17/08/2026
Hindi totoo yung lagi nilang sinasabi na…
“Always choose the girl who was with you when you had nothing.”
Kasi possible naman na kasama mo siya mula nung nasa baba ka pa hanggang makarating ka sa top…
pero all those years…
binibigyan ka niya ng sakit ng ulo.
Wala syang respect sayo.
Hindi sya nagbibigay ng peace.
Lagi nyang kinokontra yung direction mo.
At imbis na mapadali buhay mo…
mas lalo nya pang pinapabigat.
Hindi enough na sabihin mong…
“Kasama ko sya nung wala pa ako.”
Ang mas mahalaga…
Paano ka nya sinamahan nung wala ka pa?
Ini-encourage ka ba nya?
Supportive ba sya?
Binibigyan ka ba nya ng peace?
Nirerespeto ba nya yung plans at direction mo?
Pinapadali ba nya buhay mo habang binubuo mo pa sarili mo?
Kasi hindi rare yung babaeng nasa tabi mo habang umaangat ka.
Ang rare…
yung babaeng nasa tabi mo habang wala ka pa…
pero instead na maging dagdag problema…
nagiging dahilan pa sya kung bakit mas madali kang makarating sa top.