30/05/2026
Kalat at Laruan
Hindi matutumbasan ng halaga
Ang saya na dulot ng batang may laruan
Ito man ang dahilan ng kalat
Ngiti sa kanila'y hindi maikakaila
Hindi mabilang na laruan
Hindi rin mabilang na halaga
Hulog dito, laglag doon
Saan man parte ng bahay mayroon
Kalat man sa paningin ng iba
Sa isang nanay, ito ay ala-ala
Na minsan sa kanilang pagkabata
Yugto ng buhay nila'y puro halakhak
Walang inaalala, walang problema
Iniisip lang kung paano maging bata
Na kung tumanda man sila
Hihilingin nila bumalik sa pagkabata
Hindi dahil hindi sila nagpaka-bata
Kundi may parte sa buhay nila
Na ang kala't at laruan ay
Bahagi ng hindi makakalimutang ala-ala
By : Love Teppy