07/04/2026
“Ngayon mas naiintindihan ko na kung bakit maraming naghihiwalay kung kailan nagkaroon ng anak.”
“Marami kasing lalaki ang hindi naiintindihan ang pinagdadaanan ng isang ina.”
Hindi biro ang pagbubuntis hanggang sa panganganak at pagpapalaki ng anak. Physically, emotionally, at mentally draining ito para sa isang babae.
Minsan, kahit simpleng tulong at pag-intindi lang ang kailangan. Hindi naman laging pera ang hinihingi, kundi presence at support.
May mga araw na pagod na pagod na si misis pero tuloy pa rin sa pag-aalaga. Kaya malaking bagay kung marunong kang makiramdam at tumulong kahit hindi sinasabi.
Communication is very important sa ganitong phase ng relasyon. Kapag hindi kayo nagkakaintindihan, mas lumalaki ang gap sa isa’t isa.
Sa huli, ang pagiging magulang ay teamwork. Kapag nagtulungan at nag-unawaan kayo, mas nagiging matatag ang pamilya.
Pero kapag patuloy ka sa bisyo na Hindi kayang magbago at kung patuloy mo syang binibigyan Ng sama Ng loob, Hindi ni-respeto , binaliwala at hindi tinatrato Ng tama. Wag kana magtataka kung bakit lumalayo na Ang loob nya sayo at balang Araw makayanan nyang mamuhay Kasama ang mga anak nyo nang Hindi kana Kasama.