28/11/2025
Sawang-sawa na ako sa ugali mo!
Palagi na lang tayong nag-aaway.
Wala na bang bago?
Kung nararamdaman mo na ito sa relasyon ninyo, sagutin mo muna ang tanong na ito:
Kapag sumuko ako at nakilala ang panibago, pagdadaanan pa rin kaya namin ito?
Ang sagot o0.
Kasi wala namang relasyong perpekto.
Sa una, may kilig, may excitement. Pero darating din kayo sa punto na puro tampuhan at away.
Ganun talaga.
Kaya isipin mo bakit susuko?
Bakit maghahanap ng iba kung sa huli, pareho lang din ang pagdadaanan mo?
Kung palit ka nang palit ng partner pero hindi ka naggo-grow up, paulit-ulit mo lang mararanasan ang parehong problema, ibang tao lang ang kasama mo.
Ang mindset na "baka mas gumaan sa iba" ay mali.
Lahat ng relasyon may hirap, may tensyon, may hindi pagkakaintindihan.
Pero hindi iyon dahilan para sumuko o tumalikod.
Minsan, kapag pinili mong manatili, doon ka mas natututo.
Doon mo natutuklasan ang tunay na kahulugan ng pagmamahal at pag-unawa.
Kaya tandaan mo
Finding another person isn't the right choice.
Finding the solution is the right action. ❤️