08/07/2025
wala po ba sila seminar and exam bago maging enforcer? mahirap yan, they are enforcing the rules, regulation and law but does’nt know about it saklap….
PABATID SA PUBLIKO
Hindi kailangan maglagay ng “Not for Hire” na signage sa mga pribadong sasakyan.
Ang mga pribadong sasakyan na ginagamit bilang personal na sasakyan ng tao o produkto ng may-ari ay hindi pinagbabawal. Ngunit kung ang sasakyan ay pinapaarkila o ginagamit sa pampasaherong biyahe, nangangailangan ito ng prangkisa mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Kung walang prangkisa, maaaring ituring ang sasakyan na colorum na may kaukulang parusa na nakapaloob sa Metro Manila Traffic Code at Joint Administrative Order (JAO) ng LTFRB at Land Transportation Office (LTO).