21/04/2026
Hindi ako si Carson—pero kaya 'kong itago ang nararamdaman 'ko sa 'yo—kahit lumipas pa man ang ilang taon.
Minahal kita sa paraang walang kailangang sagot, parang liham na isinulat at itinago na lang sa pagitan ng mga pahina. Ang sabi 'ko pa sa sarili 'ko no'ng una ay hindi ko kailangan ng lugar sa tabi mo; marahil sapat na sa 'kin ang pagkakaibigang mayroon tayo.
Andito lang ako lagi sa tabi mo, tahimik na sumusuporta sa iyo. At kapag sinabi mong kailangan mo ako, asahan mong pupunta agad ako.
Walang pagdadalawang-isip o anumang halong pagdududa kung bakit. Asahan mong mapupuntahan ng aking mga paa kung nasaan ka.
Dahil pagdating sa 'yo, libre ang oras 'ko.
—dommy