02/06/2025
''"Hindi naman bongga o engrande ang mga pangarap ko sa buhay. Simple lang talaga. After college, ang isa sa pinaka-goal ko ay magkaroon ng maayos, stable, at marangal na trabaho — yung trabaho na hindi lang para sa sarili kong pangarap, kundi para rin sa ikakaayos ng buhay ng pamilya ko. Gusto ko makapagbigay ng ginhawa sa mga magulang ko bilang sukli sa lahat ng sakripisyo nila para sa akin. Gusto kong mapagaan kahit papaano ang bigat na dinadala nila sa araw-araw.
At syempre, habang binubuo ko 'yung future ko, pangarap ko rin na magkaroon ng isang masaya at simple ring pamilya. Yung makakahanap ako ng taong tunay na totoo, mabait, mapagkakatiwalaan, at magiging partner ko sa lahat ng laban ng buhay. Gusto ko ng asawa na hindi lang sa saya present, kundi pati sa hirap — kakampi ko sa lahat ng bagay. At balang araw, sana bigyan din ako ni Lord ng mabubuting anak — mga anak na masayahin, cute, malambing, at pinalaki sa respeto at pagmamahal.
Alam ko, hindi madali makamit lahat ng ‘to. Pero naniniwala akong sa tamang panahon, sa tamang tiyaga, at sa tamang puso — makakamit ko rin ang mga simpleng pangarap kong ito. Kasi para sa akin, success isn’t about how grand your dreams are. Sometimes, it’s about how pure and heartfelt they are. At sa puso ko, ito ‘yung mga pangarap na worth it ipaglaban°°