10/12/2025
-- Paolo Contis: “Marami Akong Mali, Pero Gusto Ko Nang Ayusin ang Buhay Ko”
"What's the Latest?"
Ulat ni Ina Rafael
Metro News Showbiz
Mas bukas ngayon si Paolo Contis sa pagharap sa mga pagkakamali niya sa buhay — at hindi niya iniiwasan ang katotohanang minsa’y mahirap pakinggan, pero kailangan harapin. Tapat niyang sinabi na marami siyang kailangang ayusin bago pa man sumulong sa susunod na kabanata ng buhay niya.
Muling binuksan ang nakaraan ni Paolo nang tanungin kung bakit hindi kasama ang ex-girlfriend niyang si Yen Santos noong premiere ng kanyang important movie Ang Pangarap Kong Oskars, sinabi ni Paolo:
“Personal ‘yon. Personal ‘yan namin. I don’t want to put her in that position anymore kasi tapos na.”
Ipinahayag ni Paolo na mas pinili nilang i-protect ang privacy ng relasyon nila noon kaysa ipakita agad sa publiko ang lahat ng detalye — isang pahayag na nagpakita ng mas matured na pagtingin niya sa mga bagay na dati’y madalas na pinagtatalunan ng showbiz.
“Oo Naman — Bakit Hindi?”
Tinanong din siya tungkol sa posibilidad na mag-pakasal balang araw sa magiging furture girl niya, at sinabi niya na may mga bagay pa siyang inaayos, hindi niya itinanggi ang ideya:
“Eventually, pupunta naman doon… Oo naman, bakit hindi?
Ngunit mariin niyang sinabi na marami pa siyang kailangang ayusin muna sa ngayon — isang pahayag na sinasabing indikasyon ng pagiging seryoso niya sa kanyang personal na paglago.
Malalim ang naging self-reflection ni Paolo Contis sa kanyang latest interview na nailathala ng PhilNews. Humarap siya sa katotohanan:
“Never kong sinabi na wala akong mali ah… Ang dami kong mali.”
Ayon sa kanya, hindi niya ito gina-justify, pero inamin niyang may mga pagkakataon na ginagamit niya ang mga maling desisyon bilang “aral.” Sinabi rin niya:
“Ang daming naging mali sa buhay ko at maraming bagay ang hindi ko na maibabalik… But what can I do? I have to move forward and bumawi.”
Apart mula sa mga naging relasyon, ang pinakamalaking takot ni Paolo ay ang masaktan ang kanyang ina at ang kanyang mga anak — isang katotohanan na nagpa-iyak sa kanya. Ayon sa report:
Kapag nasaktan ang ina niya dahil sa mga pagkakamali niya, “tormenting sa akin ‘yon.”
Hindi lang pag-ibig ang pinag-uusapan—may malaking bahagi sa buhay ni Paolo ang mga anak niya. Kamakailan, personal niyang pinasalamatan si Lian Paz at ang kasalukuyang partner nitong si John Cabahug sa mahusay na pagpapalaki sa kanilang mga anak na sina Xalene at Xonia:
“I have to give props to Lian and John… They did a great job sa mga bata.”
Bilang ebidensya ng magandang pagkakaayos, magkakasama nina Paolo, Lian, John, at ang mga bata sa isang Blackpink concert at mayroong daw silang constant communication ngayon — isang malaking hakbang mula sa dati nilang pamilya na puno ng tensiyon.
Bukod sa mga personal na relasyon, nagbigay din si Paolo ng paalala sa publiko tungkol sa social media at kung paano dapat gumamit ng opinyon online:
“Kailangan matuto ka lang sumala… kung hindi mo kaya mag-sala, e di huwag ka mag-post.”
Ito ay bahagi ng kanyang mas malalim na pagtingin sa kung paano dapat harapin ang mga komentaryo at pagpuna sa social platforms — at isang pahiwatig na mas gusto na niyang i-focus ang enerhiya sa mga tunay na mahalaga.
Sa kabila ng mga personal na pinagdadaanan, abala pa rin si Paolo sa kanyang showbiz career. Kabilang sa mga kasalukuyang proyekto niya ang:
✅ Bubble Gang — patuloy na nagpapatawa sa komedya.
✅ The Master Cutter — upcoming TV series kasama si Dingdong Dantes.
✅ Ang Happy Homes ni Diane Hilario — kakatapos lamh na film kasama sina Angeline Quinto at Richard Yap.
✅ Planong reunion project kasama sina John Lloyd Cruz at Patrick Garcia — ini-uusap pa.
Sa huli, ang mensahe ni Paolo ay hindi simpleng paghingi ng awa o paghingi ng tawad sa publiko—†ito ay tapat na pagsusuri sa sarili, malalim na pagsisisi, at determinasyon na magpatuloy nang mas mabuti.
Kung dati siyang pinanood dahil sa talento, ngayon ay mas marami ang tumitingin dahil sa sinseridad ng kanyang pagbabago — at sa huling pahayag niya:
"Kailangan ko bumawi sa kanial."
Makikita rito na sa kabila ng mga pagkakamali, may pag-asa pa rin ang pagbabago—at ang pagharap sa sariling katotohanan ang unang hakbang.
Photo Paolo Contis Facebook