22/09/2025                                                                            
                                    
                                                                            
                                            WALA PA RING NANANAGOT. Huwag sana mawala yung mga utak natin dito sa kabila ng napakaraming diskusyon ngayon na nagbibigay hidwaan na naman sa mga Pilipino.
May mga gusto ng payapang protesta, may ilang hindi organisado sa pinaglalaban, at may ilang gusto na rin talaga manakit pabalik, sigurado dahil masakit nga rin talagang tarantaduhin nang malala ng mga taong pinagkatiwalaan nilang magse-serbisyo sa kanila.
May ilan din siguro na kinuha yung pagkakataon na 'to para makapanggulo dahil gusto lang din talaga nila ng gulo. Posible rin.
Hindi rin maiiwasang hindi tignan yung anggulo na may mga nasa kapangyarihan na makikinabang sa kaguluhan kaya nagtanim sila ng mga magugulong tao sa bawat protesta dahil importante itong anggulo na to sa gusto nilang maging susunod na naratibo (Imagine, kung maipipinta nila na walang magandang naidudulot ang rally bukod sa kaguluhan, mas madaling i-justify sa susunod kung mas marahas na ang pag-handle ng mga pulis sa rallyista. Mas maraming mahihikayat sa ideya na okay lang na magpaputok ng baril ang mga pulis sa may pinaglalaban, mas matatakot na ang mga tao makilahok sa pinaglalaban muli. Kontrolado na naman nila pati yung abilidad mo magreklamo)
Maraming posibleng anggulo dito, pero ito ang nakakatakot na katotohanan kung dito sa usaping 'to na naman tayo tututok:
Mawawala na naman sa isip natin na ang lahat ng 'to, ay dahil NINAKAWAN ANG TAONG BAYAN.  AT WALA PA RING NANAGOT.
Stay focused, mga kababayan. Naglalaban-laban na naman tayo. Divided na naman, pero yung dahilan ng lahat ng 'to e mga hindi pa rin nasusukol.