16/08/2025
'GIGIL NA GIGIL AKO SA MGA PTA NA ITO'
Dismayado si Sen. Raffy Tulfo sa patuloy na paniningil ng ilang Parents Teacher Association (PTA) sa bansa para sa iba't ibang proyekto sa mga pampublikong paaralan.
“Gigil na gigil ako sa mga [Parent Teacher Association] na ito,” aniya sa pagdinig sa Senado ngayong Martes, Agosto 12.
Isusulong umano ni Sen. Tulfo ang isang panukalang batas na nagbabawal sa anumang paniningil sa mga magulang para pondohan ang ilang proyekto sa mga pampublikong paaralan.
“We have to amend the law na dapat no collection at sana isama roon pati ‘yung mga parents. Hindi dapat [sila] pwedeng kolektahan,” sabi pa niya.
゚viralシfypシ゚