
07/02/2025
AGHAM | TL-Environmentalistang Erans para sa kalikasan!
“Ugat ng kalusugan, bunga ng kaunlaran” yan ang mga katagang iniwan ng TLE club sa kanilang isinagawang proyketong “Pagtatanim at pag sasaayos ng gulayan sa paaralan” noong ika- 16 at 17 ng disyembre.
Sa pangunguna at pagsasanib-pwersa ng TLE club at ng TLE department matagumpay na naisagawa ang proyektong ito na isinagawa sa roof top ng Bautista building kung saan ang gulayan ng paaralan.
Isinagawa ang proyekto para sa patuloy pag papalaganap ng kamalayan para sa mga hamon sa ating kapalagiran at kalikasan. Isa ang proyektong ito sa mga programa sa ating paaralan na patunay na ang New Era High School ay isang environmental at green school sa ating bansa.
Ayon sa mga nakilahok sa patimpalak na iyon ay nahirapan sila dahil sa tirik ng araw sa gulayan dag-dag pa rito ang mataas na palapag ng gulayan kaya’t nahirapan na mag angat at mag baba ng gamit ang mga nakilahok dito. Gayunpaman ay hindi masyadong ininda ng mga nakilahok dahil sa idinulot nitong saya, aral at pagkakaisa para sakanila.
Sa huli ang proyektong ito ay isa lamang sa mga hakbang ng ating paaralan para sa patuloy na pag laban sa mga ating suliranin sa kapaligiran at kalikasan. Nawa’y ang proyektong ito ay maging isang simbolo para sa ating mag-aaral na ipag patuloy ang paglaban sa mga problema ng ating kalikasan sa maliit man o malaking pamamaraan.
✍️: Justine Aldeguer