itsmeGelan

Website

itsmeGelan let's grow together 😜😉🤩

09/07/2026

Grabe tawa ko Dito e 🤣🤦 Yung nilamon na Tayo nang K-Drama
🤣🤣

゚





Follow niyo po Yung Nag mamay ari nang video na to promise matatawa po talaga kayo sa mga video Niya ,

09/07/2026

Mission Accomplished sa Project nang aking baby Juje 🥰💓

゚

🔥Mahilig ka ba sa mafia romance, matinding drama, at mga lihim na maaaring magbago ng buhay?Inaanyayahan kitang basahin ...
08/07/2026

🔥Mahilig ka ba sa mafia romance, matinding drama, at mga lihim na maaaring magbago ng buhay?
Inaanyayahan kitang basahin ang aking kwento. Isang mundong puno ng kapangyarihan, panganib, pag-ibig, at mga desisyong susubok sa bawat karakter. Bawat kabanata ay may bagong tensyon at mga pangyayaring hindi mo aasahan.

BLURB:
Bata pa lamang, pinangarap na ni Samantha Reyes na makapunta sa Italya. Mahilig siya sa mga pelikulang Italyano, at para sa kanya, ang mga kwentong mafia ay pawang kathang-isip lamang. Lumaki siyang masipag at responsable, kaya’t agad niyang tinanggap ang pagkakataong magtrabaho sa Milan upang matulungan ang kanyang pamilya.

Ngunit nagbago ang lahat nang hindi sinasadya niyang masaksihan ang isang krimen na ginawa ng kanyang boss na si Lorenzo De Luca. Mula noon, hindi na siya simpleng empleyado—isa na siyang saksi, at sa mundong ginagalawan ni Lorenzo, walang saksi ang pinapauwi nang ligtas. Napilitan siyang manatili sa ilalim ng kanyang pangangalaga, kung saan unti-unti niyang nakikilala ang lalaking likas na mabagsik at misteryoso.

Lalong nagulo ang kanyang damdamin nang dumating si Alessandro De Santis—ang kabaligtaran ni Lorenzo: masayahin, magaan kasama, at tila nagdadala ng ginhawa. Ngunit sa likod ng kanyang ngiti ay may mga bagay din siyang itinatago.

Sa gitna ng takot at kalituhan, kanino siya maniniwala? At sa huli, matutuklasan niyang ang mga kwentong akala niya ay pelikula lamang—ay mas totoo at mapanganib kaysa sa anumang naiisip niya.


゚

Bata pa lamang, pinangarap na ni Samantha Reyes na makapunta sa Italya. Mahilig siya sa mga pelikulang Italyano, at para sa kanya, ang mga kwentong mafia ay pawang kathang-isip lamang. Lumaki siyang masipag at responsable, kaya’t agad niyang tinanggap ang pagkakataong magtrabaho sa Milan upang mat...

Just visit of this site 🙏Hi,check my beloved BOOK and READING APP!Book name: Mistaken For Lorenzo De Luca's Woman Downlo...
20/05/2026

Just visit of this site 🙏
Hi,check my beloved BOOK and READING APP!
Book name: Mistaken For Lorenzo De Luca's Woman
Download and enjoy all the excitements in DREAME!
https://www.dreame.com/novel/1137860864?auto_jump=false&link_type=1&utm_campaign=app_share_copyLink&utm_source=sns_tl_apppromo&directedId=1137860864

Hi guys
Basahin niyo po ito 🥰

Here the background of the story :
Bata pa lamang si Samantha Reyes, may kakaiba na siyang pangarap.Habang ang ibang bata ay nangangarap maging doktor, g**o, o artista, siya naman ay nangangarap na makarating sa Italya balang araw.Hindi niya alam kung bakit, ngunit tuwing nakakakita siya ng mga larawan ng Roma, Venice, at Florence sa telebisyon o internet, pakiramdam niya ay may kung anong humihila sa kanya papunta roon. Humahanga siya sa mga lumang gusali, makasaysayang lugar, magagandang tanawin, at romantikong kultura ng bansang iyon.Minsan pa nga ay sinasabi niya sa kanyang mga magulang,"Balang araw, makakapunta rin ako sa Italy."At tatawa lamang ang mga ito sa kanyang mga pangarap.Lumaki si Samantha sa isang simpleng probinsiya sa Pilipinas. Siya ang panganay sa tatlong magkakapatid—dalawang babae at isang lalaking bunso. Mababait at masisipag ang kanyang mga magulang kaya bata pa lamang ay natuto na siyang magsikap para sa pamilya.Hindi man sila mayaman, masaya naman ang kanilang buhay. Natuto siyang mangarap habang nakatingin sa malayo at naniniwalang balang araw ay may magandang kapalarang naghihintay para sa kanya.Habang lumalaki, lalo siyang nahilig sa panonood ng mga pelikula at serye tungkol sa Italya. Hindi dahil sa mga artista kundi dahil sa mismong bansa. Gustong-gusto niya ang kanilang kultura, pagkain, kasaysayan, at mga lugar na tila napakaganda sa kanyang paningin.Ngunit nagbago ang lahat nang minsang mapanood niya ang pelikulang 365 Days.Sa unang pagkakataon, nakilala niya ang karakter na si Massimo Torricelli.At doon nagsimula ang kanyang pagiging hopeless romantic.Hindi naman siya agad nahumaling.Ngunit habang tumatagal, paulit-ulit niyang napapanood ang pelikula. Nanonood siya ng mga clips, edits, interviews, at kung anu-ano pang videos na may kaugnayan dito.Hanggang sa hindi niya namamalayan...Nagkaroon na siya ng sariling ideal man.Matangkad.Pogi.May kumpiyansa sa sarili.Protektado siya.Responsable.At higit sa lahat...Italyano.Madalas tuloy siyang asarin ng kanyang mga kaibigan."Hoy Samantha, naghihintay ka pa rin ba kay Massimo?"At tatawa lamang siya."Hindi naman. Kahit hindi si Massimo basta Italyano."Ngunit may isang bagay siyang hindi kailanman pinaniwalaan.Ang mafia.Para kay Samantha, kathang-isip lamang ang lahat ng iyon.Mga barilan.Mga sindikato.Mga lihim na organisasyon.Mga mafia boss.Para sa kanya, puro pelikula lamang ang lahat."Sus, wala nang mafia ngayon.""Movie lang naman ang mga iyon.""Hindi nangyayari sa totoong buhay ang mga ganyan."Iyon ang paulit-ulit niyang sinasabi.Sa edad na dalawampu't pitong taong gulang, wala pa rin siyang naging nobyo.Hindi dahil wala siyang manliligaw.Sa katunayan, marami ang nagtangkang mapalapit sa kanya noon.Ngunit mas pinili niyang unahin ang kanyang pamilya at mga pangarap.Nakapagtapos siya ng kolehiyo at buong pusong nagsikap upang makatulong sa kanyang mga magulang at mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang mga kapatid.At matapos ang maraming taon ng pagtitiyaga...Natupad din ang kanyang matagal nang pangarap.Natanggap siya sa trabaho sa Italya.Noong araw ng kanyang pag-alis mula sa Pilipinas, hindi niya mapigilang umiyak sa tuwa.Pakiramdam niya ay unti-unti nang natutupad ang lahat ng kanyang mga pangarap.Akala niya trabaho, bagong karanasan, at magandang kinabukasan lamang ang naghihintay sa kanya sa bansang matagal na niyang minahal mula sa malayo.Hindi niya alam...Na sa mismong bansang iyon ay makikilala niya ang lalaking tuluyang magpapabago sa kanyang buhay.Isang lalaking kinatatakutan ng marami.Isang lalaking iginagalang ng mga makapangyarihang tao.At isang lalaking may mga lihim na hindi dapat nalalaman ng kahit sino.Ang pangalan niya ay Lorenzo De Luca.Sa paningin ng publiko, isa lamang siyang matagumpay at respetadong negosyante.Ngunit sa likod ng kanyang malinis na pangalan ay nakatago ang isang mapanganib na mundo—isang mundong puno ng kapangyarihan, karahasan, at mga lihim na kasunduan.Isang mundong akala ni Samantha ay umiiral lamang sa mga pelikulang kanyang pinapanood.At sa isang maling araw...Sa isang maling gusali...At sa isang pagkakamaling hindi niya inaasahang mangyayari...Magtatagpo ang landas ng simpleng probinsyanang Pilipina at ng lalaking kilala bilang si Lorenzo De Luca.
At mula sa araw na iyon, mapapatunayan ni Samantha na hindi lahat ng napapanood sa pelikula ay kathang-isip lamang.

19/05/2026

😂🤦
゚
゚

19/05/2026

Naglaro na naman Ang babae 😂🤦
゚

゚

Nag Ganda- gandahan na naman Ang babae 😂🤦 Kahit Hindi marunong mag make up Hala Sige guraa 😂 ゚  ゚
19/05/2026

Nag Ganda- gandahan na naman Ang babae 😂🤦
Kahit Hindi marunong mag make up Hala Sige guraa 😂

゚

゚

Practice lang sa pag make upFirst time mag make up 🤣🤦 ゚  ゚
17/05/2026

Practice lang sa pag make up
First time mag make up 🤣🤦

゚
゚

Address

Romblon

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when itsmeGelan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share