Jero Lobeña

Jero Lobeña I help business owners shift from running a business to owning a life

23/08/2025

Sa halip na gumising ng pagod at nagmamadali, iniisip mo lang kung saan kayo magba-bonding ng pamilya mo, o anong next na lugar na pupuntahan nyo. 🌍✨

Hindi dahil tamad ka — pero dahil may control ka sa oras at income mo.
‘Yan ang pangarap na nag-udyok sakin maghanap ng ibang paraan. At naniniwala ako, posible rin ‘yan para sayo.

Kung ikaw bigyan ng chance na hawak ang oras at pera mo — saan ang unang lugar na pupuntahan mo? Share mo sa baba. 👇

22/08/2025

OJT pa lang, ramdam ko na… hindi talaga ako para sa corporate. 🚫
5 months na traffic, paulit-ulit na trabaho, at parang ubos oras at energy ko araw-araw.
Sabi ko sa sarili ko, kung ganito buong buhay ko… hanggang saan lang kaya mararating ko?

Kung ikaw din minsan naiisip mo na baka nasa maling landas ka ngayon… baka ito na yung sign para humanap ng mas magandang daan. ✨

👉 Comment ‘REALIZE’ kung ramdam mo rin ‘to.”

Hindi lahat ng pangarap kailangan ipinagsisigawan.May mga goals na mas mabuting ikaw lang muna ang may alam — dahil hind...
10/08/2025

Hindi lahat ng pangarap kailangan ipinagsisigawan.
May mga goals na mas mabuting ikaw lang muna ang may alam — dahil hindi lahat ng taong nakapaligid sa'yo ay gusto kang magtagumpay. Yung iba dyan tahimik lang pero secretly na gustong magkamali ka.

Kaya kung may pangarap ka, protektahan mo ito. Hindi mo kailangan ng applause. Hindi mo kailangan ng approval.
Basta malinaw sa’yo kung para kanino mo ito ginagawa — pamilya mo? future mo? sarili mong redemption?
Yun ang mas mahalaga kaysa validation ng iba.

Kung ikaw rin, may pangarap kang hindi mo sinasabi kahit kanino — comment “For a reason” sa baba. Hindi ka nag-iisa.

Tanggapin mo muna. Hindi lahat nabibigyan ng magandang simula. Pero hindi ibig sabihin wala ka nang karapatang tapusin a...
09/08/2025

Tanggapin mo muna. Hindi lahat nabibigyan ng magandang simula. Pero hindi ibig sabihin wala ka nang karapatang tapusin ang laban.

Bilang anak, minsan nakakalimutan natin na may mga pangarap din pala ang magulang natin. Yung simpleng bahay, yung mapagtapos ang anak, yung makasama sa magandang bakasyon, o kahit 'yung makakain lang sa mamahaling restaurant — baka hindi man nila nakuha ‘yon, pero puwede mo pa ring ibigay.

Hindi porket hindi mo nakuha agad 'yung buhay na gusto mo, habang buhay wala ka nang magagawa. May choice ka pa rin. May kapasidad ka pa ring baguhin ang sitwasyon mo — kung gugustuhin mo.

At isipin mo kung gaano kasarap sa pakiramdam bilang anak na ikaw ang naging dahilan kung bakit unti-unting natutupad ang pangarap nila. Hindi man sila umabot, pero dahil sa’yo, nakita pa rin nilang posible.

Kung may pangarap ka, alalahanin mo — may mga pangarap din sila na hindi nila naabot. Baka ikaw na lang ang hinihintay.



Pwedeng ikaw na 'yung next big thing… pero baka nasa maling environment ka lang.Marami sa’tin ang hindi naman kulang sa ...
08/08/2025

Pwedeng ikaw na 'yung next big thing… pero baka nasa maling environment ka lang.

Marami sa’tin ang hindi naman kulang sa sipag o determinasyon. Kundi kulang lang talaga sa tamang lugar para umangat.

May mga taong willing magsakripisyo—mapuyat, mapagod, paulit-ulit madapa—basta lang maabot 'yung pangarap. Pero bakit parang walang nangyayari? Parang paikot-ikot lang?

Kasi minsan, hindi ikaw ang may problema… kundi 'yung environment kung nasaan ka.

Kung isang halaman nga hindi mamumunga sa tuyot at walang sustansyang paso, eh paano pa ang isang taong may pangarap? Hindi ka puno. Hindi ka nakatali sa iisang lugar. May choice ka. May kakayahan kang lumipat sa mas magandang environment—yung lugar na may support system, may growth, may opportunity, at may vision.

Kung alam mong may ibubuga ka, pero parang hindi mo mailabas—baka panahon na para lumipat ka ng paso. Lumipat ka sa lugar na magbubunga ang effort mo.

Kasi sa tamang lugar, hindi lang ikaw aangat—matutupad mo rin ‘yung purpose mo sa buhay.



📌 Real talk lang.
📌 Stop staying stuck.
📌 You owe it to yourself to grow.

Alam mo yung feeling na sobrang laki ng pangarap mo, pero minsan parang ang layo pa?Hindi ka nag-iisa.Maraming Pilipino ...
02/08/2025

Alam mo yung feeling na sobrang laki ng pangarap mo, pero minsan parang ang layo pa?
Hindi ka nag-iisa.

Maraming Pilipino ang nangangarap ng maayos na buhay para sa pamilya nila — sariling bahay, magandang trabaho o negosyo, kalayaan sa utang, makapag-travel, makapagbigay sa magulang. Pero sa totoo lang, karamihan natatapos lang sa pangarap.

Kasi sa totoo lang, mas madali mangarap kesa kumilos.
Mas madali manood ng motivational videos kesa mag-apply ng natutunan.
Mas madali mag-plano kesa mag-risk.
Mas madali magsabi ng “bukas na lang” kesa “ngayon na.”

Pero kung gusto mong tumibay ang pangarap mo, gawin mo siyang mission.
Yung hindi ka papayag na hanggang kwento ka lang.
Kahit mahirap, kahit may takot, kahit wala kang kasiguraduhan —
ang totoong tagumpay, para sa mga taong marunong sumugal sa pangarap nila.

Ang tanong:
Ikaw ba yung nangangarap lang… o ikaw yung kikilos ngayon?
Let this be your sign.

Address

Quezon City
1103

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Jero Lobeña posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share