16/01/2026
So I'm incoming 1st yr student's, gusto ko po mag take ng bs in marine transportation like when i was elementary gusto ko na po talaga yung course na yun. So everytime na ia-ask nila ako if what course yung kukunin ko in the future, so lagi ko po sinasabi is "gusto ko mag marine" kasi for me that course is kung saan comfortable ako and wala akong pagsisisihan kung bakit ayan, Then my mom po is ayaw po nya ng course ko (bsmt) ang gusto nya po is tourism for me. Actually that course po is never ko po ginusto huhu ever since, The last time na kinausap ko po yung mom ko about my course is nag-away lang po kami kasi ayaw nya po ako mag take ng gusto ko. In another words gusto nya siya yung masusunod and not me, And nung nag-away kami sabi nya sakin "hay nako, ayan na nga oh mag tourism ka" so ako po hindi na po ako nakasagot dahil wala na po akong magagawa, mom ko na po nag sabi huhu. Kaya pinagiisipan ko po if dun po ba ako sa gusto ko o sa gusto ng mom ko, pag gusto ko po yung masusunod wala po akong pagsisisihan dahil ginusto ko po yun and I can handle din naman, kaya kong i-pursue yun. Kung gusto naman nya yung masusunod siguro feeling ko hindi ko matutupad mga pangarap ko since never ko ginusto yung gusto ko, masisira lang yung pag aaral ko kasi wala akong interest about that course. Gusto ko umiyak sa harap ng mom ko, gusto ko sabihin yung nararamdaman ko everytime pinagpipilitan nya yung gusyo nya na ayaw ko. Kasi iniisip ko lang naman kung san mas mapapabuti yung future ko, hindi ko ma e-enjoy yung college ko kasi minumulto ako ng course na gusto ko pero hindi pwede. huhuhu so hindi ko alam yung gagawin ko kasi marami akong mga classmates na nag apply na sa iba't ibang school tapos ako, eto! pinag-iisipan kung saan ako lulugar😔😔😔😔
-from sender po!!