06/04/2026
Ipinahayag ng DILG na mahigpit nang ipatutupad ang “Anti-Public Intoxication Act,” na nagbabawal sa pag-inom ng alak sa mga kalsada at iba pang pampublikong lugar.
Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, bawal na ang maglatag ng mesa at silya sa kalye para mag-inuman. Sinabi rin niya na ang ganitong gawain ay nagdudulot ng abala at maaaring mauwi sa krimen tulad ng away at sexual harassment.
Binalaan ng DILG na ang sinumang lalabag ay agad na huhulihin.
Kasama rin sa mga paalala ni Remulla ay ang pagpapaigting ng “enhanced curfew ordinance,” kung saan ang mga menor de edad na nasa 18 taong gulang pababa, ay ipinagbabawal na sa kalye paglagpas ng 10 ng gabi.