20/03/2025
Buti nalang talaga nagka anak tayo noh?
Mahirap pero kung iisipin mo...
Sobrang Blessed pala natin
Kase mula nung naging magulang tayo
Parang mas Nagkaroon na ng direksyon ang buhay natin
Mahirap sa part na may responsibility na tayo
Kung paano mo bibigyan ng magandang future ang mga anak mo
Kung paano mo i hahandle yung ibat ibang stage ng buhay niyo na magkakasama
Kung paano mo sila i bibuild up
Na maging mabuting indibidwal
Pero yung lakas na binibigay nila satin
Iba eh,
Yung kahit masama ang pakiramdam mo
Babangon ka talaga
Kase alam mong may anak kang nakadepende sayo
Yung pasuko ka na sa buhay
Pero titignan mo lang yung anak mo
Tapos babangon ka na
Laban ulit!
Yung mga bagay nga dati na
Hindi natin nagagawa
Na akala natin hindi natin kaya
Magugulat ka nalang, nagagawa na natin nung nagka anak tayo
Wala ng hiya hiya
Walang pride pride
Basta para sa mga anak
Kasi wala naman na saatin
Yung sentro ng buhay natin e
Nasa kanila na
Parang lumakas tayo nung nagka anak tayo..
Ang dami nating na discover sa strength natin
Pansin nyo un? Parang mas naging mapangarap tayo
Parang mas naging mabuting tao tayo
Tsaka iba din yung joy at fulfillment
Kapag nakakapag provide tayo sa mga anak natin
Napapalaki natin sila ng maayos, naaalagan natin sila
Kaya thank you Lord
Dahil pinagkalooban mo kami ng anak na, magpapalakas saatin.
Ctto