16/09/2025
kung mayroong isang salita para ilarawan ka, iyon ay “liwanag”.
hindi dahil perpekto ka, kundi dahil sa gitna ng lahat ng ingay at bigat, ikaw ang tahimik na paalala na mayroong bagay na
mas malinaw,
mas magaan,
mas totoo.
gaya ng sikat ng araw na hindi humihingi ng kapalit, dumadampi ka lang sa balat. gaya ng ilaw ng buwan na hindi kailanman nauubos, palagi lang naroon kahit tinatago ng ulap.
at sa dulo, ikaw ay liwanag—hindi dahil palagi kang maliwanag, kundi dahil sa iyo, natutunan kong hanapin ang ganda kahit sa anino.