Bonsay Our Little Angel

Bonsay Our Little Angel Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Bonsay Our Little Angel, manggahan hills, San Pedro.
(1)

Happy Birthday, Ma’am Petite! 🎉🎂Wishing you a truly wonderful and blessed birthday! You are such an inspiration to many ...
30/03/2026

Happy Birthday, Ma’am Petite! 🎉🎂

Wishing you a truly wonderful and blessed birthday! You are such an inspiration to many as the founder of Xavis Mission, and your kindness and generosity continue to touch so many lives.

Thank you for your selfless heart and for all the good you share with others. You are not only a blessing to the community but also a loving grandmother to Bonsay.
May God bless you with good health, long life, and many more years of spreading love and compassion. Enjoy your special day! 🎂✨

Maraming maraming salamat po Xavi's Mission sa mabilisang action para kay Jacob Nash Matchado  sa mga nais mag bigay ng ...
12/03/2026

Maraming maraming salamat po Xavi's Mission sa mabilisang action para kay Jacob Nash Matchado sa mga nais mag bigay ng help please po .. malaking bagay po ang madugtungan ang buhay ng bawat warrior .. kahit maliit na halaga pag pinag sama sama . Malaking bagay po para maka likom ng pambili ng dugo ..

Ito po si Jacob 8 years old, Leukemia warrior plus complications. Pallative care na po sya 4 years na sya lumalaban sa kanyang karamdaman.

Kailangan po sana nya ma transfuse ng dugo ngayun pero kailangan bumili at walang available sa blood bank

3500 po sana. Baka pwede makapagpatak ambag para sa kanya.

09164608139 gcash or maya. Ma dolores flood.
Kami na po ang maglilikom at ipapasa sa kanya.🙏🙏⚒️

01/02/2026

Minsan, hindi talaga maiwasang pumasok sa isip ko kung gaano na sana kalaki si Kyzer ngayon.

May mga sandaling bumabalik ang lungkot. Pero sa kabila nito, napapalitan ng ngiti ang bigat sa dibdib tuwing nakikita ko ang mga batang nakasama ni Kyzer sa ospital—mga batang sabay-sabay na namulat sa pakikipaglaban sa kani-kanilang karamdaman.

Isa na rito si Kelsey Kleigh Na-diagnose siya ng acute lymphoblastic leukemia noong halos magdadalawang taong gulang pa lamang siya. Isipin kung gaano pa siya kaliit noon. Sa murang edad, hinarap niya ang laban na hindi kayang unawain ng isang bata—ngunit patuloy niyang ipinapakita ang tapang, lakas ng loob, at matibay na pananampalataya sa Maylikha. Taon-taon, patuloy niyang nilalampasan ang bawat yugto ng gamutan.

Ngayon, apat na taong gulang na si Kleigh at nalalapit na rin ang kanyang kaarawan. Marami siyang munting hiling, gaya ng ibang bata. Ngunit iisa lamang ang laman ng kanyang dasal—ang sana ay gumaling na siya.

Tulad ni Kleight, marami pang batang patuloy na lumalaban. Mga batang naghihintay lamang na mabigyan natin ng ngiti—kahit sa pinaka-simpleng paraan.

Kung nais ninyong maging bahagi ng proyektong Box of Smile, bukas po kami sa anumang uri ng suporta at donasyon. Ang bawat ngiti ay may katumbas na pag-asa. 💛










🌸 Happy Birthday, Marie Chona! 🌸Mother of Bonsay Our Little AngelToday, we celebrate not just your birthday, but the bea...
28/01/2026

🌸 Happy Birthday, Marie Chona! 🌸
Mother of Bonsay Our Little Angel

Today, we celebrate not just your birthday, but the beautiful heart behind our mission.
Your kindness, dedication, and selfless love continue to inspire us to serve more children and families in need.
Thank you for being a light, a leader, and a blessing to so many lives.
May God bless you with good health, strength, joy, and more years of service for His glory. 🙏✨
From your Bonsay Our Little Angel family,
we love and appreciate you! 💖





11/01/2026

Ezra’s Battle Against Leukemia: A Journey Toward the Bell of Hope

Si Ezra ay apat (4) na taong gulang nang siya ay ma-diagnose ng acute lymphoblastic leukemia—halos kaedad din ni Bonsay nang siya ay ma-diagnose noong taong 2022. Isa siyang bibo at masayahing bata.

Salamat sa Panginoon, dahil sa kabila ng napakahirap na pagsubok na hinarap ni Ezra sa murang edad, siya ngayon ay pitong (7) taong gulang na at nasa maintenance phase na ng kanyang gamutan.

Hindi lahat ng kwento ay pare-pareho, ngunit ang mahalaga ay patuloy tayong ngumiti at kumapit sa pananampalataya sa Diyos. Tulad ni Ezra, na patuloy na lumalaban sa leukemia at handang abutin ang Bell of Hope.

Nawa’y samahan natin ang mga batang tulad ni Ezra sa kanilang journey against leukemia. Iparamdam natin sa kanila na hindi sila nag-iisa sa laban na ito.

Ang mga simpleng hiling ng isang bata ay salamin ng kanilang pagiging musmos—kaya narito tayo upang maging bahagi ng kanilang laban at magbigay ng dahilan para patuloy silang ngumiti.

Kung nais ninyong maging bahagi ng proyektong Box of Smile, bukas po kami sa anumang uri ng suporta at donasyon. Ang bawat ngiti ay may katumbas na pag-asa. 💛










Maraming salamat po sa pag share nyo ng blessing para sa aming box of smile maam Maricar Pamplona  .. may isang bata na ...
06/01/2026

Maraming salamat po sa pag share nyo ng blessing para sa aming box of smile maam Maricar Pamplona .. may isang bata na naman po kayung mapapangiti ngayon ..🫰💛💛

Maraming salamat po sa pag titiwala sa amin at pagmamahal po para sa mga bata ..

Happy new year po 🥰🥰🙏🙏🙏

Ang layunin ng aming box of smile .. ay sila mismo ang ating mapangiti at maranasan nila ang maging isang bata sa kabila ng kanilang malubhang karamdaman .. kahit paano sa mga simpleng regalo ay maibsan natin ang sakit na kanilang nararamdaman kahit di natin to maalis ...

Muli maraming salamat po ..

Nasa diyos ang papuri .. ☝️

06/01/2026

Maraming salamat po sa pag share nyo po ulit ng blessing para sa aming box of smile maam Maricar Pamplona .. may isang bata po ulit kayung mapapangiti ngayon 🙏 🥰🥰🥰

Maraming salamat po sa mga sumagot .. may first batch na po kami .. pass po kami sa mga naka lock ang account ..Hindi ri...
02/01/2026

Maraming salamat po sa mga sumagot .. may first batch na po kami .. pass po kami sa mga naka lock ang account ..

Hindi rin po namin hinihingi na maging active po kayo samin .. pero mas ok po samin ang naka follow po kayo at may mga share din po kayo kahit panu saming mga post .. para makita din po tayo ng mga nais umalalay sa atin para matulungan din po kayo ..

Masipag din po kami bumisita sa mga account nyo.. kaya sa mga scammer po .. manigas kayo ..

Paalala kami po ang mag ppm sa inyo .. wala po mag lalapag ng personal details ng warrior at ng gcash sa post po namin salamat po ..

01/01/2026

kung warrior ka at nasa bahay o nasa ospital naka admit .. at makakatangap ka ng box .. anu ang pwd makapag pangiti sayo at bakit ..small things lang po

“Happy New Year from Bonsay Our Little Angel. May this year bring hope, healing, and love to every child and to all.”
31/12/2025

“Happy New Year from Bonsay Our Little Angel. May this year bring hope, healing, and love to every child and to all.”

✨ Before the Year Ends… ✨Bago matapos ang taon, nagpapasalamat kami sa Panginoon sa lahat ng biyaya na natanggap namin. ...
31/12/2025

✨ Before the Year Ends… ✨

Bago matapos ang taon, nagpapasalamat kami sa Panginoon sa lahat ng biyaya na natanggap namin. Sa pamamagitan nito, naibahagi namin ang kahit kaunting saya, ngiti, at pag-asa sa mga batang lumalaban sa malubhang sakit tulad ng cancer.

Maraming salamat din sa lahat ng mga sumusuporta sa amin sa Bonsay – Our Little Angel sa aming mga donation drives para sa mga gift-giving projects.

Noong 2024, inilunsad namin ang Grand A Wish Project, at maraming mabubuting tao ang naging Santa Claus,” na tumupad sa munting hiling ng mga bata at nagpaalis ng kanilang lungkot kahit sandali.

Ngayong taon, 2025. idinaos namin ang Gift of Hope sa mga bata sa National Children’s Hospital – munting regalo na nagpapaalala sa kanila na hindi sila nag-iisa sa laban.

Sa pag pasok ng 2026, ipagpapatuloy namin ang aming adbokasiya sa abot ng aming makakaya sa pamamagitan ng “Box of Smile”, para sa mga batang patuloy na lumalaban sa cancer at iba pang malubhang sakit.

Nawa sa awa ng Diyos, magawa nating lahat ito at patuloy na maghatid ng saya at pag-asa.
🤍

Sana marami paring sumuporta sa ating layunin na ibsan kahit sa mga simpleng ngiti ang mga bata na ang tanging hiling lamang ay ang maging bata ..

Mula sa amin sa Bonsay Our Little Angel Salamat at maligayang bagong taon ..

Para sa mga warrior na mapipili para sa box of smile ..mag padala sa amin ng detalye at malaking bagay ang pag follow at share nyo sa amin .. para maabot tayo ng mga nais tayung alalayan ..





Address

Manggahan Hills
San Pedro
4020

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bonsay Our Little Angel posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Bonsay Our Little Angel:

Share