105.3 FM Radyo Natin Infanta

105.3 FM Radyo Natin Infanta ๐Ÿ“ป: 105.3 FM MHz
๐Ÿ“ก: https://radyonatinfm.com/infanta
๐Ÿ’ป: 105.3 FM Radyo Natin Infanta

20/09/2026
17/09/2026

Binigyang-diin ni Akbayan Partylist Rep. Chel Diokno na panahon na upang magsabatas ng Anti-Political Dynasty Law matapos ang 39 na taong paghihintay para sa naturang batas.

Kaugnay nito, hinimok ni Diokno ang Kongreso na isulong ang panukalang batas na magbabawal sa political dynasty, kabilang ang sabay-sabay at sunod-sunod na paghawak ng puwesto ng magkakamag-anak hanggang fourth degree of consanguinity at affinity. | DZRH News

15/09/2026

Labintatlong (13) senador ang bumoto pabor sa ๐—ฆ๐—ฒ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ฒ ๐—•๐—ถ๐—น๐—น ๐—ก๐—ผ. ๐Ÿฎ๐Ÿฏ๐Ÿด๐Ÿณ ni Sen. Chiz Escudero, na ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฝ๐—ฟ๐˜‚๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป ng Senate of the Philippines sa ๐Ÿฏ๐—ฟ๐—ฑ ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฎ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ด ngayong araw. Layunin ng panukala na itakda sa ๐—น๐—ถ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด (๐Ÿฑ) ๐˜๐—ฎ๐—ผ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ผ ng panunungkulan ng mga Barangay Officials at mga miyembro ng Sangguniang Kabataan.

Kapwa na ngayong naaprubahan sa 3rd reading ng House of Representatives at Senado ang kani-kanilang bersyon ng panukala. Itinatakda nito ang hanggang dalawang (2) magkakasunod na termino para sa Barangay Officials at isang (1) termino para sa Sangguniang Kabataan Officials. Itatakda rin ang susunod na BSKE sa ikalawang Lunes ng Nobyembre 2028, at kada limang taon na ang mga susunod na halalan.

Susunod ang Bicameral Conference Committee upang pag-isahin ang mga probisyon ng bersyon ng Senado at House of Representatives. Matapos maaprubahan ng dalawang kapulungan ang pinal na bersyon, ihahanda ito bilang enrolled bill para sa pagsusumite sa Pangulo para sa kaukulang aksyon.

๐Ÿซฐ๐Ÿป๐Ÿ’™

14/09/2026

BREAKING: Aprubado na sa ikatlong pagbasa, sa botong 13-5-0, ang Senate Bill No. 2387 o ang panukalang batas na naglalayong gawing limang taon ang termino ng mga barangay officials at mga miyembro ng Sangguniang Kabataan (SK).

Kasabay nito, ipagpapaliban din ang nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Nobyembre 2026. | DZRH News

31/08/2026

Nagpahayag ng pagkalungkot si DPWH Sec. Vince Dizon sa โ€œdekadaโ€ nang nararanasang pagbaha sa Bulacan.

Aniya, palala lamang nang palala ang nagiging sitwasyon sa lugar na hindi nabigyan ng solusyon dahil umano sa pagnanakaw sa pondong nakalaan sana para rito.

Gayunman, naniniwala siyang may pag-asa pa ang Bulacan.

โ€œSa tingin ko, mayroong pag-asa โ€™yan. Hindi mawawala โ€™yung baha dahil talagang napakababa po ng lugar na โ€™yan, pero tingin ko naman kahit papaano, mapapabuti naman natin โ€™yung sitwasyon diyan.โ€ | DZRH News

Ber months na! ๐Ÿ๐ŸŽ„
30/08/2026

Ber months na! ๐Ÿ๐ŸŽ„

Wala pa, Kapartner. Practice lang! ๐Ÿ™‚

30/08/2026

'MAKARARANAS PA RIN TAYO NG MALAKAS NA PAG-ULAN SA LUZON AT WESTERN VISAYAS'

PAGASA holds a press briefing on Tropical Depression on Sunday, August 30, 2026.

LIVE: https://www.youtube.com/watch?v=dUnhr30smKA

30/08/2026
22/08/2026

JUST IN: Defense spokesperson Michael Poa says the legal team of Vice President Sara Duterte will comply with whatever schedule the impeachment court may decide upon after Senate President Sherwin Gatchalian said the trial will be moved to the afternoon.

โ€œWe are prepared to proceed in accordance with the courtโ€™s directives,โ€ Poa said. | via The STAR/Bella Cariaso

22/08/2026

Si Vice Ganda ang magiging host ng โ€œPili Pinas: Philippine Selection Night 2026,โ€ ang national selection ng Pilipinas para sa kauna-unahang Eurovision Song Contest Asia. Gaganapin ito sa New Frontier Theater sa Araneta City sa August 30, 9:45 ng gabi, at mapapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, iWant, Myx Digital, TFC at iba pang platforms.

Sampung kanta ang maglalaban para maging pambato ng Pilipinas, kabilang ang โ€œBetween Bituinโ€ ng DNA, โ€œBroken Beyond Repairโ€ ng Saga, โ€œCheri(e)โ€ nina Elha Nympha, Esang de Torres, Lance Reblando at Nar Cabico, at โ€œDi Yan (Red Flag)โ€ nina Jason Dy at Sassa Dagdag. Kasama ang Pilipinas sa 11 bansang sasali sa inaugural Eurovision Song Contest Asia sa Bangkok, Thailand sa November 14.

๐Ÿ“ท: ABS-CBN PR

Huwag magpahuli sa mga pinakamainit na kaganapan sa loob at labas ng bansa. Bisitahin lang ang aming official website: https://www.radyonatin.com.ph/

Address

2F Oliva Bldg. Rizal Street Poblacion 1 Infanta
Quezon

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 105.3 FM Radyo Natin Infanta posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to 105.3 FM Radyo Natin Infanta:

Shortcuts

Share

Category