
12/05/2025
Congratulations Gov. Trina Firmalo-Fabic 🎉👏🎊🎉
Mga pinalangga kong Romblomanon,
Maraming, maraming salamat po sa tiwala, suporta, at pagmamahal ninyo. Sa lahat ng naniwala sa ating mga adhikain at pangarap: buong puso akong nagpapasalamat sa bawat isa sa inyo na naniwala, nagdasal, at sumama sa ating laban. Hindi ko po ito tagumpay lang, tagumpay po nating lahat ito.
Alam kong hindi naging madali ang ating pinagdaanan. Pero sa kabila ng lahat, pinili niyo pa rin akong pagkatiwalaan. Hindi ko kayo bibiguin. Bitbit ko ang pangarap natin para sa isang mas maunlad, mas maayos, at mas makataong Romblon.
Simula pa lang ito ng mas malawak na paglilingkod. Handa akong makinig, matuto, at magsikap pa lalo, kasama kayo, para sa kapakanan ng buong lalawigan.
Maraming salamat, Romblomanons. Handa na po akong iparamdam ang Serbisyong May Puso sa buong lalawigan ng Romblon.