21/10/2025
Finally!
2 SUSPEK SA PANGG*GAHASA AT PAGPAT*Y SA SLOVAK NATIONAL SA BORACAY NOONG MARSO, NAARESTO NA NG MALAY PNP
NAARESTO na ng Malay PNP ang dalawang suspek sa pangg*gahasa at pagpat*y sa Slovakian tourist na si Michaela Mickova sa Boracay noong Marso.
Kinilala ang mga suspek na sina Rajel Lacorte, 29-anyos ng So. Diniwid, Brgy. Balabag, Malay at Ronald Claud Saron, 38-anyos ng Brgy. Yapak, Boracay at itinuturing na Top 3 Most Wanted sa Municipal Level at Top 1 naman sa Provincial Level.
Inaresto ang mga suspek sa pamamagitan ng bisa ng warrant of arrest na may kasong r**e with Homicide at may Criminal Case No. 18076 na inisyu ni Hon. Montalid Polines Patnubay Jr., Presiding Judge, Regional Trial Court, 6th Judicial Region, Branch 9, Kalibo Aklan na may petsang Oktubre 17, 2025.
Nasa kustodiya na ngayon ng Malay PNP si Saron at nakatakdang iturn-over sa kaukulang korte samantala, isinilbi naman kay Lacorte ang warrant of arrest sa Aklan Rehabilitation Center kung saan siya kasalukuyang nakakulong.
Wala namang piyansang itinakda ang korte para sa kanilang pansamantalang kalayaan.
Matatandaang, naiulat na missing ang nasabing turista sa isla noong Marso 10 at natagpuan na wala ng buhay habang walang saplot pang ibaba sa isang lumang kapilya noong Marso 12, 2025 sa Balabag, Boracay.|SMV
Para sa iba pang balita, bisitahin: www.radyotodo.ph