11/12/2024
Kung sino man ang nagmamay-ari ng media ay siya ring may kakayahang kumontrol nito. Sa panahong laganap ang disinformation at misinformation, nagiging plataporma ang media ng mga makakapangyarihang may-ari nito sa pagpapalaganap ng kanilang interes, komersyal man o pampulitika.
Ang konsepto ng pamilya ay litaw rin sa kalakaran sa media. Sa kasalukuyan, ang ABS-CBN ay pinapaktabo ng Pamilya Lopez, mga tagapagmana ni Eugenio Lopez, Sr., isang sugar at shipping magnate. Ang Philippine Star ang pinamumunuan ng mga Belmonte kung saan si Miguel Belmonte ang CEO habang sina Kevin Belmonte at Isaac Belmonte ay may posisyon sa online at editorial board nito. Lahat sila ay mga anak ng mamamahayag na si Betty Go-Belmonte, ang nagtatag ng Philippine Star.
Ang Inquirer Group of Companies ay pinamamahalaan naman ng mother-daughter duo na sina Marixi Rufino-Prieto and Sandy Prieto-Romualdez. May tatlo pang Prieto sa board members ng publikasyon — Bryan Christopher Prieto, Paolo Romeo R. Prieto at Javier Vicente D. Rufino. Ang radyo rin tulad ng The Manila Broadcasting Company ay pinapatakbo ng mga tagapagmana ng Spanish businessman na si Joaquin Marcelino Elizalde —Joaquin Miguel, Manuel at Federico Elizalde.
Nahaharap din ang media sa isyu ng monopolyo. Ang business tycoon na si Manuel V. Pangilinan ang nagmamay-ari sa MediaQuest Holdings, Inc. na hawak din ang Philippine Star, TV5 at Philippine Daily Inquirer. Bukod pa rito, hawak din ni Pangilinan ang 14 na iba’t ibang media outlet sa bansa.
Tingnan ang infographic para sa mas detalyadong report.