lucia Mercado.

Pagkaraan ng dalawang taon, isinilang ang ika-anim nilang anak na si Maria Mercado. Sinundan ito ng kapanganakan ng kanilang ikapitong anak, si Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda, noong Hunyo 19, 1861, panahon kung saan 34 na taong gulang na si Teodora at 43 na taong gulang naman si Francisco.

Ilang buwan lamang matapos isilang si Jose, muling nagbuntis si Teodora at ipinanganak ang kanilang ikawalong anak na si Concepcion Mercado, na pumanaw sa murang edad na tatlong taon.

Matapos ang tatlong taon, isinilang ang ika-siyam na anak na si Josefa Mercado noong 1865. Noong 1868, ipinanganak ang ikasampung anak na si Trinidad Mercado. Ang bunso at huling anak ng mag-asawa ay si Soledad Mercado, na isinilang noong 1870, panahong 43 taong gulang na si Teodora at 52 na taong gulang si Francisco.

Noong 1887, namatay si Olympia Mercado sa panganganak, dahilan upang siyam na lamang ang buhay sa magkakapatid. Naging walo na lamang sila nang bitayin ng mga Kastila si Jose Rizal noong 1896.

Nabalo si Teodora Alonso noong 1898 nang pumanaw si Francisco Mercado sa edad na 80, kasabay ng taong idineklara ang kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya. Makalipas ang labintatlong taon, pumanaw na din si Teodora noong 1911 sa edad na 84. Sa panahong ito, walo na lamang ang natitirang magkakapatid na Rizal.

Sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano, pumanaw sina:
• Saturnina (1913)
• Lucia (1919)
• Soledad (1929)
• Paciano (1930)
• Narcisa (1939)

Sa panahon naman ng pananakop ng mga Hapones, pumanaw sina:
• Maria (1945)
• Josefa (1945)

Ang huling nabuhay sa magkakapatid ay si Trinidad Mercado, na pumanaw noong 1951 sa edad na 83.

Walang naipagpatuloy na linya ng pamilya mula kina Paciano, Trinidad, at Josefa, sapagkat hindi sila nag-asawa. Bagama’t nagkaroon ng anak si Jose Rizal kay Josephine Bracken, ito ay namatay agad dahil kulang sa buwan, kaya’t walang naiwang magmana ng 'Mercado'

Ang angkan ng pamilya Rizal ay ipinagpatuloy sa pamamagitan ng:
• Mga Hidalgo – mula sa linya ni Saturnina
• Mga Lopez – mula sa linya ni Narcisa
• Mga Ubaldo – mula sa linya ni Olympia
• Mga Herbosa – mula sa linya ni Lucia
• Mga Cruz – mula sa linya ni Maria
• Mga Quintero – mula sa linya ni Soledad

Let us not forget the reason we celebrate the season.
26/12/2025

Let us not forget the reason we celebrate the season.

Address


Opening Hours

Monday 07:00 - 18:00
Tuesday 07:00 - 18:00
Wednesday 07:00 - 18:00
Thursday 07:00 - 18:00
Friday 07:00 - 18:00
Saturday 07:00 - 18:00

Telephone

+639454289785

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when TAOC -IG posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share