28/10/2025
SOARING HAPPILY & FREE LIKE A KITE
We'd like to introduce a new member of our furmily, our newly adopted furbaby, Khite, a 4-year old pekingese. Pinangalanan si Khite ng previous owner n'ya ng Skye. He has been neglected by his owner due to a family crisis that they experience at the moment. May sakit ang tatay ni owner at nangangailangan na ma-dialysis. Nung una, nung wala pa silang problema, mahal na mahal ni owner si Skye, na nagbago at unti-unti napabayaan dahil sa pagkakasakit ng tatay n'ya. Simula nun lagi na lang nasa cage si Skye kasama ang isang pusa na nilagay nila sa isang parking space. Dun nakasilong ang cage nila Skye, naka-expose sa matinding init tuwing summer, at lakas ng ulan at kidlat tuwing may bagyo o thunder storm. Sa ganung kalagayan namin natagpuan si Skye, matted ang balahibo dahil hindi nakakatikim ng groom, madaming muta, dry dog food lang ang pagkain, at halos hindi makainom ng malinis na tubig, dahil yung lagayan nila ng tubig ay natatapon kapag nasasagi nila. Sobrang nakaka-awa silang tingnan. Nadadaanan namin sila tuwing hapon kapag mamamalengke kami.
Lumipas pa ang ilang buwan bago kami tuluyang nagkaroon ng lakas ng loob na maki-usap kay owner kung pwede namin i-adopt si Skye. Fortunately, pumayag naman sila. Pero si Skye lang ang pina-adopt nila. They decided to keep the cat, and promised that they will take care of him since maiiwan ng mag-isa si Ming-ming. We hope we could respect their decision in keeping Ming-ming.
Inuwi namin si Skye, but we decided to put him first in a quarantine, para makasiguro kami na mai-contain s'ya if ever meron s'yang sakit. Para ma-protektahan din namin si Ziggy na 8-month old furbaby namin. Pinangalanan namin s'yang Khite, dahil gusto naming malaya na s'yang makapaglaro, matulog ng komportable at makakain ng sapat, kagaya ng isang saranggola (kite) na malayang nakakalipad.
Ngayon unti unti ng nakaka-adopt si Khite sa new environment n'ya. Na-groom na s'ya, nabigyan ng anti-tick and flea, and na-deworm na s'ya. Naka-schedule pa s'ya for 5in1, 6in1, 8in1, anti rabies and kennel cough vaccine. Good thing according kay owner complete vaccine naman si Khite last year, need na lang ipa-update.
Eto na po ngayon sina Ziggy at Khite, masayang naglalaro, nagkukulitan. Si Ziggy , although s'ya ang bunso, nagiging protective s'ya kay Khite. Laging nakasunod at nagche-check kung ok lang si Khite lalo na nung naka-quarantine pa si Khite. Nakakatuwa silang makita na naglalaro at naghahabulan.
Maraming salamat sa lahat ng nagbigay suporta dito sa dalawang furbebe na ito. We hope you guys will support these two on their journey together 😊🥰 🙏
Follow their page po, if you want more of their videos and updates.
Thank you so much for the love, let's continue to spread love and pawsitivity
🩵💙💛
゚viral