10/07/2025
Angono National High School Maikling Kasaysayan
Natupad na pangarap!
Taong 1975 ng magkaroon ng ideya na dapat ay may Pampublikong mataas na Paaralan sa Bayan ng Angono, sa kadahilanang mahal at maaring marami ang di makayanan magpaaral sa paaralan Pampribado. Pinangunahan ng tinagurian “Magic Five” ang pagtupad sa pangarap ng mga magulang sa bayan. Isang mataas na Paaralang Pampubliko ang sinimulang balangkasin.
Sina G. Florencio C. Esteban at Bb. Rosario U. Mag-atas, ang naghanda ng Petisyon ng mga Magulang na humihiling noon kay Punong bayan Saturnino V. Tiamson sa pagbubukas ng pampublikong High School. Sa tulong din nina G. Eduardo M. Gil (dating g**o sa Rizal High School) Gng. Estela Santos, (g**o ng Rizal High School) at Bb. Mercedita Merced. Sa kabutihang palad ay nakakuha ito ng 270 lagda na pagsang-ayon sa mga magulang. Ipinatawag ng Sangguniang Bayan ang Magic Five at ditto ay nakuha nila ang suporta ng konseho ng Bayan na walang pagtutol. Noong Ika-13 ng Hulyo ay sumulat si Mayor Saturnino V. Tiamson kay Kgg. Juan Manuel, Ministro ng Edukasyon na may Kahilingan magbukas ng Public High School o Night School. Tinugon ito ng Kgg. Juan Manuel sa pamamagitan ng pagpapadala ng Memorandum sa Schools Superintendent sa Lalawigan ng Rizal na nag-atas na bumuo ng ADHOC Committee na maghahanda ng pag-aaral (feasibility study) sa pagbubukas ng Public High School o Night School. Ito ay binubuo nina:
1. Mrs. Corazon Lumawig – Asst. Prov’l School Superintendent – Chairman
2. Mr. Timoteo Pascual – Division Supervisor – Co Chairman
3. Mrs. Crisanta Calengo – District Supervisor – Sec.
4. Mrs. Pomposa Fineza – Principal – Asst. Sec.
5. Mr. Serafin del Rosario – Div. Supervisor – member
6. Mr. Hilario Evangelista – Div. Supervisor
7. Mrs. Zenaida Esguerra – Div. Supervisor
8. Mr. Magtanggol del Rosario – Principal
9. Mrs. Avelina Llagas – Principal
10. Atty. Paterno Tiamson – Councilor
11. Mr. Florencio C. Esteban – Teacher Member
Noong Ika – 19 ng Nobyembre 1979 sa huling pagpupulong ng committee ay inirekomenda na 1982 ang pagbubukas ng high school. Dahil determinado si Mayor Tiamson na magkaroon ng bagong high school para sa mga taga-Angono sa pamamagitan ng Sanggunian Bayan na muling sumulat at humiling sa Ministro ng Edukasyon na magbukas at mag-umpisa na ng High School sa ika-8 ng Hunyo. Ngunit ang naging tugon ay antayin pa ang tamang panahon na ang pananalapi ng Bayan ng Angono ay sapat at kaya nang matugunan ang lahat ng kinakailangan dokumento. Dahil sa ang nasa isip ni Mayor Tiamson ay ang pangangailangan ng kanyang mga kababayan. Ipinakiusapan niya kina Bb. R. Mag-atas, Gng. Jessica Serrano at Gng. Zosima del Puerto sa pamamagitan ni G.F.Esteban (miyembro ng AD HOC Komite) na magsimula nang magtala ng mga mag-aaral na nais pumasok, apat na araw bago ang simula ng pasukan. Sila ay nakakuha ng 25 mag-aaral at nagsimula ang kauna-unahang klase noong ika-8 ng Hunyo 1980 kahit walang pahintulot na magbukas ng paaralan. Nagbigay inspirasyon at lakas ng loob noon kay Mayor Tiamson ang suporta ibinigay ni Kgg. G. Duavit na sumulat sa kalihim ng ministro noong ika-4 ng Hunyo 1980 na nakikiusap na muling ikonsidera ang pasyang di pagpapahintulot na magbukas ng High School sa Angono.Kaya noong ika-3 ng Hulyo 1980 nagpadala ang ang kalihim ng Ministro ng Edukasyon ng Memorandum sa Director ng MECS Rehiyon IV na nagbibigay ng pansamantalang permiso ng operasyon ng panggabing Municipal High School. Agad na tumalima ang Director sa Memorandum kaya noong ika-7 ng Hulyo 1980 nagbukas ang klase sa pahintulot ng kalihim ng Ministro ng Edukasyon Kultura at Isports ang ANGONO MUNICIPAL HIGH SCHOOL. Na kauna-unahang pampublikong High School sa Angono, para sa mga kabataang taga-Angono.
Ang unang dalawang taong operasyon ng AMHS ay panggabi. Dahil na din sa hirap at panganib ng mag-aaral pagpasok ng mga magulang ay nagkaroon ng petisyon na magkaroon ng pang-umagang klase at ito ay binigyan ng pahintulot ng MECS. Sa pagsisimula ng AMHS ay kinaharap nito ang maraming suliranin ngunit lahat ng suliranin ay may kalutasan at katugunan. Ang mga kakulangan ng aklat,kagamitan sa Home Economics at Industrial Arts. Sa liderato at malasakit ni G. Gaudencio Jandoc Jr. at G. Sande Vitor ng Parent Teacher Association sila ay nangalap ng suporta sa mga mamamayan ng Angono dahil dito nagawa din nilang makapagpagawa ng bakod sa paaralan. Sa tulong ni Atty. Victor R. Sumulong naman ay nakapagkaloob sa paaralan ng programang Gabay Scholarship at nangolekta ng mga tropeo,medalya at kagamitan sa paglalaro.
Ang paaralang AMHS ay unang tinawag na ANGONO NATIONAL HIGH SCHOOL noong 1993. Noong taong 2000 ay tinawag itong SATURNINO V. TIAMSON MEMORIAL HIGH SCHOOL. Bilang pag-aala ala sa nagpasimula ng paaralang si dating Punong Bayan Saturnino V. Tiamson at ibinalik din sa pangalang ANGONO NATIONAL HIGH SCHOOL ng sumunod na taon hangggang sa kasalukuyan. Ito ay pinamunuan ng mahuhusay, mapagmalasakit at masisipag na Punong G**o ;
• Florencio Esteban 1980-1988
• Emelita Casin 1989-1991
• Cynthia M. Cruz 1992-2000, 2005-2013
• Leoncio Gervacio 2000
• Corazon S. Laserna 2001-2002
• Juana M. Garrovillas 2002-2003
• Loida R. Alcantara 2003-2005
• Cynthia M. Cruz 2005-2013
• Ma. Salome P. Santos (OIC)
• Reynante V. Flandez – 2014-2018
• Ma. Elena V. Bernardo- 2018-2022
• Magno R. Abueme – (OIC)
• Reynante V. Flandez – 2022-Present
Ang pagdami ng mga mag-aaral ay nangyari noong taong Pampaaralan 2010-2011 umabot sa kabuuang populasyon ng 6,000 sa pangunguna ni Gng. Cynthia M. Cruz. Sa kanya ding panahon naging daan din ang ANHS sa pagbubukas ng iba pang Pampublikong Paaralan ng Sekondarya sa bayan ng Angono at karatig bayan tulad ng Carlos Botong Francisco National High School sa barangay Mahabang Parang (1998) Regional Lead School for the Arts sa San Martin San Isidro (2000), Dr. Vivencio V. Villamayor National High School sa Mednaville San Isidro (2010), Taytay National High School (1996) at Muzon National High School.
Sa pagbubukas ng mga paaralan sa karatig bayan tulad ng Pag-asa NHS (Binangonan, Rizal) at Muzon NHS (Taytay, Rizal) unti-unting bumaba ang bilang ng mga nag-aaral.
Sa kasalukuyan, patuloy na sumasabay at kaagapay sa pagbabago ang ANHS tulad ng pagpapatupad ng mga polisya ng Ministro ng Edukasyon tulad ng Child Protection Policy, Gender Sensitivity, at K-12 Program.
Halaw: G. Florencio C. Esteban
InEdit ni: Armelia A. Guranggo
Sinulat ni: G. Marco L. Lianza
Nag-ambag: Gng. Ruby M. Santiago at mga piling naunang g**o ng ANHS