Kinama ES-Asiga Online Publication

Kinama ES-Asiga Online Publication Official School Publication of Kinama ES-Rizal
Empowering young voices through campus journalism.

Mula sa kakulangan tungkol sa kaayusan: Apat na Teacher's Table, GinawaApat na Teachers’ Table, Ginawa upang Suportahan ...
05/08/2026

Mula sa kakulangan tungkol sa kaayusan: Apat na Teacher's Table, Ginawa

Apat na Teachers’ Table, Ginawa upang Suportahan ang Maayos na Pamamahala ng mga School Forms

KINAMA, Rizal, Kalinga — Bilang tugon sa kakulangan ng mga mesa sa paaralan, apat na teachers’ table ang ginawa ng Kinama Elementary School upang magsilbing lagayan ng mahahalagang school forms at iba pang opisyal na dokumento ng bawat g**o.
Isinagawa ang inisyatibong ito sa pamumuno ni Sir Julio Z. Sitchon III upang mapanatili ang kaayusan ng mga rekord at matiyak na ang mga kinakailangang dokumento ay maayos na naitatabi at madaling mahanap kapag kinakailangan Ng mga g**o.
Sa pamamagitan ng mga bagong mesa, nagkaroon ng sapat na espasyo ang mga g**o para sa kanilang mga gawaing pang-akademiko at administratibo.

Bagong Sports Equipment, Bagong Sigla para sa mga Atleta ng Kinama ESKINAMA, Rizal, Kalinga — Nakatanggap ang Kinama Ele...
01/08/2026

Bagong Sports Equipment, Bagong Sigla para sa mga Atleta ng Kinama ES

KINAMA, Rizal, Kalinga — Nakatanggap ang Kinama Elementary School ng halagang limampung libong piso (₱50,000) mula sa Department of Education para sa pagbili ng mga sports equipment bilang paghahanda sa nalalapit na District Meet.
Sa pamamagitan ng pondong ito, nakabili ang paaralan ng iba’t ibang kagamitang pampalakasan na gagamitin ng mga mag-aaral sa kanilang pagsasanay at paghahanda para sa iba’t ibang larong sasalihan. Ang pagbili ng mga kagamitan ay isinagawa nina Administrative Officer II Mary Grace Ferry at ADAS Evelyn Gayyaman upang matiyak na ang mga kinakailangang kagamitan ay naaayon sa pangangailangan ng mga atleta ng paaralan.

Ayon kay School Principal Julio Z. Sitchon III, mahalagang mapaghandaan nang mabuti ang nalalapit na District Meet upang higit na mapaunlad ang kakayahan at kumpiyansa ng mga mag-aaral na kalahok sa mga kompetisyon. Aniya, ang pagkakaroon ng sapat at de-kalidad na sports equipment ay malaking tulong sa kanilang pagsasanay at maaaring magbunga ng mas mahusay na pagganap ng mga atleta sa mga darating na paligsahan. Nagpahayag din siya ng pasasalamat sa Department of Education sa patuloy nitong suporta sa pagpapaunlad ng programang pampalakasan ng paaralan.

Sama-samang Pagkilos ng mga Magulang at Paaralan, Tampok sa Pagsisimula ng Feeding ProgramKINAMA, Rizal, Kalinga — Porma...
31/07/2026

Sama-samang Pagkilos ng mga Magulang at Paaralan, Tampok sa Pagsisimula ng Feeding Program

KINAMA, Rizal, Kalinga — Pormal nang sinimulan ng Kinama Elementary School ang feeding program para sa mga mag-aaral ng Kindergarten at Grade 1 bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng DepEd na mapabuti ang kalusugan at nutrisyon ng mga batang mag-aaral.
Ang pagluluto ng pagkain ay boluntaryong isinasagawa ng mga magulang, at sila rin mismo ang naghahanda at nagpapakain sa mga bata araw-araw. Sa pamamagitan ng kanilang malasakit at pakikiisa, naipapakita ang matibay na ugnayan ng paaralan at komunidad sa pagsusulong ng kapakanan ng mga mag-aaral.

Ang feeding program ay may malaking papel sa pagpapalakas ng pangangatawan ng mga bata, pagpapabuti ng kanilang kalusugan, at pagtaas ng kanilang kakayahang makilahok at matuto sa klase. Inaasahan ding makatutulong ito upang mabawasan ang bilang ng mga batang kulang sa nutrisyon at mapataas ang kanilang konsentrasyon at pagpasok sa paaralan.
Ang programa ay mahigpit na minomonitor nina sir Julio Z. Sitchon III, School Principal, at Administrative Officer II Mary Grace Ferry upang matiyak ang maayos na implementasyon, kalinisan sa paghahanda ng pagkain, at regular na pagsubaybay sa kalagayan ng mga batang benepisyaryo.

Mas Mabilis na Internet, Hatid ng Starlink WiFi sa Kinama Elementary SchoolKINAMA, Rizal, Kalinga — Isang mahalagang hak...
31/07/2026

Mas Mabilis na Internet, Hatid ng Starlink WiFi sa Kinama Elementary School

KINAMA, Rizal, Kalinga — Isang mahalagang hakbang tungo sa mas makabagong edukasyon ang matagumpay na pagpapakabit ng Starlink WiFi sa Kinama Elementary School.
Sa pamamagitan ng mas mabilis at mas matatag na koneksiyon sa internet, inaasahang higit na mapapadali ang paghahanda ng mga g**o sa kanilang mga aralin, ang paggamit ng mga digital learning resources, at ang pakikilahok ng paaralan sa iba’t ibang online na programa at gawain ng Department of Education.
Malaking tulong ang proyektong ito hindi lamang sa mga g**o kundi lalo na sa mga mag-aaral na makikinabang sa mas mahusay na akses sa impormasyon at teknolohiya.

Lubos namang nagpasalamat si School Principal Julio Z. Sitchon III kay Sir Genesis Lester Patron sa kanyang mabilis at mahusay na pagsasagawa ng instalasyon ng Starlink WiFi sa paaralan.
Ayon kay Sir Sitchon, ang agarang pagkakabit ng internet ay nagpapakita ng kanilang dedikasyon at malasakit sa pagpapaunlad ng edukasyon sa Kinama Elementary School.
Aniya, ang pagkakaroon ng maaasahang internet connection ay isang malaking hakbang upang maging mas epektibo ang pagtuturo, mas episyente ang pamamahala ng paaralan, at mas handa ang komunidad ng Kinama ES sa mga hamon ng makabagong panahon.

07/07/2026

Warmest congratulations to Ma'am Mayflor Buyag, Master Teacher I, on successfully passing the National Assessment for School Head.

This remarkable achievement reflects your dedication, perseverance, and commitment to excellence in the teaching profession. Your hard work and passion for education continue to inspire your colleagues, learners, and the entire school community.

May this milestone open more opportunities for growth and success in your career. Wishing you continued blessings and even greater accomplishments in the years ahead.

Congratulations once again, and may God bless you.

Sorpresang Handog:Mga Bagong Mesa at Upuan, Dumating na sa Tamang PanahonMasayang tinanggap ng Kinama Elementary School ...
06/07/2026

Sorpresang Handog:
Mga Bagong Mesa at Upuan, Dumating na sa Tamang Panahon
Masayang tinanggap ng Kinama Elementary School ang 65 na mga bagong mesa at 25 na mga upuan na ipinagkaloob ng Department of Education (DepEd) Central Office bilang suporta sa pagpapabuti ng pasilidad ng paaralan. Ang nasabing tulong ay naglalayong matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral at makapagbigay ng mas maayos, komportable, at angkop na kapaligiran sa pagkatuto.

Lubos ang pasasalamat ng Kinama Elementary School sa pamumuno ni Sir Julio Z. Sitchon III sa Department of Education- SDO Kalinga sa kanilang patuloy na suporta sa mga paaralan. Inaasahan na ang mga bagong mesa at upuan ay makatutulong sa pagpapalakas ng kalidad ng edukasyon at magbibigay ng mas maayos na karanasan sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa paaralan. Ayon din kay Sir Sitchon, inaasahan pang darating ang karagdagang 25 mesa at 65 upuan upang higit pang matugunan ang pangangailangan ng paaralan at ng mga mag-aaral.

Matagumpay na isinagawa ang Brigada Plus sa Kinama Elementary School sa tulong ng mga g**o, magulang, at iba pang mga ka...
06/07/2026

Matagumpay na isinagawa ang Brigada Plus sa Kinama Elementary School sa tulong ng mga g**o, magulang, at iba pang mga katuwang ng paaralan. Naging matagumpay ang programa dahil sa sama-samang pagtutulungan at pakikiisa ng lahat upang mapanatiling malinis, maayos, at ligtas ang kapaligiran ng paaralan para sa mga mag-aaral.

Kabilang sa mga isinagawang gawain ang paglilinis sa harap ng paaralan, sa likod ng bawat silid-aralan, at sa gulayan ng paaralan. Nagsagawa rin ng pagpuputol ng damo gamit ang grass cutter upang mapanatili ang kalinisan ng paligid. Bukod dito, inilipat din ang rainwater collector sa gulayan upang magsilbi itong imbakan ng tubig na magagamit sa pagdidilig ng mga pananim at makatulong sa pagpapanatili ng maayos at masaganang gulayan ng paaralan.

Kinama Elementary School Holds First GPTA Meeting for School Year 2026–2027KINAMA, Rizal, Kalinga — June 11, 2026 — Pare...
11/06/2026

Kinama Elementary School Holds First GPTA Meeting for School Year 2026–2027

KINAMA, Rizal, Kalinga — June 11, 2026 — Parents, teachers, and school officials gathered today at Kinama Elementary School for the First General Parents-Teachers Association (GPTA) Meeting, marking the beginning of a stronger partnership between the school and families for the new school year.

The program began with a prayer led by Rolly C. Amor and a nationalistic song facilitated by Lady Jasmin P. Dayag. In her welcome remarks, Lilibeth M. Gerlaban expressed her gratitude to the parents for taking time to attend the meeting and for their continued support of the school.

A significant part of the program was the introduction of the school's new principal, Mr. Julio Z. Sitchon III, by Mayflor S. Buyag. In his message, Principal Sitchon warmly thanked the parents for their presence and emphasized the importance of their active involvement in their children's education.

According to Principal Sitchon, learning does not happen only inside the classroom. He stressed that parents play a crucial role in helping children succeed by guiding them at home, encouraging good study habits, and working closely with teachers.

"When parents and teachers work hand in hand, our children receive the support they need to become responsible, confident, and successful learners," he shared.

The meeting also featured the election of the new set of GPTA officers, facilitated by Rolly C. Amor. Meanwhile, Principal Sitchon discussed school legal fees and their importance in supporting various school programs and activities.

Several important DepEd updates were presented during the gathering. Mary Jane O. Dela Cruz discussed the implementation of the 3-Term School Calendar, while Lilibeth M. Gerlaban provided updates on anti-bullying measures and the Child Protection Committee (CPC). Mayflor S. Buyag discussed the responsible use of Artificial Intelligence (AI) and cellular phones among learners. Rowena A. Pacion explained the grading system, and Lady Jasmin P. Dayag shared information about Education in Emergencies (EIE).

The activity concluded with announcements and closing remarks from Principal Sitchon. Parents actively participated throughout the meeting and expressed their willingness to support the school's programs and initiatives.

The successful conduct of the first GPTA meeting reflected the shared commitment of parents, teachers, and school leaders to create a nurturing learning environment where every child can thrive and succeed.

The program was hosted by Joy Vanessa G. Tagacay.

🎁 Maraming salamat kay Jayvie A. Gerlaban-isang Alumni ng KES sa pagbibigay ng mga lapis, eraser at krayola para sa mga ...
08/06/2026

🎁 Maraming salamat kay Jayvie A. Gerlaban-isang Alumni ng KES sa pagbibigay ng mga lapis, eraser at krayola para sa mga mag-aaral ng Kinama Elementary School! Malaking tulong ito sa kanilang pag-aaral at pagkamalikhain. ❤️✏️🖍️
God bless you po😇

Day 5 of     Naging matagumpay ang isinagawang Brigada Eskwela sa Paaralang Elementarya ng Kinama bilang paghahanda sa n...
05/06/2026

Day 5 of

Naging matagumpay ang isinagawang Brigada Eskwela sa Paaralang Elementarya ng Kinama bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase. Nakiisa ang mga g**o, magulang, mag-aaral, at mga boluntaryo sa iba't ibang gawaing tulad ng pagpipinta ng mga silid-aralan, paglilinis ng bakuran, at pagkukumpuni ng mga pasilidad ng paaralan.
Pinangunahan nina GPTA VP Ariel Caleda at Kag. Eric Manuel ang mga gawain sa araw na ito tulad Ng pagpipinta at pagdadamo. 👏🫡

Address

Kinama
Rizal
3808

Opening Hours

Monday 7am - 5pm
Tuesday 7am - 5pm
Wednesday 7am - 5pm
Thursday 7am - 5pm
Friday 7am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kinama ES-Asiga Online Publication posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share