30/07/2025
โWe thank Secretary Remulla and the entire DOJ prosecution team for their swift and decisive action against World Balance and their use of Ghost Receipts. By working shoulder-to-shoulder with the DOJ, we are defending honest taxpayers and leveling the playing field against those who use ghost transactions to cheat the system,โ โ Commissioner Romeo D. Lumagui Jr.
Nagpapasalamat ang BIR sa Department of Justice (DOJ) sa kanilang agarang aksyon sa pagsampa ng 34 na kasong kriminal sa Court of Tax Appeals (CTA) at Caloocan City Court laban sa World Balance (CHG Global Inc. (CHGGI)), na may naitalang โฑ178.8 M tax deficiencies.
Noong July 9, 2025 ay isinumite ng DOJ ang 30 na criminal informations laban sa World Balance at mga kinatawan nito. Kaugnay ito ng kanilang paglabag ng Section 254 at 255 ng National Internal Revenue Code o Tax Code (NIRC). Mayroon ring apat (4) na criminal informations na isinumite sa Regional at Metropolitan Trial Courts ng Caloocan City na kaugnay rin ng paglabag ng sections 254, 255, at 267 ng Tax Code. Ang mga paglabag na ito ay ibinunyag ng pagsisiyasat ng Run After Fake Transactions (RAFT) program. Layunin ng RAFT program na panagutin ang mga gumagamit ng mga pekeng resibo mula sa mga ghost companies. Maliwanag na tax evasion ang ginawa ng World Balance para maiwasan ang pagbabayad ng tamang buwis para sa taxable years na 2018, 2019, 2020, at 2021.
Dahil dito ay mananagot ang mga opisyal ng World Balance na sila Barnaby L. Chong at Bradley L. Chong sa ilalim ng bisa ng Section 253(d) at 256 ng Tax Code. Mananagot rin sila Barnaby L. Chong, Bradley L. Chong, at Audrey Suzanne L. Chong dahil sa kanilang untruthful declaration, return, at iba pang hindi tugmang datos ng Annual Income Tax Return ng World Balance. Maliban sa criminal penalties ay haharapin din nila ang โฑ178,838,936.00 na tax liabilities.
MAKIISA SA LABAN KONTRA GHOST RECEIPTS!
Maaring magpadala ng report sa email: [email protected]