02/11/2025
Hindi ako galit, naiinis lang sa katotohanan.
Sabi daw private property kaya hindi puwedeng aksyunan. Eh hello? Daan ‘yan ng mga taga-looban ng Sitio Palayan araw-araw dinadaanan ng nagtatrabaho, estudyante, matatanda, at PWD.
Sabihin na nating private, pero ano ngayon? Wala bang kusa o diskarte ang mga nakaupo sa pwesto?
Tama naman, mamamayan dapat maglinis. Oo, gets namin ‘yan.
Pero tanong lang sino dapat ang manguna?
Kelan pa kikilos? Pag may nagkasakit na sa ihi ng daga at dengue dahil sa baha? O pag may nadisgrasya na bago niyo mapansin?
Ang problema, hindi lang tubig ang bumabara pati malasakit, tagal nang nakatengga.
Hindi kailangan ng dahilan, kailangan ng aksyon.
Ang serbisyo publiko, hindi dapat seasonal.
Kung may malasakit ka talaga, hindi mo kailangang utusan para kumilos. 💬