01/11/2025
Sa ating mga mahal sa buhay na namayapa nawa'y maramdaman nila ang tunay na kapayapaan sa piling ng ating Panginoong Jesus. Nawa tayo rin na nabubuhay dito sa mundong ibabaw ay magpatuloy na sundan ang mga yapak at kautusan ng ating Panginoong Diyos ng sa gayun ay maramdaman din natin ang tunay na kapayapaan at kaluwalhatian sa buhay.
Alam natin na walang makakaligtas sa kamatayan.Kaya't habang tayo'y nabubuhay magtanim tayo ng kabutihan sa ating kapwa para kung dumating man ang oras ng ating paglisan tayo'y masaya't nakangiting haharap sa ating Poong Maykapal. Amen.😇🙌🫶♥️