22/07/2026
VP SARA HINDI MAIIMPEACH
Nakikinikinita na ng mga netizen na hindi maiimpeach si VP Sara Duterte dahil sa mga kapanalig nitong Impeachment Trial Senator Judges.
Ayon sa ilang observer ay pambubudol na lamang umano ang ginagawang impeachment trial dahil ang magiging resulta ay ang paramihang boto pabor sa magkakaibigan at hindi na nakabase ang kanilang paghatol sa merito ng mga ebidensiya.
Ang pananaw ng mga observer ay batay sa lantarang pagpapakita o mistulang umaktong defense lawyer ni VP Sara ang mga Senator na sina Peter Allan Cayetano, Pia Cayetano, Loren Legarda, Imee Marcos at Camille Villar.., dahil ang mga ito mismo ang nagsusulong na huwag buksan ang bank records ng mag-asawang Sara at Mans Carpio.
Ngayon pa lang ay nakikita na umano ang pagiging bias ng mga Senator dahil ang truth and honest judgement ay lantarang nakakiling na kay VP Sara!