
05/08/2025
Habang naghihintay kay Yaon, ginagamit ko ang oras na makapagsulat. Gusto ko makasulat ng kwentong pambata para kay Yaon. Kaya ito, sinimulan ko nang isulat ang isang kwentong inspired sa paborito nya - shells, snails & hermit crabs.
Ilang paghihintay pa ang gagawin ko para kay Yaon. Mapuno ko nawa ng kwento ang mga panahong ito. Excited ako sa mga kwentong masusulat ko para sa kanya tulad ng tuwa ko sa tuwing “magbubukas” ang pinto ng classroom sa oras ng uwian nila at tatawag sya ng “Papa”.
At sana sa sunod, sabay kami ni Yaon na “magbubukas” ng libro na laman ang mga kwentong nagawa sa paghihintay sa kanya.