
28/05/2025
Nakakatouched yung mga kinukumusta rin ako sa gitna ng kalagayan ni Freddie. Hindi ko kayo maisa-isa replayan pero wag kayo mag alala ok lang ako, always finding courage in the face of fear. 🙏🏼
Ang daming nangyayari this week, maraming nakakaiyak na moments pero hindi pa tayo pwedeng maging mahina. Kailangan ko palaging maging malakas para mabantayan ko sya oras-oras.
Ang priority natin ngayon ay ang kalagayan ni Freddie, pasensya na kayo na wala akong mabigay na detailed info sa inyo kasi pang-pamilya at malalapit na kaibigan lang muna ito.
Basta ang masisigurado ko lang sa inyo, he's in good hands and he's getting all the medications he needs.
Alam ko po na maraming nag aalala sa inyo. Naiintindihan ko po ang curiosity nyo sa kung anong nangyayari, pero yung mga nashare ko lang po sa inyo ang gustong ipa-share ni Freddie sa ngayon. Mag pray lang po tayo. Magiging maayos din ang lahat. 🙏🏼
Sa mga nag memessage sa kanya, hindi pa rin po nya kayo marereplayan kasi bawal pa po sya mag cellphone pero sisiguraduhin ko pong makakarating ang mga mensahe nyo.
To my dearest close friends, don't worry about me. Magpapahinga tayo pag pagod na tapos lalaban ulit.