17/07/2025
NAPAPAGOD DIN ANG PUSO
BINUKSAN ko ang cabinet ni Trina. kakaunting damit na lang ang naroon.
pati mga importanteng gamit niya at pampaganda ay wala na rin sa kanyang tokador.
kumpirmado. wala na si Trina. lumayas ang aking asawa.
napa upo na lang ako sa sofa at napabuntong hininga. pagod ako galing sa trabaho pero
mas lalo akong nanghina sa nadatnan ko. hindi ko lubos maisip kung bakit ginagawa niya
sa akin ang ganito...minahal ko siya at pinakasalan. ibinigay ang lahat ng gusto niya.
Pero bakit parang kulang pa rin ?...
Bakit kailangan pa niyang lumayas at sumama sa ibang lalaki ?...
Dear kuya Ram, ako si Jerry. nagmahal ako ng lubos sa isang babae si Trina.
tatlong beses na niya akong pinagtaksilan. nilayasan at sumama sa ibang lalaki.
madalas kong tanungin ang aking sarili..." bakit hindi ko siya magawang kalimutan ?..."
"BAKIT SIYA PA RIN ANG IPINAGLALABAN NG PUSO KO ?..."
" Niloloko ka lang ni Trina, pareng Jerry...pera lang ang habol niya sayo ! " muli ay
madiin na salita sa akin ni pareng Naldo. naroon na naman kami sa paborito naming
palipasan ng oras. sa "LONELY HEARTS BEER GARDEN " madalas kami doon lalo kung
ganitong problemado ako.
" Umaasa pa rin akong magbabago din siya." muli ay sagot ko sa ganoong paulit ulit
na puna niya tungkol kay Trina.. " hindi siya likas na masamang babae..."
"Anong hindi ?!...
"DITO MISMO SA BEER HOUSE NA ITO NAKILALA NATIN SI TRINA ! "
"Isa siyang bayarang babae. umpisa palang ay binalaan na kita na pigilan ang puso mo
na umibig pero minamahal mo parin siya at pinakasalan !"
"Huling paalala ko sa iyo, pareng Jerry...huwag mo nang tanggapin pang muli si Trina."
Sabay alis na si pareng Naldo. iniwan ako sa beer house. solo sa isang lamesa.
"waiter !...alak pa nga !"
Napag isip ko din. tama ang kumpare ko. mula nang magsama kami ni Trina ay hindi naman ito
huminto sa pakikipaglandian sa ibang lalaki... madalas siyang nasa labas ng bahay kasama ang mga istambay sa lugar namin. nakasuot ng maigsing shorts na halos kita na ang singit. naka hanging shirt
na kita ang pusod at cleavege. nakikipag inuman din at minsa'y pinaghihinalaan kong nagdo droga din.
Unang beses na lumayas siya ay kasama si Randy na kilalang adik sa amin. dalawang buwan lang ang
lumipas ay nagbalik din dahil sa pambu bugbog ng lalaki. tinanggap ko ang pagbabalik niya dahil mahal
ko siya at iyon ang dikta ng aking puso. Pangalawa ay kay Mang Tony. isang negosyante sa palengke.
pero 3 months lang sila dahil natunton sila ng legal wife ni mang Tony at ipina baranggay sila. Muli
kong tinangap at pinatawad si Trina.
At ngayon nga. heto na naman siya. sumama sa isang driver ng truck na nagkakarga ng manok...
Ngayon ko napagtanto. mali nga talaga ang ibigin siya. akala ko kasi ay magbabago siya kapag
pinakasalan ko na. tsk !... tsk !... mali pala ako.
Alam kong tulad ng nauna, babalik din si Trina. kakatok sa pinto at iiyak. magma makaawa. hihingi ng
tawad at mangangakong hindi na uulit pa... ipagluluto ako ng masarap na pagkain. pagsapit ng gabi ay
maliligo...magpapahid ng paborito kong amoy na pabango...magsusuot ng t-back at manipis na night
dress...saka ako masuyong tatawagin para pumasok sa kuwarto... doon ay mabubura na ang lahat ng
kasalanan sa akin ni Trina...
AT PATATAWARIN KO NA SIYA ?...
NO. HINDI NA... kuya Ram, this time ay hindi na ako paloloko pang muli. natuto na ako sa paulit-
na kasinungalingan at pagtataksil ni Trina. AYOKO NA SA KANYA. kalilimutan ko na siya. wala na
siyang babalikang Jerry. napagod na ako.... napagod na ang puso ko. tunay nga naman, NAPAPAGOD
DIN ANG PUSO...tumitigil din ang pagtibok ng pag ibig nito sa taong dati ay minahal niya ng lubusan...
humuhupa din ang dati ay maalab na init nito...TUMITIGIL DIN ITONG MAGMAHAL..
Ibinenta ko na ang aking bahay at nagpakalayo-layo. ---JERRY