Ang Lunday

Ang Lunday Ang Lunday ang opisyal na pampaaralang pahayagan ng Castañas National High School.

15/10/2025

‎PABATID: WALANG PASOK (ALL LEVELS)

‎Suspendido ang klase sa lahat ng Antas ng Pampubliko at Pribadong Paaralan sa Quezon maliban sa Lucena City. Simula bukas THURSDAY OCTOBER 16 hanggang FRIDAY OCTOBER 17.

‎Dulot ng tumataas na kaso ng Influenza- like illness at Severe Acute Respiratory illness sa lalawigan ng Quezon. Pinapayuhan ang lahat na gamitin ang mga araw bilang Health Break.

Source: Executive Order No. DHT-33



DUCK, COVER, and HOLD! Sa kabi-kabilang lindol na nangyayari, Castañas NHS, nagsagawa ng Earthquake Drill! JUST IN | Kat...
14/10/2025

DUCK, COVER, and HOLD!
Sa kabi-kabilang lindol na nangyayari, Castañas NHS, nagsagawa ng Earthquake Drill!

JUST IN | Katatapos lamang isagawa ngayong araw ang Earthquake Drill sa Castañas NHS bilang paghahanda kung sakali mang magkaroon ng lindol habang nasa paaralan.

Pinangunahan ito nina G. Leandro Remojo Jr. at G. Ronalder Albuen, SDRRM. Nagkaroon din ng Post-Conference ang mga g**o matapos ang gawain.

✍️ Keisha Labrador
📸Sophia Javier|Jomar Japis
🎨🖌️Maria Edelyn P***e

Kalikasang inaalagaan, kinabukasang pinoprotektahan! TINGNAN | Matagumpay na naisagawa ng Castañas NHS ang PROJECT ROOTS...
14/10/2025

Kalikasang inaalagaan, kinabukasang pinoprotektahan!

TINGNAN | Matagumpay na naisagawa ng Castañas NHS ang PROJECT ROOTS: Tree Planting 2025 sa Mamala l, Sariaya, Quezon, sa pangunguna ng Supreme Secondary Learner Government, mga g**o, mag-aaral mula Baitang 10-12 at ng iba't ibang organisasyon ng paaralan, Oktubre 11.

Nagsimula ang programa sa isang panalangin mula kay Kristine Joyce Gonzalbo, YAO President. Sinundan ito ng isang pambungad na pananalita mula kay G. Airne G. Idea, Punongg**o l, at mga mensahe mula kina Kapitana Jesusa Jumawan, Brgy. Captain ng Mamala I at miyembro ng MENRO na si G. John Carlo Manalo.

Ang ganitong uri ng mga aktibidad kagaya ng taunang pagtatanim ay isang magandang hakbang upang magkaroon ng maayos at maaliwalas na hinaharap at sa sama-samang pagkilos at pagtutulungan ay may malaking dulot na pagbabago para sa ating kapaligiran.

✍️Emielyn Laracas
📸Princess Eborde|Niña Fate De Chavez
🎨🖌️Maria Edelyn P***e

This greeting may be late, but our warmest birthday wishes are still with you. May this year be one of your best, campus...
12/10/2025

This greeting may be late, but our warmest birthday wishes are still with you. May this year be one of your best, campus journalist! Keep the fire burning! 🎂🥳🎈

-💙

PANALO SA WELLNESS! RECAP | Masayang tinanggap ng mga g**o ang tropeyo bilang panalo sa naganap na 2025 Nestle Wellness ...
12/10/2025

PANALO SA WELLNESS!

RECAP | Masayang tinanggap ng mga g**o ang tropeyo bilang panalo sa naganap na 2025 Nestle Wellness Activities sa Castañas NHS na pinangunahan ni Gng. Lovella Joy Umali, NWC Coordinator, nitong nakaraan, Oktubre 6.

🎨🖌️Shon Levi Mendoza

Science Month 2025, TAGUMPAY! BALIKAN | Matagumpay na naisagawa ang ikalawa at huling araw ng pagdiriwang ng Science Mon...
12/10/2025

Science Month 2025, TAGUMPAY!

BALIKAN | Matagumpay na naisagawa ang ikalawa at huling araw ng pagdiriwang ng Science Month sa Castañas NHS na may temang “Spatialyze: Surveying Societies, Sensing Solutions”, nito lamang Biyernes, Oktubre 10.

Sa unang bahagi ng programa, nagkaroon ng iba’t ibang patimpalak kabilang ang mga sumusunod: Quiz Bee, Robotics, Slogan Making, at Logo Making na nilahukan ng mga piling mag-aaral mula sa Grade 7-12.

Sa ikalawang bahagi naman, isinagawa ang Aghamazing (Magic of Science Competition) kung saan ipinakita ng mga kalahok ang kanilang husay sa agham sa pamamagitan ng eksperimento, presentasyon, at mahika. Nagkaroon din ng masayang SYMBO Card Game bilang pampasigla at sa mga mag-aaral na may kinalaman pa rin sa pag-aaral ng asignaturang Agham.

Pinangunahan nina G. Leandro Remojo Jr., Science Coordinator, at mga g**o sa Agham gayundin ng mga YES-O Officers ang mga gawaing ito. Samantala, abangan ang opisyal na anunsyo ng mga nagwagi sa bawat patimpalak bukas, Oktubre 13.

✍️April Joy Alday
📸Jaira Monceda/Edellenne Cope
🎨🖌️Princess Leian Ilumin

TUKLASIN! MAGSALIKSIK! MAG-IMBENTO! NEWS BRIEF | Sa unang araw ng selebrasyon ng Science Month na may temang “Spatialyze...
10/10/2025

TUKLASIN! MAGSALIKSIK! MAG-IMBENTO!

NEWS BRIEF | Sa unang araw ng selebrasyon ng Science Month na may temang “Spatialyze: Surveying Societies, Sensing Solutions”, ginanap sa Castañas NHS ang isang Exhibit kung saan ito ay dinaluhan ng mga mag-aaral mula Grade 7-12, kahapon, Oktubre 9.

Pinangunahan ni G. Leandro Remojo Jr., Science Coordinator, kaisa ang mga G**o ng Agham at YES-O Officers ang lahat ng mga gawain para sa aktibidad na ito. Kabilang ang Slogan Making Contest, Logo, Quiz Bee, Robotics, at iba pa sa mga isasagawang patimpalak.

✍️Kyle Urquiola
📸John Kevin Dimayuga
🎨🖌️Maria Edelyn P***e

SAYA, SIGAW, HATAW! HAPPY WORLD TEACHERS' DAY 2025!BALIKAN | Isinagawa ang pagdiriwang ng Buwan ng mga G**o sa Castañas ...
06/10/2025

SAYA, SIGAW, HATAW! HAPPY WORLD TEACHERS' DAY 2025!

BALIKAN | Isinagawa ang pagdiriwang ng Buwan ng mga G**o sa Castañas NHS nito lamang Oktubre 3.

Sinimulan ang pagidiriwang na ito sa pambungad na panalangin mula kay Bb. Judith Capuno. Sumunod naman ay ang pagrampa ng mga g**o suot ang kani-kanilang Sports Attire. Nagkaroon din ng iba’t ibang gawain gaya ng Yell, mga palaro, at paggagawad ng sertipiko sa mga g**o.

Winakasan ang programang ito sa pamamagitan ng final photo opt ng mga g**o at kawani ng nasabing paaralan.

✍️Ervy Albiol
📸Hannah Andal, Alynna Escarza, Princess Calapati
🎨🖌️Sophia Mae Cabungcal

Mental Health ay ingatan, ito ay bahagi ng kalusugan! NEWS BRIEF | Nakiisa ang Castañas NHS sa taunang selebrasyon ng Me...
04/10/2025

Mental Health ay ingatan, ito ay bahagi ng kalusugan!

NEWS BRIEF | Nakiisa ang Castañas NHS sa taunang selebrasyon ng Mental Health Awareness Month na may temang “Turn Awareness Into Action”, na pinangunahan nina Gng. Richelle De Las Alas, Designated Guidance Counselor, Gng. Mailyn Abejo, SHS Coordinator, at G. Airne Idea, Principal I, nito lamang, Oktubre 2.

Nagsimula ang programa sa isa sa mga tagapagsalita na si G. Kaylim F. Pinion, Sariaya East District Nurse. Tinalakay niya ang paksang “Understanding Mental Health for Teachers”. Sumunod dito ang pagtalakay ni Bb. Lindsay R. Sante, RGC, RPm, Dean, College of Arts and Sciences at Maryhill College Inc., sa paksang “Our Stressors and How We Cope”. Umikot ang kani-kanilang mga paksa sa kung paano ang pangangalaga at pangangasiwa sa kalusugang pangkaisipan ng mga g**o.

Bago matapos ang gawain, nagkaroon ng mga palarong Human Tic Tac Toe at Volleyball Tournament upang mas maging aktibo at masaya ang selebrasyon. Nagsilbing tagapagpadaloy ng programa si Gng. Myrzi Jell Gayda, G**o sa SHS.

✍️|🎨🖌️Maria Edelyn P***e
📸Angel Arandia

Tara na! Sama-sama sa Wellness! TINGNAN | Matagumpay na naisagawa ang taunang Nestlé Wellness Campus Program Culminating...
04/10/2025

Tara na! Sama-sama sa Wellness!

TINGNAN | Matagumpay na naisagawa ang taunang Nestlé Wellness Campus Program Culminating Activities sa Castañas NHS, nitong nakaraan, Setyembre 29-30.

Nagkaroon ng Motorcade ang paaralan kasama ang mga g**o, mag-aaral na kalahok sa Creative Costumes, BFP, PNP, at gayundin ang iba pang panauhin bilang panimula sa mga gawain at patimpalak na magaganap. Matapos nito, nakahanda na rin ang mga g**o at mag-aaral para sa Symposium na dinaluhan ng iba’t ibang tagapagsalita.

‎Nagbigay ng mga mensahe sina Dr. Jayson Rivera, Officer-in-Charge LYDO, Dr. Irma V. Cadiz, DMD, MPH, OIC-MHO, Ms. Claire D. Obnial, OIC MSWDO, at SF01 Ana Grace C. Barba ng BFP Sariaya, Quezon. Nagkaroon din ng isang 'Open Forum' na bukas sa mga mag-aaral upang magbahagi at magtanong ng ilang mga katanungan na may kinalaman sa kalusugan, na sinundan ng isang Wellness Commitment Pledge sa pangunguna ni Bb. Ruthiel Charisse Dacpano, G**o sa English 10.

Nagkaroon ng mga patimpalak para sa programang ito kagaya ng Slogan Making Contest, Poster Making Contest, Bench Yell, Field Demonstration, at Creative Costumes kung saan ay masayang nakilahok ang mga mag-aaral sa pangunguna ng mga g**o, ni Gng. Lovella Joy Umali, NWC Coordinator, at ni G. Airne G. Idea, Principal I.

Pagbati sa lahat ng nagwagi sa bawat kompetisyon at abangan ang anunsyo para sa Overall Champion sa darating na Lunes, Oktubre 6.

✍️Keisha Labrador
📸Chloe Mae Nombre
🎨🖌️Diana Rose Juego

ARAL Program, matagumpay na nasimulan!TINGNAN | Matagumpay na nasimulan sa isang Kick Off ang ARAL (Academic Recovery an...
24/09/2025

ARAL Program, matagumpay na nasimulan!

TINGNAN | Matagumpay na nasimulan sa isang Kick Off ang ARAL (Academic Recovery and Accessible Learning) Program sa Castañas NHS para sa mga piling mag-aaral mula sa ikapitong baitang hanggang ikasampung baitang kasama ng kanilang mga magulang ngayong araw, Setyembre 24. Layon ng programa na paigtingin at hasain ang kahusayan ng mga mag-aaral pagdating sa larangan ng pagbabasa.

Sinimulan ang programa sa pag-awit ng Pambansang Awit ng Pilipinas sa pagkumpas ni G. Elvin C. Genova na sinundan ng panalangin ni Gng. Immaculada M. Oseña. Kasunod nito ang pambungad na pananalita ni G. Airne G. Idea, Punongg**o, pati na rin ang mga mensahe mula kina G. Leo G. Orencia, SPTA President, at Gng. Angelie F. Jaballa, ARAL Coordinator.

Samantala, nagbigay ng pampasiglang bilang ang Sayliwayog Dance Troupe. Gayundin ay ipinakilala ang mga ARAL Tutors, Technical Working Group, at ang panghuli ay ang Wall of Commitment kung saan lumagda rito ang lahat ng nakikiisa sa programang ito.

Bago matapos ang gawain, nagbahagi si Gng. Maria Kristine May T. Salvania, Reading Coordinator, ng kanyang mensahe ng pasasalamat, at Pangwakas na Panalangin mula kay Gng. Jennalyn A. Lopez, Filipino Koordineytor.

Nagsilbing tagapagpadaloy ng programa si Gng. Daryl Jean R. Abo, G**o sa Ingles.

✍️Rhea Bathan
📸Maria Edelyn P***e
🎨🖌️Sophia Mae Cabungcal

Address

Brgy. Castañas Sariaya
Quezon
4322

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Lunday posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Ang Lunday:

Share