26/12/2025
APOY SA KANYUGAN
Magandang gabi po, Kuya Mid.
Ako po si Jandee, nakatira sa Davao City. Ang ibabahagi ko po ay kwento ng papa ko na madalas niyang ikinukwento sa amin noon, lalo na kapag tahimik na ang gabi at tapos na kaming kumain.
Noong kabataan pa raw ni papa, marunong na siyang mangaret, yung pag-akyat sa puno ng niyog para kumuha ng tuba. Isang gabi raw, inutusan siya ng tatay niya na sunduin ito sa kanyugan dahil ginabi na sa pangangaret.
Noon daw, wala pang ilaw sa lugar nila. Tahimik ang paligid at puro puno lang ang makikita. Kaya mano-mano talaga ang lakad. May dala lang si papa na apoy bilang ilaw habang naglalakad papunta sa kanyugan.
Habang papalapit siya, may napansin daw siyang isa pang apoy sa loob ng kanyugan. Nagtaka siya kasi alam niyang ang tatay niya ay wala namang dalang ilaw dapat. Pero inisip na lang niya na baka may ibang taong nangangaret din sa gabi.
Hindi na lang niya iyon pinansin.
Sumigaw si papa para malaman kung nasaan ang tatay niya. Sumagot naman daw ang boses ng lolo ko. Kaya mabilis silang nagkita at nalaman niyang pauwi na rin pala ang lolo ko noon.
Habang sabay silang naglalakad pauwi, bigla raw silang may nakasalubong na matandang lalaki. Uugod-ugod ito, mabagal maglakad, at nakayuko ang ulo.
Tinawag siya ni papa at tinanong sa wika nila,
“Saden ka pakon, Nay?”
(Sa Tagalog: “Saan ka pupunta, Nay?”)
Hindi raw sumagot ang matanda. Dumaan lang ito sa pagitan nilang dalawa. Tahimik. Walang imik.
Pagkalampas daw ng matanda, doon napansin ni papa na wala itong anino, kahit may dala silang apoy.
Doon na raw siya kinabahan.
Paglingon niya pabalik sa kanyugan, wala na rin yung apoy na una niyang nakita. Parang bigla na lang nawala.
Hindi na raw nagsalita si papa hanggang makarating sila sa bahay. Pagdating nila, saka lang niya ikinuwento sa tatay niya ang lahat ng napansin niya.
Tahimik lang daw ang lolo ko, tapos sinabi lang nito,
“Buti at hindi mo kinausap nang matagal.”
Simula raw noon, hindi na muling nangaret si pa