17/02/2026
Ang Regional Athletic Association Meet (RAAM), ang taunang sports competition ng student-athletes sa CALABARZON, ay idaraos sa Batangas City mula Marso 7 hanggang 14, habang tiniyak ng mga organizer na handa ang lungsod sa pagdating ng libo-libong kalahok at bisita.
Ayon kay Jimmy Panganiban, darating ang delegasyon mula sa 25 school divisions simula Marso 4 para sa final preparations bago ang opening. Sinabi niyang naka-set na ang operational plan para sa billeting, venues, security, traffic, at logistics.
Nakabuo na ng joint committees ang Schools Division Office at ang Pamahalaang Lungsod ng Batangas upang tutukan ang buong operasyon ng event.
Ang RAAM, na pinamamahalaan ng Department of Education at dating kilala bilang STCAA, ay nagsisilbing qualifying ground para sa mas mataas na level ng competition at scholarship opportunities para sa top-performing athletes.
Inaasahan din ang economic boost sa lungsod dahil sa pagtaas ng demand sa food, transport, accommodation, at retail mula sa mga delegado at bisita.
_____
Source: Palakat Batangas City
Published February 17, 2026
Original post: https://bit.ly/4aAgKXN