23/02/2026
Hindi tayo madalas magkita.
Hindi natin madalas nakikita ang isa't isa.
Pero kahit ganoon, hindi iyon naging rason
para matapos at mapagod sa sitwasyon.
Sa tingin ko nga, mas pinapatatag tayo nito.
Naniniwala kasi tayo na darating 'yong araw
na hindi na natin kailangang magtiis.
Hindi na tayo mangungulila isa't isa
dahil araw‐araw na tayong magkikita.
— Isiey