
23/07/2025
Sa panahon ngayon, g**o na ang kawawa,
Sa silid-aralan, sila’y tila wala nang halaga.
Puno ng papel, ang mesa’y di na makita,
Ngunit respeto sa kanila’y tila nawawala.
Magulang ay galit kapag may bagsak,
Di iniisip kung ang anak ba’y nag-aral nang tapat.
“Kasalanan ng teacher,” sigaw nang pasigaw,
Walang tanong kung bakit ang anak ay tamad.
Lesson plan sa gabi, klase sa umaga,
Pagod na katawan, isip ay laging gising pa.
Module, report, pati meeting nang biglaan,
Walang overtime, pero dapat palaging handa.
Kapag may honor “Aba, galing ng anak ko!”
Pero pag bumagsak “Anong ginagawa ng g**o?”
Walang gitna, walang pagkilala,
Kahit ilang luha na ang isinuko nila.
Ang g**o’y tagapagturo, tagagabay, tagapagsalba,
Ngunit sila rin ang unang hinuhusgahan ng madla.
Basta may mali, agad silang sisisihin,
Parang wala silang karapatang damdamin.
Di lang aralin ang kanilang inaaruga,
Pati puso ng batang luhaan ay kanilang pinapakalma.
Sila’y magulang, kaibigan, tagapakinig sa lungkot,
Ngunit kapalit - stress, pagod, at laging kulang na suporta.
Ngunit kahit ganito, hindi sila sumusuko,
Kahit masakit, pilit pa ring nagtuturo.
Dahil sa puso nila’y may apoy na di mapapawi,
Pag-asa ng bayan ,ito’y hindi biro kundi isang sakripisyo na tunay na dakila at dalisay.