25/08/2026
You cannot speak of Filipino Pride without restoring basic human decency and dignity.
Pinag-isipan kong mabuti kung ipo-post ko ito.
Baka sabihing namumulitika. Baka sabihing masyadong mabigat.
Pero hindi ko na kayang manahimik.
Araw-araw, nakikita natin ang baha at ang hirap. Hindi lang ito natural disaster. Ito ay kapabayaan na pinalala ng korapsyon. At ramdam ng marami na wala na tayong magagawa.
Tahimik ding nagsasara ang maliliit na negosyo. Hindi lang ito negosyo. Pamilya ito. Pangarap ito.
Tayong 99%. Tayong bumubuhay sa bansang ito. Tayo rin ang laging nagbabayad.
Kaya nilinaw ko ang misyon ng Rampa Pilipinas.
Hindi lang kami events company. Hindi lang kami magazine.
Kami ay stage at record.
Stage kung saan ang Pilipino ay nakikita, naririnig, at binabayaran nang may respeto.
Record na nagpapakita ng Pilipinas from A to Z — hindi bilang poverty p**n, kundi nang may dignidad.
Mula ngayon, isa lang ang misyon namin: Restoring the Dignity of Filipinos.
Kung ramdam mo ito, kasama ka sa Rampa.
Tayo na ang gumawa ng sarili nating rampa.
— Mich Lucas
Founder, Rampa Pilipinas Co.