Lucban Academy - The Banahaw

Lucban Academy - The Banahaw The Official Student Publication of Lucban Academy. ๐Ÿ’™๐Ÿฆ…

Entiendo, Nakamit ang Kampeonato sa "The Spotlight Project" ng Sangguniang Kabataan ng Brgy. TinamnanMatagumpay na ipina...
29/08/2026

Entiendo, Nakamit ang Kampeonato sa "The Spotlight Project" ng Sangguniang Kabataan ng Brgy. Tinamnan

Matagumpay na ipinalo ng Lucban Academy ang bidyo ng adbokasiya na may temang, "Pagdiriwang ng Rikit, Adbokasiya, at Dunong ng Kinabukasan".

Nakamit nila ang kampeon at apat pang mga karagdagang natatanging parangal, ngayong Agosto 28, 2026 sa Barangay Tinamnan.

Nasungkit ng pelikulang Entiendo (I Understand) ang Paborito ng Bayan, Sining ng Pelikula, Husay ng Likha, at Siklab ng Kamalayan na mga natatanging parangal ng patimpalak.

Sa kabila ng sabay-sabay na gawain sa paaralan, nagsumikap at naglaan ng oras ang โ€œSineGangโ€ na binubuo nina Augustine Villaverde, Kylene Trillana, Justine Elfa, Toni Sacdalan, Carmela Villalobos, Kiel Sanda, Huryen Toque, Daniella Abit, Andrea Quitaneg, at Hancyn Nanong.
Nagpapatunay lamang ang kanilang tagumpay na sa kabila ng pagod at puyat nanatiling dedikasyon, at sigasig ng talento ang mananaig.

โœ: Toni Rose Sacdalan

๐—ก๐—˜๐—ช๐—ฆ ๐—จ๐—ฃ๐——๐—”๐—ง๐—˜ | Pagkilala sa mga Lakan at Lakambini ng Lucban AcademyNgayong Agosto 28, 2026, nagsagawa ang Lucban Academy...
28/08/2026

๐—ก๐—˜๐—ช๐—ฆ ๐—จ๐—ฃ๐——๐—”๐—ง๐—˜ | Pagkilala sa mga Lakan at Lakambini ng Lucban Academy

Ngayong Agosto 28, 2026, nagsagawa ang Lucban Academy ng taunang selebrasyon sa pagkilala sa Buwan ng Wika.

Isinagawa ng pamunuan at kawani ng Samahan ng Filipino (SamFil) sa pamumuno ni G. John Jerome Rey, at ng mga g**o sa Departamento ng Filipino, ang patimpalak ang nagpapayabong sa mayumi at makisig na pagkakakilanlan ng mga kandidato ng Lakan at Lakambini ng Wika sa Lucban Academy.

Inilaan ang araw na ito upang maipakita ang kultura, pagkakaisa, at ang pagmamahal sa Wikang Filipino.Tampok sa programa ang iba't ibang pagtatanghal tulad ng malikhaing pagsayaw, paggawa ng balulang, poster, pagsulat ng sanaysay, tula at islogan, kuhang larawan at pagsusuot ng mga makukulay na kasuotang Pilipino ng mga Lakan at Lakambini na sumasalamin sa mayamang tradisyon ng ating bansa.

Hindi lamang isang patimpalak ang pagdiriwang, kundi isang paalala na ang wika ang susi sa pagkakaisa at pagkakakilanlan ng bawat isa.

โœ๏ธ: Ramiel Sario
๐Ÿ“ธ: Ghivenn Daya
๐Ÿ–ผ : Aeiou Villaverde

๐ŸŽ‰๐ŸŽ‚ MALIGAYANG KAARAWAN, SIR CELO! ๐ŸŽ‚๐ŸŽ‰Isang mainit na pagbati sa kaarawan ng ating minamahal na Punong-Guro ng Lucban Acad...
27/08/2026

๐ŸŽ‰๐ŸŽ‚ MALIGAYANG KAARAWAN, SIR CELO! ๐ŸŽ‚๐ŸŽ‰

Isang mainit na pagbati sa kaarawan ng ating minamahal na Punong-Guro ng Lucban Academy, si G. Marcelo J. Sales! ๐Ÿ’™๐Ÿ’›

Nawa'y maging puno ng kagalakan, kalusugan, at mga biyaya ang iyong kaarawan. Maraming salamat sa iyong tapat na pamumuno at patuloy na paggabay sa mga Academians, g**o, at kawani tungo sa kahusayan. Patuloy po ninyo kaming bigyan ng inspirasyon sa iyong karunungan at dedikasyon.

Masayang kaarawan at marami pang taon ng tagumpay at kaligayahan! ๐ŸŽˆ๐ŸŽ

๐—ก๐—˜๐—ช๐—ฆ ๐—จ๐—ฃ๐——๐—”๐—ง๐—˜ | SK Brgy. 4 at The Life Club Nagtutulungan para sa Isang Baking Workshop sa Lucban AcademyPatuloy ang pagha...
23/08/2026

๐—ก๐—˜๐—ช๐—ฆ ๐—จ๐—ฃ๐——๐—”๐—ง๐—˜ | SK Brgy. 4 at The Life Club Nagtutulungan para sa Isang Baking Workshop sa Lucban Academy

Patuloy ang paghahasa sa talento ng mga lokal na kabataan sa ginaganap na "Sweet Skills: A 2-Day Baking Session on Cookies and Baking Techniques" na inorganisa ng Sangguniang Kabataan ng Barangay 4 sa Lucban Academy Main Campus na naglalayong maghatid ng praktikal na kaalaman sa pagba-bake na higit na makakatulong sa mga kabataan.

โœ๏ธ: Yuri Mariana Pangilinan
๐Ÿ“ท: Laurice Julia Omlas

๐—ก๐—ฒ๐˜„๐˜€ ๐—จ๐—ฝ๐—ฑ๐—ฎ๐˜๐—ฒ | ๐—ฃ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ธ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ต๐—ผ๐—ธ ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐˜‚๐—ฐ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป ๐—”๐—ฐ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฒ๐—บ๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐˜€๐—ถ๐—ธ๐—น๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ž๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐˜ ๐—ง๐—ฎ๐—น๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ผ.Nakilahok ang Lucban Academy sa pagbubukas...
22/08/2026

๐—ก๐—ฒ๐˜„๐˜€ ๐—จ๐—ฝ๐—ฑ๐—ฎ๐˜๐—ฒ | ๐—ฃ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—ธ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ต๐—ผ๐—ธ ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐˜‚๐—ฐ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป ๐—”๐—ฐ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฒ๐—บ๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐˜€๐—ถ๐—ธ๐—น๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ž๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐˜ ๐—ง๐—ฎ๐—น๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ผ.

Nakilahok ang Lucban Academy sa pagbubukas ng Festival of Talents ngayong Agosto 22, 2026 sa PSLIS Covered Court. Magpapaligsahan ang mga estudyante mula sa iba't ibang paaralan. Nagsimula ang programa bandang 8:30 ng umaga, na pinangunahan ng Paaralang Sekundarya ng Lucban Integrated School.

Sinimulan ni G. Calixto S. Blazo, punongg**o ng PSLIS, ang programa sa isang pambungad na pananalita. Binanggit niya na kahit walang parangal na matanggap ang kalahok, isa ng panalo ang kanilang kahandaan para ipakita ang kanilang galing. "We rise not just by lifting ourselves up, but by lifting one another," dagdag pa ni G. Blazo.

Magkakaroon ngayong taon ng mga paligsahan sa Bake Cares, Pop Quiz, Math Quiz Bee, at Reason and Resolve. Ayon kay G. Blazo, hindi lahat ng kompetisyon ay mayroong katunggali, kaya't magpapatuloy ang mga kalahok na walang kakompetisyon sa District Level ng Festival of Talents.

Nagpapatunay ang gawaing ito ng makulay at di matatawarang husay, at talento ng bawat mag-aaral sa bayan ng Lucban sa anumang larangan.

โœ๏ธ: Jeric Ondoy
๐Ÿ“ธ: Ramiel Sario

๐๐š๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐š ๐ฌ๐š ๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ญ๐šโ€œThe Filipino is worth dying for.โ€Limang salitang namutawi sa mga labi ni Benigno โ€œNinoyโ€ Aquin...
21/08/2026

๐๐š๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐š ๐ฌ๐š ๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ญ๐š

โ€œThe Filipino is worth dying for.โ€

Limang salitang namutawi sa mga labi ni Benigno โ€œNinoyโ€ Aquino Jr. na tila naging panata sa isang bayang matagal nang naghahanap ng tinig.

Noong Agosto 21, 1983, umuwi si Ninoy sa Pilipinas matapos ang ilang taong pananatili sa ibang bansa. Batid niya ang panganib na maaaring sumalubong sa kaniyang pagbabalik. Ngunit sa kabila ng pag-aalinlangan, pinili niyang bumalikโ€”sapagkat para sa kaniya, may mga bagay na higit na mahalaga, kahit na ang kapalit pa nito ay ang kaniyang sariling kaligtasan.

Hindi pinutol ang kaniyang tinig ng kanyang pagkasawi. Sa halip, lalo lamang itong umalingawngaw sa bawat Pilipinong nakasaksi sa kaniyang sinapit. Napalitan ng pagkilos ang katahimikan; nagsalita ang mga nakatikom na labi. Unti-unting nabuo ang isang kilusang magdadala sa bansa tungo sa People Power Revolution noong 1986.

Karapat-dapat ang Pilipino.

Karapat-dapat sa kalayaang hindi kailangang ipalimos nang may takot. Karapat-dapat sa pamahalaang hindi naghahabol ng salapi at trono. Karapat-dapat sa isang kinabukasang hindi ipinagkakait ng mga taong nasa mataas na posisyon.

Sa paglipas ng mga taon, maaaring kumupas ang mga larawan ngunit, manilaw ang tinta sa mga pahina ng kasaysayan. Hindi lamang paglingon ang paggunita kay Ninoy Aquino na isang lalaking namatay para sa kaniyang bayan. Paglingon ito sa isang paniniwalang patuloy na nabubuhay.

May halaga ang mga Pilipino.

May halaga ang bansang Pilipinas.

At hindi lamang alaala ng nakaraan ang kalayaang tinatamasa natin ngayon, kundi pananagutang bitbit ng salinlahi. Hindi tunay na namamatay ang isang bayani. Nananatili siya sa mga salitang kaniyang iniwan, sa paninindigang kaniyang ipinaglaban, at sa mga Pilipinong patuloy na nagbibigay-kahulugan sa mga ito.

Sa Likod ng Pangalan ng QuezonSa pagsikat ng araw tuwing Agosto 19, hindi lamang panibagong pahina ng kalendaryo ang bin...
19/08/2026

Sa Likod ng Pangalan ng Quezon

Sa pagsikat ng araw tuwing Agosto 19, hindi lamang panibagong pahina ng kalendaryo ang binubuklat ng mga Quezonian. Sa araw na ito, muling humihinga ang isang bahagi ng kasaysayanโ€”sa mga watawat na marahang sumasabay sa hangin, sa mga bulaklak na iniaalay sa bantayog, at sa mga salitang patuloy na ginagamit ng isang bayang minsang pinangarap pag-isahin sa pamamagitan ng wika. Ito ang Quezon Day, isang paggunita sa kapanganakan ni Manuel Luis Quezon, ang unang pangulo ng Philippine Commonwealth at ang kinikilalang Ama ng Wikang Pambansa.

Ipinanganak si Manuel L. Quezon noong Agosto 19, 1878, at naging mahalagang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas bilang lider na nagsulong ng kalayaan at pagkakakilanlang pambansa. Bilang pagkilala sa kanyang ambag, ang dating lalawigan ng Tayabas ay pinalitan ng pangalang Quezon noong 1946. Sa kasalukuyan, ipinagdiriwang ang Quezon Day hindi lamang bilang pag-alala sa kanyang kapanganakan kundi bilang pagpupugay sa kanyang mga naiambag sa bayan, lalo na sa pagsusulong ng wikang pambansa. Sa bisa ng Republic Act No. 6741, idineklarang Special Working Holiday ang Agosto 19 sa buong bansa at Special Non-Working Public Holiday sa Quezon, Aurora, at Quezon City. Sa Quezon Province, tampok sa paggunita ang mga seremonya, pag-aalay ng bulaklak, at iba pang gawaing nagpapakita ng pagpapahalaga sa kasaysayan at pamana ni Quezon.

Ngunit higit sa mga seremonya at bulaklak na iniaalay sa kanyang bantayog, ang tunay na diwa ng Quezon Day ay nasa pagpapatuloy ng mga pagpapahalagang iniwan niya. Sa bawat salitang binibigkas sa sariling wika, sa bawat kuwentong isinasalin sa susunod na henerasyon, at sa bawat kabataang natututong pahalagahan ang kasaysayan, patuloy na nabubuhay ang kaniyang pamana. Sapagkat hindi lamang paggunita kay Quezon ang paglingon sa nakaraanโ€” paalala ito na hindi natayapos ang kasaysayan ang sa mga pahina ng aklat, kundi patuloy na isinusulat ng bawat Pilipino.

๐—ž๐—ฎ๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐˜‚๐—ฐ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป: ๐—›๐—ถ๐—บ๐—ถ๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ถ๐˜€๐—ผ ๐—ž๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ปTuwing Agosto 19, may ibang himig ang Lucban.Napupuno ang lansangan ng ...
19/08/2026

๐—ž๐—ฎ๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐˜‚๐—ฐ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป: ๐—›๐—ถ๐—บ๐—ถ๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ถ๐˜€๐—ผ ๐—ž๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป

Tuwing Agosto 19, may ibang himig ang Lucban.

Napupuno ang lansangan ng mga makukulay na palamuti at banderitas, tugtugan ng mga banda, parada, prusisyon, at mga taong sama-samang nakikibahagi sa pista. Sa bawat kalsadang dinaraanan, may tanawing nagpapakita ng kulturang Lucbaninโ€”buhay, makulay, at may sariling kuwento.

Higit pa sa isang makulay na pagtitipon ang araw na ito. Ito ang pista ng Lucban bilang parangal kay San Luis Obispo de Tolosa, na siyang patron ng bayan. Mula pa noong sinaunang kasaysayan ng Lucban, naging mahalagang bahagi ng pamayanan ang simbahan at mga pagdiriwang na nakaugat sa pananampalataya.

Sa paglipas ng mga taon, hindi lamang nanatili sa loob ng simbahan ang pista. Lumabas ito sa lansangan. Naging bahagi nito ang mga parada, tugtugan, prusisyon, at mga tradisyong sama-samang isinasagawa ng komunidad. Isa sa mga natatanging tanawin tuwing Agosto 19 ang Higantesโ€”mga dambuhalang paper mache na nagbibigay ng kakaibang anyo at sigla sa pagdiriwang.

Ngunit higit sa nakikita sa lansangan, naroon ang mga tradisyong patuloy na isinasabuhay at ipinapasa mula sa isang salinlahi tungo sa susunod. Sa bawat tugtog, paghahanda, at sama-samang pagdiriwang, muling nabubuhay ang mga kaugaliang matagal nang bahagi ng pagkakakilanlan ng bayan.

Sa araw na ito, hindi lamang tanawin ang Lucban. Salamin ito ng mayabong na kasaysayan,kulay sa bawat sulok ng bayan, alaala sa bawat tahanan, at kulturang patuloy na gumagalaw kasama ng mga mamamayan.

At marahil, dito natin tunay na mauunawaan ang โ€œParaiso kong bayanโ€โ€”hindi dahil sa ito ay perpekto, kundi dahil may mga taong patuloy na nagbibigay-buhay rito.

Maligayang Araw ng Pista! Mabuhay ang ating kultura, tradisyon, at ang bawat Lucbanin! ๐ŸŽญ๐ŸŒฟ๐ŸŽ‰

Maligayang ika-431 Araw ng Lucban! ๐ŸŽ‰ Sama-sama nating ipagdiwang ang ating kultura, tradisyon, at makulay na kasaysayan....
19/08/2026

Maligayang ika-431 Araw ng Lucban! ๐ŸŽ‰ Sama-sama nating ipagdiwang ang ating kultura, tradisyon, at makulay na kasaysayan. Isang pagpupugay sa bawat Lucbanin na patuloy na nagpapalago sa ating komunidad. Mabuhay!

๐—ก๐—˜๐—ช๐—ฆ ๐—จ๐—ฃ๐——๐—”๐—ง๐—˜ | ๐—ก๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ถ๐—ด ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ต๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ฑ ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐˜‚๐—ฐ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป ๐—”๐—ฐ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฒ๐—บ๐˜† ๐—ธ๐—ฎ๐˜† ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐—Ÿ๐˜‚๐—ถ๐˜€ ๐—ข๐—ฏ๐—ถ๐˜€๐—ฝ๐—ผ ๐—ฃ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ถ๐—ป๐˜ ๐—Ÿ๐—ผ๐˜‚๐—ถ๐˜€ ๐—•๐—ถ๐˜€๐—ต๐—ผ๐—ฝ...
18/08/2026

๐—ก๐—˜๐—ช๐—ฆ ๐—จ๐—ฃ๐——๐—”๐—ง๐—˜ | ๐—ก๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ถ๐—ด ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ต๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ฑ ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐˜‚๐—ฐ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป ๐—”๐—ฐ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฒ๐—บ๐˜† ๐—ธ๐—ฎ๐˜† ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐—Ÿ๐˜‚๐—ถ๐˜€ ๐—ข๐—ฏ๐—ถ๐˜€๐—ฝ๐—ผ ๐—ฃ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ถ๐—ป๐˜ ๐—Ÿ๐—ผ๐˜‚๐—ถ๐˜€ ๐—•๐—ถ๐˜€๐—ต๐—ผ๐—ฝ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐—ต ๐—–๐—ต๐˜‚๐—ฟ๐—ฐ๐—ต

Ngayong Agosto 17, 2026, nakibahagi ang Lucban Academy sa taunang prusisyon bilang paghatid at parangal kay San Luis Obispo ng Tolosa patungo sa Saint Louis Bishop Parish Church. Bandang 6:30 ng gabi, nagsimula ang prusisyon, kung saan nagsimula at nagtapos ito matapos ilibot si San Luis at ang mga patron ng bawat kawan sa mga kalye ng Lucban.

Nakiisa sa prusisyon ang mga g**o at kawani ng paaralan, CAT, LA Band, gayundin ang Sponsors and Escorts, na sinamahan ang banal na rebulto ni San Luis Obispo ng Tolosa kasama ang mga patron ng bawat kawan.

Sa kabila ng malakas na buhos ng ulan, naging ligtas at matagumpay ang pagdaraos ng prusisyon. Sa pamamagitan nito, ipinakita ng komunidad ng Lucban Academy na nananatiling matatag ang kanilang pananampalataya, debosyon, at pagkakaisa sa kabila ng masamang panahon. Higit pa sa isang tradisyong panrelihiyon, naging makahulugang pagpapahayag ito ng walang hanggang pananampalataya at pagmamahal ng paaralan sa kanilang patron.

โœ: Zendra Kiara Maaliw
๐Ÿ“ธ: Emmanuel Palacio

Address

77 San Luis Street , Lucban
Quezon
4328

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Lucban Academy - The Banahaw posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share