TRI-Pulse Media

TRI-Pulse Media Your Voice. Your News. Your World. Tri-Pulse Media

Your Voice. Here, your voice matters.

Welcome to Tri-Pulse Media Online News and Interactive Media, Inc. โ€” a new kind of digital news hub made for the people and by the people. We mix credible journalism with interactive storytelling to keep you informed, inspired, and involved. Youโ€™re not just reading the news โ€” youโ€™re part of the conversation.

๐Ÿงญ Our Vision:
To be the most trusted and engaging digital news source in the Philippines and Southeast Asia.

๐Ÿ’ก Our Mission:
To empower communities through credible news and creative storytelling โ€” helping Filipinos stay informed, connected, and ready to take action in the digital age.

๐Ÿ’ผ What We Do:
We bring you stories that matter โ€” from breaking news and live events to exclusive features and community-driven content.

๐’๐ ๐†๐€๐“๐‚๐‡๐€๐‹๐ˆ๐€๐: ๐‹๐„๐†๐€๐‘๐ƒ๐€ ๐Œ๐€๐˜ ๐Œ๐€๐‹๐”๐๐‡๐€๐๐† ๐’๐€๐Š๐ˆ๐“, ๐๐€๐†๐Ž ๐๐€ ๐€๐๐† ๐ˆ๐Œ๐๐„๐€๐‚๐‡๐Œ๐„๐๐“, ๐€๐‹๐€๐Œ ๐๐€ ๐ˆ๐“๐Ž ๐๐† ๐’๐„๐๐€๐ƒ๐ŽKinumpirma ni Senate President...
06/09/2026

๐’๐ ๐†๐€๐“๐‚๐‡๐€๐‹๐ˆ๐€๐: ๐‹๐„๐†๐€๐‘๐ƒ๐€ ๐Œ๐€๐˜ ๐Œ๐€๐‹๐”๐๐‡๐€๐๐† ๐’๐€๐Š๐ˆ๐“, ๐๐€๐†๐Ž ๐๐€ ๐€๐๐† ๐ˆ๐Œ๐๐„๐€๐‚๐‡๐Œ๐„๐๐“, ๐€๐‹๐€๐Œ ๐๐€ ๐ˆ๐“๐Ž ๐๐† ๐’๐„๐๐€๐ƒ๐Ž
Kinumpirma ni Senate President Sherwin โ€œWinโ€ Gatchalian na may malubhang karamdaman si Sen. Loren Legarda at sinabi niyang bago pa ang kasalukuyang impeachment proceedings ay alam na niya ang kondisyon ng senador.

Ayon kay Gatchalian, personal na usapin ang sakit ni Legarda kaya hindi niya maaaring ibunyag ang partikular na diagnosis. Sinabi niyang personal silang magkaibigan at nauna nang sinabi sa kanya ni Legarda na mayroon itong seryosong karamdaman.

โ€œAlam ko โ€™yung kanyang sakit. Even prior to this. Weโ€™re personal friends as well. So nasabi niya iyon, na mayroon siyang sakit na seryoso,โ€ pahayag ni Gatchalian.

Naka-medical leave si Legarda mula pa Agosto 3 at ilang ulit nang pinalawig ang kanyang leave. Dahil dito, hindi siya nakadalo sa ilang sesyon ng Senado, kabilang ang mga pagdinig sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Hindi rin tinukoy ni Gatchalian kung kailan eksaktong makababalik sa Senado si Legarda. Aniya, wala pa siyang impormasyon tungkol sa petsa ng pagbabalik nito.

Samantala, sinabi rin ng Senate President na hindi tumatanggap ng suweldo si Legarda habang naka-medical leave. Ayon sa kanya, kusa itong hindi kumukuha ng sahod habang hindi nakapaglilingkod sa Senado.

Ang matagal na medical leave ni Legarda ay naging sentro rin ng mga tanong dahil kasabay nito ang imbestigasyon ng Office of the Ombudsman sa mga reklamong plunder at graft na kinasasangkutan niya, ng kanyang anak na si Batangas Rep. Leandro Leviste, at dating Energy Secretary Alfonso Cusi kaugnay ng mga alegasyon sa solar energy projects. Itinanggi ni Legarda ang mga alegasyon.

Sa kabila ng mga isyung ito, iginiit ni Gatchalian na seryoso ang kalagayan ni Legarda at dapat itong bigyan ng nararapat na atensyon.

Sa ngayon, hindi pa isinasapubliko ang eksaktong diagnosis o partikular na sakit ni Legarda.

๐ˆ๐‘๐ƒ๐… ๐๐ˆ๐๐€๐๐€๐“๐ˆ๐‹๐ˆ ๐€๐๐† ๐๐€๐†๐‹๐€๐๐€๐ ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐‚๐‹๐ˆ๐Œ๐€๐“๐„ ๐‰๐”๐’๐“๐ˆ๐‚๐„, ๐…๐Ž๐Ž๐ƒ ๐’๐Ž๐•๐„๐‘๐„๐ˆ๐†๐๐“๐˜ ๐€๐“ ๐†๐‘๐„๐„๐ ๐‰๐Ž๐๐’Patuloy na isinusulong ng Institute ...
05/09/2026

๐ˆ๐‘๐ƒ๐… ๐๐ˆ๐๐€๐๐€๐“๐ˆ๐‹๐ˆ ๐€๐๐† ๐๐€๐†๐‹๐€๐๐€๐ ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐‚๐‹๐ˆ๐Œ๐€๐“๐„ ๐‰๐”๐’๐“๐ˆ๐‚๐„, ๐…๐Ž๐Ž๐ƒ ๐’๐Ž๐•๐„๐‘๐„๐ˆ๐†๐๐“๐˜ ๐€๐“ ๐†๐‘๐„๐„๐ ๐‰๐Ž๐๐’

Patuloy na isinusulong ng Institute for Rural Development and Food (IRDF) at ng Board of Directors nito ang mga programang nakatuon sa climate justice, food sovereignty, at green jobs, na inilalagay sa sentro ng development ang maliliit na magsasaka at mga komunidad.

Ayon sa IRDF, kabilang sa mga isinusulong nitong transformative approaches ang regenerative agroforestry, circular economy, at food nationalism bilang mga lokal at sustainable na solusyon sa mga hamon na kinakaharap ng mga komunidad at sektor ng agrikultura.

Kaugnay nito, ipinahayag din ng organisasyon ang pagtutol nito sa Pax Silica, habang patuloy na isinusulong ang transformational social entrepreneurship na naglalayong bigyang-kapangyarihan ang mga small coconut farmers, kapwa kababaihan at kalalakihan.

Para sa IRDF, hindi lamang dapat ituring na benepisyaryo ng development ang mga magsasaka. Mahalaga silang katuwang sa pagtatayo ng isang resilient, sovereign, at sustainable food system.

Bahagi rin ng pananaw ng organisasyon ang pagtataguyod ng isang ekonomiya kung saan magkakaugnay ang pangangalaga sa kalikasan, disenteng kabuhayan, farmer empowerment, at food sovereignty.

Sa patuloy na adbokasiya ng IRDF, binibigyang-diin nito na ang climate justice, food sovereignty, green jobs, at farmer empowerment ay hindi lamang mga mithiin kundi mga prinsipyong patuloy nitong isinusulong tungo sa mas makatarungan at sustainable na kinabukasan.

๐€๐‚๐„๐‘ ๐“๐€๐Š๐„๐’ ๐€ ๐ƒ๐ˆ๐…๐…๐„๐‘๐„๐๐“ ๐€๐๐๐‘๐Ž๐€๐‚๐‡ ๐–๐ˆ๐“๐‡ ๐”๐๐†๐‘๐€๐ƒ๐„๐€๐๐‹๐„ ๐€๐๐ƒ ๐‘๐„๐๐€๐ˆ๐‘๐€๐๐‹๐„ ๐‹๐€๐๐“๐Ž๐๐’Acer is taking a different approach to laptop des...
04/09/2026

๐€๐‚๐„๐‘ ๐“๐€๐Š๐„๐’ ๐€ ๐ƒ๐ˆ๐…๐…๐„๐‘๐„๐๐“ ๐€๐๐๐‘๐Ž๐€๐‚๐‡ ๐–๐ˆ๐“๐‡ ๐”๐๐†๐‘๐€๐ƒ๐„๐€๐๐‹๐„ ๐€๐๐ƒ ๐‘๐„๐๐€๐ˆ๐‘๐€๐๐‹๐„ ๐‹๐€๐๐“๐Ž๐๐’

Acer is taking a different approach to laptop design with its new Acer Vero 16, putting greater emphasis on repairability and future upgrades by allowing users to access and replace several key components instead of requiring an entirely new device when certain parts fail or become outdated.

Unveiled on September 2 during IFA 2026, the fourth-generation Vero laptop features a tool-free access latch on its bottom cover, making it easier to reach internal components. Acer says the battery and SSD are user-replaceable, while the laptop also features removable I/O port covers and a detachable external hinge designed to make repairs easier.

One of the most notable changes is Acer's effort to make the Vero 16 upgradeable beyond its original configuration. The company says the laptop is designed to support processor upgrades for at least two generations, a feature that is unusual among mainstream consumer notebooks where processors are commonly soldered to the motherboard.

The approach means users could potentially extend the useful life of the Vero 16 by upgrading its processor platform rather than replacing the entire laptop. Acer has not yet detailed the future processor upgrade process, pricing, or whether replacement motherboard assemblies will be sold directly to consumers.

The Vero 16 also makes repairs more straightforward by incorporating a visual guide directly into the laptop's design, helping identify components during servicing. Its removable port modules are another important feature, potentially allowing damaged ports to be serviced without replacing the entire motherboard.

However, the laptop is not completely user-upgradeable. Acer lists configurations with up to 32GB of LPDDR5X memory, but the RAM is soldered to the motherboard, meaning users cannot simply replace or add RAM modules themselves. The clearly user-replaceable components include the SSD and battery, while the processor upgrade path involves the platform rather than a conventional socketed CPU upgrade.

Acer is also positioning the Vero 16 as a more environmentally conscious device. The chassis uses 50% post-industrial recycled aluminum and 50% low-carbon aluminum for the top and palm-rest covers, while the bottom cover contains 60% post-consumer recycled plastic. The company describes this expanded approach as moving from its traditional โ€œ3Rโ€ philosophyโ€”reduce, reuse and recycleโ€”to โ€œ4R,โ€ adding repairability.

Beyond repairability, the Vero 16 is a premium Windows 11 laptop powered by Intel Core Ultra Series 3 processors, with configurations reaching up to an Intel Core Ultra X9 388H and Intel Arc B390 graphics. It can be configured with up to 32GB of LPDDR5X memory and 512GB of PCIe Gen 4 NVMe SSD storage, alongside a 16-inch OLED display option with up to 3K resolution and a 120Hz refresh rate.

Acer says the Vero 16 will be available in EMEA during the first quarter of 2027, with exact specifications, pricing and availability varying by market.

The move places Acer among laptop manufacturers increasingly exploring repairable and longer-lasting designs, giving consumers more options to maintain or upgrade their devices instead of replacing an entire machine when a single component reaches the end of its useful life.

๐‘๐„๐ƒ ๐‘๐€๐ˆ๐๐…๐€๐‹๐‹ ๐–๐€๐‘๐๐ˆ๐๐† ๐ˆ๐“๐ˆ๐๐€๐€๐’ ๐’๐€ ๐ˆ๐‹๐€๐๐† ๐๐€๐‡๐€๐†๐ˆ ๐๐† ๐™๐€๐Œ๐๐€๐‹๐„๐’ ๐€๐“ ๐๐€๐“๐€๐€๐; ๐…๐‹๐Ž๐Ž๐ƒ๐ˆ๐๐† ๐ˆ๐๐€๐€๐’๐€๐‡๐€๐Nasa ilalim ng Red Rainfall Warnin...
04/09/2026

๐‘๐„๐ƒ ๐‘๐€๐ˆ๐๐…๐€๐‹๐‹ ๐–๐€๐‘๐๐ˆ๐๐† ๐ˆ๐“๐ˆ๐๐€๐€๐’ ๐’๐€ ๐ˆ๐‹๐€๐๐† ๐๐€๐‡๐€๐†๐ˆ ๐๐† ๐™๐€๐Œ๐๐€๐‹๐„๐’ ๐€๐“ ๐๐€๐“๐€๐€๐; ๐…๐‹๐Ž๐Ž๐ƒ๐ˆ๐๐† ๐ˆ๐๐€๐€๐’๐€๐‡๐€๐

Nasa ilalim ng Red Rainfall Warning ang ilang bayan sa Zambales at ang Dinalupihan, Bataan, ayon sa Heavy Rainfall Warning No. 5 ng PAGASA na inilabas alas-8 ng umaga ngayong Biyernes, September 4, 2026.

Ayon sa PAGASA, kabilang sa mga lugar sa Zambales na nasa red warning ang San Narciso, San Felipe, San Marcelino, Castillejos, San Antonio, Subic at Olongapo, habang Dinalupihan naman ang nasa red warning sa Bataan. Ang red warning ay nangangahulugang seryosong pagbaha ang inaasahan sa mga lugar na madaling bahain.

Nasa ilalim naman ng Orange Rainfall Warning ang Tarlac at Pampanga, gayundin ang ilang bahagi ng Zambales, Bataan at Bulacan. Sa Zambales, kabilang dito ang Botolan, Cabangan, Candelaria, Iba, Masinloc, Palauig at Santa Cruz. Sa Bataan naman ay kabilang ang Abucay, Bagac, Balanga, Limay, Mariveles, Morong, Orani, Orion, Pilar, Samal at Hermosa.

Kabilang sa mga lugar sa Bulacan na nasa orange warning ang Hagonoy, Calumpit, Paombong, Malolos, Plaridel, Pulilan, Guiguinto, Balagtas, Baliuag, Bustos, Pandi, Angat at Bulakan. Ang orange warning ay nangangahulugang patuloy na nagbabanta ang pagbaha.

Samantala, nasa Yellow Rainfall Warning ang Metro Manila, Rizal, Cavite, ilang bahagi ng Bulacan, Laguna, Batangas at Nueva Ecija. Sa ilalim ng yellow warning, posible ang pagbaha lalo na sa mga lugar na flood-prone.

Inaasahan din ang light to moderate rains na may kasamang paminsan-minsang malalakas na pag-ulan sa ilang bahagi ng Quezon, Laguna at Batangas sa loob ng susunod na tatlong oras.

Ayon sa PAGASA, ang pag-ulan ay dulot ng Southwest Monsoon o Habagat, na patuloy na nakaaapekto sa Luzon. Sa kanilang weather forecast, binanggit din na maaaring magkaroon ng flash floods o landslides sa Zambales at Bataan dahil sa malakas hanggang matinding pag-ulan.

Pinapayuhan ng PAGASA ang publiko at mga Disaster Risk Reduction and Management Office na patuloy na subaybayan ang lagay ng panahon at maging alerto sa mga susunod na rainfall warning. Ang susunod na rainfall warning ay nakatakdang ilabas alas-11:00 ng umaga.

๐‘๐„๐“๐‘๐ˆ๐„๐•๐€๐‹ ๐Ž๐๐„๐‘๐€๐“๐ˆ๐Ž๐๐’ ๐’๐€ ๐’๐”๐• ๐๐€ ๐๐€๐‡๐”๐‹๐Ž๐† ๐’๐€ ๐“๐€๐‘๐‹๐€๐‚ ๐‘๐ˆ๐•๐„๐‘, ๐ˆ๐’๐ˆ๐๐€๐†๐€๐–๐€; ๐’๐€๐’๐€๐Š๐˜๐€๐ ๐๐€๐‘๐„๐Š๐Ž๐๐„๐‘Narekober na ang SUV na nahulog sa ...
02/09/2026

๐‘๐„๐“๐‘๐ˆ๐„๐•๐€๐‹ ๐Ž๐๐„๐‘๐€๐“๐ˆ๐Ž๐๐’ ๐’๐€ ๐’๐”๐• ๐๐€ ๐๐€๐‡๐”๐‹๐Ž๐† ๐’๐€ ๐“๐€๐‘๐‹๐€๐‚ ๐‘๐ˆ๐•๐„๐‘, ๐ˆ๐’๐ˆ๐๐€๐†๐€๐–๐€; ๐’๐€๐’๐€๐Š๐˜๐€๐ ๐๐€๐‘๐„๐Š๐Ž๐๐„๐‘

Narekober na ang SUV na nahulog sa Tarlac River matapos gumuho ang bahagi ng Agana Bridge sa Tarlac City, habang walang natagpuang laman ang SUV Nagpapatuloy naman ang search and rescue operations sa dalawang taong hindi pa nahahanap.

Isinagawa ang retrieval operation sa tulong ng mga rescue personnel at iba pang responders matapos matagpuan ang sasakyan sa ilog. Kabilang sa mga tumulong sa operasyon ang mga disaster response teams at iba pang awtoridad na nagsagawa ng paghahanap at pagkuha sa sasakyan mula sa tubig.

Nahulog sa Tarlac River ang SUV nang gumuho ang bahagi ng Agana Bridge habang malakas ang agos ng tubig na dulot ng matinding pag-ulan at epekto ng Southwest Monsoon o Habagat.

limang tao ang sakay ng SUV nang mangyari ang insidente. Isa ang nakaligtas, habang dalawa pa lamang sa mga pasahero ang kalaunang natagpuan sa mga lugar sa Pangasinan na walang buhay matapos tangayin ng malakas na agos.

Patuloy naman ang paghahanap sa mga natitira pang naiulat na nawawala. Nakikipagtulungan ang mga lokal na disaster response units at iba pang ahensya upang matukoy ang posibleng kinaroroonan ng mga biktima.

Samantala, patuloy ding inaasikaso ng mga awtoridad ang epekto ng pagguho ng Agana Bridge, na naging mahalagang bahagi ng access sa lugar, habang isinasagawa ang mga kinakailangang hakbang para sa kaligtasan ng mga motorista at residente.

๐๐€๐†๐€๐’๐€ ๐๐€๐†๐๐€๐๐€๐‹๐€ ๐๐† ๐Œ๐€๐‹๐€๐Š๐€๐’ ๐๐€ ๐๐€๐†-๐”๐‹๐€๐ ๐ƒ๐€๐‡๐ˆ๐‹ ๐’๐€ ๐‡๐€๐๐€๐†๐€๐“; ๐ˆ๐‹๐€๐๐† ๐‹๐€๐‹๐€๐–๐ˆ๐†๐€๐ ๐๐Ž๐’๐ˆ๐๐‹๐„๐๐† ๐Œ๐€๐Š๐€๐‘๐€๐๐€๐’ ๐๐† ๐Ÿ๐ŸŽ๐ŸŽ ๐Œ๐Œ ๐๐€ ๐”๐‹๐€๐Nagbabala...
02/09/2026

๐๐€๐†๐€๐’๐€ ๐๐€๐†๐๐€๐๐€๐‹๐€ ๐๐† ๐Œ๐€๐‹๐€๐Š๐€๐’ ๐๐€ ๐๐€๐†-๐”๐‹๐€๐ ๐ƒ๐€๐‡๐ˆ๐‹ ๐’๐€ ๐‡๐€๐๐€๐†๐€๐“; ๐ˆ๐‹๐€๐๐† ๐‹๐€๐‹๐€๐–๐ˆ๐†๐€๐ ๐๐Ž๐’๐ˆ๐๐‹๐„๐๐† ๐Œ๐€๐Š๐€๐‘๐€๐๐€๐’ ๐๐† ๐Ÿ๐ŸŽ๐ŸŽ ๐Œ๐Œ ๐๐€ ๐”๐‹๐€๐

Nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa inaasahang malalakas na pag-ulan dulot ng Southwest Monsoon o Habagat sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas mula ngayong gabi hanggang Setyembre 5.

Ayon sa Weather Advisory No. 45, na inilabas alas-11 ng gabi nitong Setyembre 2, inaasahang makapagtala ng 50โ€“100 millimeters (mm) na ulan ngayong gabi hanggang bukas ng gabi, Setyembre 3, sa mga sumusunod na lugar:

โ€ข Ilocos Norte
โ€ข Ilocos Sur
โ€ข La Union
โ€ข Pangasinan
โ€ข Abra
โ€ข Benguet
โ€ข Zambales
โ€ข Bataan

Mula naman Setyembre 3 ng gabi hanggang Setyembre 4 ng gabi, kabilang sa inaasahang makatatanggap ng 50โ€“100 mm ng ulan ang:

โ€ข Zambales
โ€ข Bataan
โ€ข Cavite
โ€ข Batangas
โ€ข Occidental Mindoro

Samantala, pinakamalaking rainfall accumulation ang inaasahan sa Occidental Mindoro mula Setyembre 4 ng gabi hanggang Setyembre 5 ng gabi, kung saan maaaring umabot sa 100โ€“200 mm ang ulan.

Inaasahan namang makapagtala ng 50โ€“100 mm ng ulan sa parehong panahon ang Zambales, Bataan, Pampanga, Cavite, Batangas, Oriental Mindoro at Antique.

Ayon sa PAGASA, maaaring mas mataas pa ang aktuwal na rainfall sa mga mountainous at elevated areas. Maaari ring lumala ang epekto ng pag-ulan sa ilang lugar dahil sa naunang malalakas na pag-ulan o significant antecedent rainfall.

Pinapayuhan ang mga concerned Disaster Risk Reduction and Management Offices (DRRMOs) na magsagawa ng kinakailangang hakbang upang maprotektahan ang buhay at ari-arian.

Maaari ring maglabas ang PAGASA Regional Services Divisions ng Heavy Rainfall Warnings, Thunderstorm Advisories at iba pang severe weather information depende sa aktuwal na kondisyon sa kani-kanilang lugar.

Mahalagang Paalala na magkaiba ang Heavy Rainfall Warning at Weather Advisory.

Ang Heavy Rainfall Warning ay nakatuon sa mas maikling panahon at maaaring magbigay ng impormasyon hanggang municipal level, gamit ang real-time rainfall monitoring gaya ng Doppler radar. Samantala, ang Weather Advisory ay nagbibigay ng mas malawak na rainfall outlook sa provincial level.

Para sa mga agarang desisyon gaya ng class suspensions at iba pang opisyal na hakbang, pinapayuhan ang publiko na sumubaybay sa mga Heavy Rainfall Warnings na inilalabas ng kaukulang PAGASA Regional Services Divisions.

๐Ÿ“ข Manatiling alerto at regular na subaybayan ang mga opisyal na update ng PAGASA at inyong lokal na DRRM office.

๐Ÿ“… Ayon sa PAGASA, kung walang malaking pagbabago sa sitwasyon, ang susunod na Weather Advisory ay ilalabas alas-5 ng umaga, Setyembre 3, 2026.

๐Ž๐•๐ ๐๐€๐†-๐๐‘๐Ž๐๐Ž๐’๐„ ๐๐† โ‚ฑ๐Ÿ•๐Ÿ–๐Ÿ“.๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ’-๐Œ๐ˆ๐‹๐˜๐Ž๐๐† ๐๐”๐ƒ๐†๐„๐“ ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ•, ๐Ÿ๐Ÿ.๐Ÿ•% ๐Œ๐€๐’ ๐Œ๐€๐๐€๐๐€ ๐’๐€ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”Nagpropose ang Office of the Vice Presi...
02/09/2026

๐Ž๐•๐ ๐๐€๐†-๐๐‘๐Ž๐๐Ž๐’๐„ ๐๐† โ‚ฑ๐Ÿ•๐Ÿ–๐Ÿ“.๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ’-๐Œ๐ˆ๐‹๐˜๐Ž๐๐† ๐๐”๐ƒ๐†๐„๐“ ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ•, ๐Ÿ๐Ÿ.๐Ÿ•% ๐Œ๐€๐’ ๐Œ๐€๐๐€๐๐€ ๐’๐€ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

Nagpropose ang Office of the Vice President (OVP) ang โ‚ฑ785.204 milyon na budget para sa 2027, o 11.7% na mas mababa kumpara sa โ‚ฑ889.236 milyong appropriated budget nito para sa 2026.

Ang panukalang pondo ay bahagi ng 2027 National Expenditure Program (NEP) at sasailalim pa sa proseso ng pagsusuri at pag-apruba ng Kongreso bago maging pinal na national budget.

Sa proposed 2027 budget, โ‚ฑ220.232 milyon ang nakalaan para sa Personnel Services, habang โ‚ฑ561.651 milyon naman ang para sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE). Mayroon ding โ‚ฑ3.321 milyon para sa Capital Outlay.

Bukod dito, may โ‚ฑ15.544 milyon na automatically appropriated para sa Retirement and Life Insurance Premium ng mga personnel ng OVP.

Sa bahagi ng MOOE, kabilang sa pinakamalaking allocation ang โ‚ฑ193.103 milyon para sa procurement ng goods at livelihood assistance grants sa ilalim ng MagNegosyo Ta โ€™Day, kasama ang iba pang assistance at service-oriented programs ng tanggapan.

Kabilang sa mga programang nais ipagpatuloy ng OVP sa 2027 ang Pagbabago Campaign, Disaster Operations, R.I.I.C.E. Food Bags, Libreng Sakay, KALUSUGAN Food Truck and Disaster Operations, wheelchair distribution, Al-Janazah Kits and Other Supplies, at You Can Be VP Program.

Target ng mga programang ito na makapagbigay ng iba't ibang uri ng serbisyo at assistance sa mga Pilipino, kabilang ang mga commuter, learners, pamilya at mga indibidwal na nangangailangan ng tulong.

Ayon sa OVP, sa kabila ng mas mababang proposed budget para sa 2027, layunin nitong ipagpatuloy ang mga pangunahing serbisyo at programa habang tinitiyak ang maayos at responsableng paggamit ng pondo ng pamahalaan.

Samantala, sinabi ng OVP na mahigit 90% ang average budget utilization nito sa mga nakaraang taon. Para sa 2026, umabot sa 43.07% ang obligation rate nito hanggang June 30, kumpara sa 41% target para sa naturang panahon.

Ang โ‚ฑ785.204 milyong budget ay panukala pa lamang at maaaring magbago habang dumaraan sa deliberasyon ng Kamara at Senado bilang bahagi ng proseso ng pagpapatibay ng 2027 General Appropriations Act.

โ€œ๐๐€๐“๐ˆ๐Ž๐๐€๐‹ ๐“๐‘๐„๐€๐’๐”๐‘๐„โ€ ๐๐€ ๐’๐‚๐”๐‹๐๐“๐”๐‘๐„ ๐๐ˆ ๐„๐ƒ๐”๐€๐‘๐ƒ๐Ž ๐‚๐€๐’๐“๐‘๐ˆ๐‹๐‹๐Ž, ๐๐ˆ๐๐€๐Š๐€๐– ๐’๐€ ๐’๐€๐ ๐‰๐Ž๐’๐„ ๐ƒ๐„๐‹ ๐Œ๐Ž๐๐“๐„, ๐๐”๐‹๐€๐‚๐€๐Dalawang sculpture na iniuu...
01/09/2026

โ€œ๐๐€๐“๐ˆ๐Ž๐๐€๐‹ ๐“๐‘๐„๐€๐’๐”๐‘๐„โ€ ๐๐€ ๐’๐‚๐”๐‹๐๐“๐”๐‘๐„ ๐๐ˆ ๐„๐ƒ๐”๐€๐‘๐ƒ๐Ž ๐‚๐€๐’๐“๐‘๐ˆ๐‹๐‹๐Ž, ๐๐ˆ๐๐€๐Š๐€๐– ๐’๐€ ๐’๐€๐ ๐‰๐Ž๐’๐„ ๐ƒ๐„๐‹ ๐Œ๐Ž๐๐“๐„, ๐๐”๐‹๐€๐‚๐€๐

Dalawang sculpture na iniuugnay sa bantog na Filipino sculptor na si Eduardo Castrillo ang iniulat na ninakaw mula sa isang storage facility sa San Jose del Monte City, Bulacan.

Batay sa police report na inisyu ng San Jose del Monte City Police Station noong Agosto 29, 2026, iniulat ang insidente bilang alleged theft incident matapos matuklasang sapilitang sinira ang padlock ng roll-up door ng storage facility sa Marcela Village, Francisco Homes, Barangay Mulawin.

Ayon sa report, natuklasan ang insidente bandang 9:00 ng umaga noong Agosto 29 nang bisitahin ng complainant ang lugar. Napag-alaman umano na may mga taong nakapasok sa premises at kinuha at inilabas ang dalawang piraso ng artwork/sculpture.

Kabilang sa mga iniulat na nawawala ang isang tinatayang 2 metro x 3 metro na sculpture na tinatawag na โ€œThe Last Supper,โ€ na naka-mount sa carved narra wood, at isang tinatayang 1 metro x 1 metro na obra na โ€œBringing Up Parents.โ€ Ayon sa impormasyong ibinigay ng may-ari, kapwa gawa umano ni Castrillo at tinatayang nilikha noong bandang 1970.

Sa mensaheng ipinadala ng may-ari, sinabi nitong itinuturing umano nilang โ€œnational treasuresโ€ ang mga sculpture dahil sa kanilang kahalagahan at halaga. Hiniling din nito ang tulong ng media upang maipalaganap ang impormasyon at makatulong sa paghahanap sa mga nawawalang obra.

Samantala, patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang mga responsable sa insidente at mabawi ang dalawang nawawalang sculpture.

Hinihikayat ang sinumang may impormasyon tungkol sa kinaroroonan ng mga obra na makipag-ugnayan sa mga awtoridad.

CLARIFICATION: Ang โ€œNational Treasureโ€ na pagtukoy sa ulat ay hindi nangangahulugang opisyal nang dineklara ng pamahalaan bilang National Cultural Treasures ang dalawang sculpture. Ginamit ang termino batay sa pahayag ng may-ari, wala pang opisyal na beripikasyon sa mga nasabing obra.

METRO MANILA AIR QUALITY REACHES UNHEALTHY LEVELS AMID INDONESIA HAZEMANILA โ€” Air quality in several parts of Metro Mani...
01/09/2026

METRO MANILA AIR QUALITY REACHES UNHEALTHY LEVELS AMID INDONESIA HAZE

MANILA โ€” Air quality in several parts of Metro Manila reached โ€œ๐—”๐—ฐ๐˜‚๐˜๐—ฒ๐—น๐˜† ๐—จ๐—ป๐—ต๐—ฒ๐—ฎ๐—น๐˜๐—ต๐˜†โ€ levels Monday evening as haze linked to forest fires in Indonesia continued to affect the region.

According to DENR-EMB air quality monitoring data, Paraรฑaqueโ€™s Don Bosco recorded the highest reading at AQI 270 as of 7 p.m. on August 31, followed by Las Piรฑas at 205. Both were classified as Acutely Unhealthy.

๐—ฆ๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐—ผ๐˜๐—ต๐—ฒ๐—ฟ ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฎ๐˜€ ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฐ๐—ผ๐—ฟ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฑ ๐—ฉ๐—ฒ๐—ฟ๐˜† ๐—จ๐—ป๐—ต๐—ฒ๐—ฎ๐—น๐˜๐—ต๐˜† ๐—ฎ๐—ถ๐—ฟ ๐—พ๐˜‚๐—ฎ๐—น๐—ถ๐˜๐˜†:

โ€ข Manila โ€” 198
โ€ข Malabon โ€” 186
โ€ข Valenzuela โ€” 179
โ€ข Quezon City-Ateneo โ€” 179
โ€ข Taguig-TUP โ€” 176
โ€ข Marikina-Parang โ€” 175
โ€ข San Juan โ€” 173
โ€ข Muntinlupa-Filinvest City โ€” 171
โ€ข Pasay โ€” 168
โ€ข Mandaluyong โ€” 162

Meanwhile, Pateros (133), Navotas (117), and Makati (108) were classified as Unhealthy for Sensitive Groups.

Quezon City-SMPH Commonwealth recorded the lowest among the monitored areas at 87, classified as Fair.

๐Ÿ‡ฎ๐Ÿ‡ฉ ๐—ฆ๐— ๐—ข๐—ž๐—˜ ๐—™๐—ฅ๐—ข๐—  ๐—œ๐—ก๐——๐—ข๐—ก๐—˜๐—ฆ๐—œ๐—”

Atmospheric physicist Dr. Gerry Bagtasa of the University of the Philippines said satellite imagery showed active fires in western and southern Kalimantan, Indonesia.

An unusual wind pattern reportedly carried smoke from Kalimantan toward the Philippines, allowing pollutants to cross the equator and contribute to the hazy conditions over Metro Manila.

๐—ค๐—จ๐—˜๐—ญ๐—ข๐—ก ๐—–๐—œ๐—ง๐—ฌ ๐—œ๐—ฆ๐—ฆ๐—จ๐—˜๐—ฆ ๐—”๐——๐—ฉ๐—œ๐—ฆ๐—ข๐—ฅ๐—ฌ

The Quezon City government urged residents to take precautions while air quality remains poor.

Children, senior citizens, pregnant women, and people with existing lung or heart conditions were advised to wear face masks when going outdoors and limit exposure to polluted air.

Residents are also encouraged to stay indoors as much as possible when air quality is unhealthy.

๐—ฆ๐˜๐—ฎ๐˜† ๐—ถ๐—ป๐—ณ๐—ผ๐—ฟ๐—บ๐—ฒ๐—ฑ. ๐—ฆ๐˜๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ฎ๐—ณ๐—ฒ.

๐„๐‘๐‚ ๐ˆ๐๐€๐๐‘๐”๐๐€๐‡๐€๐ ๐๐€ ๐€๐๐† ๐’๐˜๐’๐“๐„๐Œ ๐‹๐Ž๐’๐’ ๐‚๐‡๐€๐‘๐†๐„, ๐‡๐ˆ๐๐ƒ๐ˆ ๐๐€ ๐’๐€๐Š๐Ž๐ ๐๐† ๐Ÿ๐Ÿ% ๐•๐€๐“ ๐’๐€ ๐Š๐”๐‘๐˜๐„๐๐“๐„Inaprubahan na ng Energy Regulatory Comm...
01/09/2026

๐„๐‘๐‚ ๐ˆ๐๐€๐๐‘๐”๐๐€๐‡๐€๐ ๐๐€ ๐€๐๐† ๐’๐˜๐’๐“๐„๐Œ ๐‹๐Ž๐’๐’ ๐‚๐‡๐€๐‘๐†๐„, ๐‡๐ˆ๐๐ƒ๐ˆ ๐๐€ ๐’๐€๐Š๐Ž๐ ๐๐† ๐Ÿ๐Ÿ% ๐•๐€๐“ ๐’๐€ ๐Š๐”๐‘๐˜๐„๐๐“๐„

Inaprubahan na ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang resolusyon na nag-aalis sa 12% value-added tax (VAT) sa allowable system loss charge sa kuryente, bilang hakbang para makatulong na mapababa ang singil sa mga consumer.

Sa ilalim ng bagong polisiya, ang allowable system loss charge ay hindi na isasama sa basehan ng pagkukuwenta ng 12% VAT. Itinuturing ito ng ERC bilang government-mandated pass-through cost at hindi bahagi ng gross sales para sa VAT purposes.

Ayon sa ERC, layunin ng hakbang na mabawasan ang pasanin ng mga consumer at matiyak na makikinabang ang publiko sa anumang regulatory measures na maaaring magpababa sa kanilang electricity bills.

Ang system loss ay tumutukoy sa kuryenteng nawawala habang ipinapadala at ipinapamahagi ito bago makarating sa mga consumer. Kabilang dito ang technical losses mula sa mga linya, transformer at iba pang kagamitan, gayundin ang ilang non-technical losses.

Gayunman, hindi nangangahulugan ang bagong polisiya na tuluyan nang aalisin ang system loss charge sa electricity bills. Ang tinutukoy lamang ng resolusyon ay ang 12% VAT na ipinapataw sa allowable system loss charge.

Tanging system losses na pasok sa mga limitasyong itinakda ng ERC ang maaaring ipasa sa mga consumer. Ang anumang losses na lampas sa pinapayagang cap ay hindi maaaring ipasa bilang charge sa mga customer.

Tinatayang maaaring umabot sa humigit-kumulang โ‚ฑ6 bilyon kada taon ang potensyal na matipid ng mga consumer kapag tuluyang naipatupad ang VAT exclusion, bagamaโ€™t magkakaiba ang aktuwal na epekto depende sa konsumo at system loss charge ng bawat distribution utility.

Hindi rin agad makikita ang pagbabago sa lahat ng electricity bills. Kailangang makumpleto muna ang kinakailangang proseso, kabilang ang publication ng ERC resolution at kaukulang confirmatory issuance mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR), bago ito tuluyang maipatupad.

Inatasan din ang distribution utilities na i-adjust ang kanilang billing systems upang malinaw na maipakita ang system loss charge bilang government-mandated pass-through cost na hindi sakop ng VAT.

Ang hakbang ng ERC ay bahagi ng mas malawak na pagsisikap ng pamahalaan na tugunan ang mataas na presyo ng kuryente at mabawasan ang mga singil na ipinapasa sa mga consumer.

Sa ngayon, patuloy pa ring pinag-aaralan ang mas malawak na reporma sa system loss, kabilang ang mga panukalang tuluyang baguhin o alisin ang system loss charges sa electricity bills. Ang naturang pagbabago ay maaaring mangailangan ng mga pagbabago sa umiiral na batas at mga regulasyon.

Sa pamamagitan ng pagtanggal ng VAT sa allowable system loss charge, inaasahang magkakaroon ng kahit maliit na karagdagang bawas sa electricity bills ng mga consumer kapag naging ganap nang epektibo ang bagong polisiya.

Address

Quezon City
1110

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when TRI-Pulse Media posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share