07/03/2026
๐ฆ๐ฎ๐ฝ๐ถ๐น๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ง๐ฎ๐ธ๐ฒ-๐ข๐๐ฒ๐ฟ ๐๐ฎ ๐ฅ๐ผ๐๐ฎ๐ฟ๐ ๐๐ฒ๐ป๐๐ฒ๐ฟ ๐๐๐ถ๐น๐ฑ๐ถ๐ป๐ด ๐ป๐ด ๐ค๐๐ฒ๐๐ผ๐ป ๐๐ถ๐๐ ๐๐ฒ๐ด๐ฎ๐น ๐ผ๐ณ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ถ๐ฎ๐น ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐บ๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ก๐ฃ ๐ผ๐ณ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ฒ๐ฟ๐ ๐๐ถ๐ป๐ผ๐ป๐ฑ๐ฒ๐ป๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฅ๐ผ๐๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ฎ๐ป๐
Sapilitang pinalabas ng mga opisyal ng Quezon City Legal Department, kasama ang mga tauhan ng pulisya, ang staff at security ng Rotary Center Building sa Quezon City nitong Biyernes ng hapon matapos maglabas ng kautusan ang city government na lisanin ng lahat ng non-QC Hall employees ang gusali.
Ayon sa dokumentong pirmado ni City Legal Officer Atty. Carlo Lopez Austria, pormal nang nailipat sa pamahalaang lungsod ang pagmamay-ari at pamamahala ng gusali upang sumailalim sa auditing at inspeksyon, kaya agad itong na-take over at binakuran ng mga awtoridad.
Mariing kinondena ng Rotary Club District 3780 ang hakbang ng lungsod, iginiit na naipatayo ang gusali mula sa kontribusyon ng mga Rotarian at nakabinbin pa sa Court of Appeals ang kaso kaugnay ng lease contract at paggamit ng gusali. #
Mula sa Lungsod Quezon, Cathy Cruz nag-uulat para sa CBS-DWAD