25/04/2025
๐๐๐ง๐๐๐๐๐๐ก | ๐ฃ๐ฎ๐ฑ๐ฎ๐๐ผ๐ป, ๐ฃ๐ฎ๐บ๐๐ป๐ด๐ธ๐ฎ๐
Pumasok nang naka-uniporme, lalabas nang naka-toga.
Mga umaalingawngaw na tawa at yapak ng mga nagsisitakbuhang paa. Ito ang madalas nating marinig sa pasilyo ng paaralan. Habang tumatagal, tila unti-unti nang naglalaho ang tunog nitoโhanda ka na bang magpaalam?
Parang kailan lang noong una nila itong libutin. Ngayon, itoโy kanila nang lilisanin. Ito na ang wakas ng isang kabanataโhindi para wakasan ang kuwento, kundi para simulan ang bagong yugto.
Malayo na, ngunit tanaw na ang pangarap.
Sabi nila, hayskul life daw ang pinakamasayang parte ng pagiging buhay estudyante dahil dito mo mararanasan ang mga unang pag-ibig, unang pagkatalo, at unang tunay na pagkakaibigan na hindi matitinag. Dito ka unang matututo kung paano magpatawad kahit masakit, magbigay kahit kapos, at magsikap sa kabila ng takot at kawalang-katiyakang bukas.
Ang hayskul ay parang kape; may pait at tamis na sumasalamin sa kanilang paglalakbayโpait ng pagkabigo at tamis ng tagumpay. Kape rin ang sandigan ng mga estudyante sa gabi ng pag-aaral, ang kasama sa bawat paggising sa umaga, at ang laging kasama sa mga gabing walang tulog. Peroโ
Para kanino sila bumabangon?
Para sa baonโngunit higit pa roโn. Para sa mga alaalang bubuuin kasama ang mga kaibigan, para sa mga tawanan, para sa mga kaganapan na ayaw palampasin. Bumabangon sila hindi lang dahil kailangan, kundi dahil may mga sandaling ayaw nilang mawala tulad ng mga aral at alaala na babaunin nila sa kanilang pamamaalam, mga displinaโt mabubuting asal na humubog sa kanila bilang isang tunay na La Verdarian.
Panibagong landas, panibagong laban. Sa loob ng anim na taong pakikipagsapalaran sa hayskul, sa wakas, narating na nila ang dulo ng daanโisang daan na magtatawid sa kanila tungo sa tulay ng kanilang mithiin at pangarap.
Sigurado akong mananalaytay sa memorya ng mga La Verdad Batch โ24-โ25 graduates ang bawat sulok ng kanilang silid-aralan na may bakas ng kanilang yapak mula sa unang araw ng klase hanggang sa araw ng kanilang pamamaalam.
Ang bawat pasilidad ay may marka ng kanilang kahapong โdi magbabalik. Ito ang โBawat Daanโ ni Ebe Dancel ng mga La Verdarian.
Bawat kanan at kaliwa
Kung timog man o hilaga
Ang bawat daan ko
Ay patungo
Ay pabalik
Sa'yo
Sa kaniya-kaniyang landas na tatahakin, may bahid man ng lungkot sa puso nang itoโy kanilang lisanin, ito ang nag-iisang tiyak sa isang libong dudaโkung bibigyan ulit ng isa pang pagkakataon na pumili, La Verdad pa rin ang kanilang pipiliin. Sila ang mga iskolar ng bayan ng Dios, ang mga La Verdarian sa isip, salita, at gawa.
Anywhere, anytime, and always in their lives.
[ Ang ๐ฑ๐ข๐ฅ๐ข๐บ๐ฐ๐ฏ ay salitang Bisaya na nangangahulugang โ๐ฎ๐ข๐จ๐ฑ๐ข๐ต๐ถ๐ญ๐ฐ๐บ,โ at ang ๐ฑ๐ข๐ฎ๐ถ๐ฏ๐จ๐ฌ๐ข๐ด ay salitang Indones na nangangahulugang โ๐ธ๐ข๐ฌ๐ข๐ด.โ ]
Isinulat ni: Gil Allane Mabaet
Iginuhit ni: Jan Rold Brabante
Pag-aanyo ni: Allen Jareld Santos