10/09/2025
Long post but this is not for content!
I was trying to make a video about being specific in your prayers kasi kapag specific ka, specific din ang sagot ni Lord, diba? Pero habang tinatype ko yung script, naiiyak na ako.
THANK YOU.
Kasi yun talaga ang laman ng puso ko. Thank You, Lord. Thank you, cousins. Alam nyo kung sino kayoβmaraming salamat.
What you donβt see in my videos is that I also have my fair share of struggles. Bunso ako, pero pakiramdam ko ako ang panganay. Gusto kong umangat sa buhay, pero ang dami kong bagahe na sobrang bigat na minsan. Iβm so freaking tired. Kung sa ML pa, ang hirap magbuhat.
Si Nanay, nagda-dialysis. Senior na rin sila ni Tatay. At kahit gaano kahirap, hindi ko sila kayang pabayaan kasi mahal ko sila. Hindi kami humihingi ng tulong sa extended family, kasi alam naming may sarili rin silang pinapasan, at alam naming responsibilidad namin ito.
Kaya sa mga kapatid ni Nanay, kapamilya at sa mga pinsan kong tumutulong kahit hindi namin hinihingiβmaraming salamat. Napakalaking bagay para sa amin ang tulong ninyo, lalo naβt wala kayong hinihinging kapalit kahit kayo man ay may pinagdadaanan din.
Promise, sa oras na gumaan na ang buhay ko, ibabalik ko rin sa inyo ang kabutihan nang walang kahirap-hirap.
Salamat, Lord. π