Vice Mayor Lito Andres

Vice Mayor Lito Andres Official page of VM Lito Andres of Rizal, Nueva Ecija

15/10/2025
13/10/2025

15th Regular Session

Simula na ulit ng panibagong linggo. Magandang umaga, Rizaleños 🌤Narito ang paalala ng inyong lingkod para sa linggong i...
13/10/2025

Simula na ulit ng panibagong linggo. Magandang umaga, Rizaleños 🌤

Narito ang paalala ng inyong lingkod para sa linggong ito— keep going. Simulan na nating gumawa ng makabuluhang mga bagay para mas maging fulfilling ang maging pagtatapos natin sa linggong ito. 💙💚✨️

Lahat ng ating panalangin ay Kanyang diringgin. 🙏Tuwing araw ng Linggo, isama po natin sa panalangin ang kaligtasan ng a...
12/10/2025

Lahat ng ating panalangin ay Kanyang diringgin. 🙏

Tuwing araw ng Linggo, isama po natin sa panalangin ang kaligtasan ng ating bansa pati na rin ang katatagan ng mga Pilipinong niyanig ng sunod-sunod na malalakas na lindol sa Cebu at Davao.

Buong puso po nating ipagdasal ang ating bansa.

🚨 LIGTAS ANG MAY ALAM 🚨Congratulations sa ating magigiting na Rizaleño Frontline Workers sa pagtatapos ng kanilang Emerg...
11/10/2025

🚨 LIGTAS ANG MAY ALAM 🚨

Congratulations sa ating magigiting na Rizaleño Frontline Workers sa pagtatapos ng kanilang Emergency Vehicle Operator Course (EVOC).

Ang course na ito ay makakatulong na magamit nang maayos at tama ang emergency vehicles tulad ng mga ambulansya, fire trucks, at police mobile para sa mas ligtas na pagresponde sa anumang emergency cases.

Layunin pa ng EVOC na mapaigting ang kahandaan ng ating frontline workers sa pagsuong sa anumang pagsubok at hamon na dala ng anumang emergency situation.

Muli, congratulations po sa inyo!

Hindi mo kailangang maging perpekto para maging karapat-dapat sa pagmamahal. Sa bawat pagkadapa, sa bawat pag-iyak, kara...
10/10/2025

Hindi mo kailangang maging perpekto para maging karapat-dapat sa pagmamahal.

Sa bawat pagkadapa, sa bawat pag-iyak, karapat-dapat pa rin tayo sa pag-unawa, sa suporta, at sa tunay na pag-aaruga.

Ngayong World Mental Health Day, paalala lang Rizaleños: mahalaga kayo, at hindi niyo kailangang harapin ang lahat mag-isa. May masasandalan kayo lagi dahil nariyan ang Diyos at ang inyong mga mahal sa buhay. 💙💚

UNANG ISANDAANG ARAW NG BUONG PUSO AT GALING NA PAGLILINGKOD! 💙💚Sa bawat araw na lumipas, patuloy nating napatunayan na ...
08/10/2025

UNANG ISANDAANG ARAW NG BUONG PUSO AT GALING NA PAGLILINGKOD! 💙💚

Sa bawat araw na lumipas, patuloy nating napatunayan na ang pamumuno ay hindi lamang tungkol sa proyekto o programa, kundi sa tunay na pag-asikaso sa pangangailangan ng bawat Rizaleños.

Ang bawat ngiti, bawat pasasalamat, at bawat pagbabago sa komunidad ay patunay ng serbisyong may puso at galing.

Hindi madali ang daan, ngunit dahil katuwang natin si Mayor Trina Andres, at sa pagkakaisa at pagtitiwala ninyo, magaan ang bawat hamon.

Ang ating hangarin: isang pamahalaang bukas, mabilis na pag-asikaso, at tapat paglingkod sa lahat— at itutuloy-tuloy po natin ito.

Isandaang araw pa lang ang lumipas at marami pang araw ng pagtutulungan, pag-unlad, at pag-asa ang ating haharapin kasama kayo.

Lubos na pasasalamat po sa inyong suporta, Rizaleños!

Address

Baras
3127

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Vice Mayor Lito Andres posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share