
12/09/2024
Galit na yarn?
Nakakagalit naman talaga kasi.
Malapit na magbakasyon ang Kongreso, huling araw na nila sa September 27, at sa kanilang mulingm pagbabalik ay magiging busy na sila sa eleksiyon.
Bakit nakakagalit na magbabakasyon na ang Kongreso?
Punyeta kasi sila dahil WALA silang ginagawa ngayon para ma-aprobahan na yung panukalang batas na DAGDAG SAHOD!
Basta tungkol sa kapakinabangan ng manggagawa at ordinaryong tao ang pinag-uusapan ay hindi prioority ng mga ungas na kongresista natin, mas importante talaga sa kanila yung mga usaping puwede silang mamulitika lang at pagpakitang gilas lang sa telebisyon at internet.
Kailangang sa mga natitirang araw ng Kongreso bago ito magbakasyon ay MAKALAMPAG natin ang gate ng Kongreso sa Batasan hanggang sa Plenaryo ng Kongreso mismo!
Kailangang ITULAK at GISINGIN natin ang mga Kongresistang tinutulugan yung panukalang batas na dagdag sahod, kailangan natin silang paalalahanan na eleksiyon na at kung hindi nila paglilingkuran ang interes ng Manggagawa ay MANININGIL tayo sa eleksiyon!
Samahan niyo kami sa Bukluran ng Manggagawang Pilipino at ating kalampagin ang Kongreso!
Manggagawa naman!