29/11/2025
Kalat sa social media ang video ng isang Indonesian Domestic Helper na natrap sa loob ng elevator ng nasusunog na building sa Taipo.
"Di ako makahinga may sunog, May sunog sa baba,
hindi ko alam kung anong floor Pero hindi ako makalabas
Di ako makakalabas dito,Nakulong ako at di ako makakalabas dito sa elavator" yan ang mga nasambit niya sa kanyang video.
Kapag may sunog at may usok na nakikita, huwag na huwag sumakay sa elevator para tumakas!
Mahigpit na ipinagbabawal ito.
Ito ang mga dahilan:
· Biglaang Power Outage: Maaaring mawalan ng kuryente anumang oras, at ikaw ay ma-trap sa loob ng elevator na parang kulungan. Isipin ang panganib na maaaring mangyari sa gitna ng usok at apoy.
· Daluyan ng Usok: Ang elevator shaft ay kumikilos parang malaking chimney o "smokestack." Mabilis itong mapuno ng nakalalasong usok, na maaari mong malanghap at mawalan ng malay.
· Maaaring Maging Fire Trap: Ang mga pinto ng elevator ay maaaring magbukas sa isang palapag na literal na nagliliyab, at ikaw ay malalagay sa direktang panganib.
· Priority ng mga Firefighter: Ginagamit ng mga bombero ang elevator para maabot ang mga nasusunugan nang mabilis. Ang iyong paggamit nito ay makakaabala sa kanilang life-saving na misyon.
🎯 ANG TAMANG GAWIN:
1. Gamitin ang EMERGENCY EXIT STAIRS. Ito ang pinakaligtas na daan palabas.
2. Huwag mong pilitin bumaba kung makapal na ang usok sa hagdanan. Pumunta sa itaas na palapag o sa designated "Area of Refuge."
3. Lagi mong alamin kung nasaan ang fire exit sa iyong gusali.
I-share ito para maging aware ang iyong mga mahal sa buhay! Ang kaunting kaalaman ay maaaring magligtas ng buhay. 🩵
Friendly Reminder ni [EFRIL CAIPAS]