26/03/2026
Episode 3 with 7 parts will be released on Monday- Sunday (March 30- April 5) as we observe the Holy Week.
For the meantime, I'd like to share the thoughts, experiences, learnings, and realizations I had this week.
LIFE IS INDEED FLEETING.
Samu't sari ang laman ng feed ko lately. Hindi kasi natin talaga mapapatahimik ang mundo. Malakas ang hiyaw nito, pero hindi ibig sabihin n'un makikisabay na tayo.
Natutunan ko na sa dinami-raming boses nating maririnig, ang pagiging kalmado at tahimik ay isang uri ng kapangyarihang ipinagkakaloob sa atin ng Panginoon araw-araw. Kapangyarihang nagbibigay sa atin ng kapayapaan sa kabila ng KRISIS (pagmahal ng mga bilihin), kapakumbabaan sa kabila ng mga KATAGUMPAYAN (graduation season), at katatagan sa kabila ng KAWALAN (a death of a loved one).
Kung magtitiwala lang tayo sa sarili nating kaisipan, maooverwhelm tayo and we may get lost on track. Kaya sa kabila ng iba't ibang tono ng mg boses, sikapin nating hanapin, balikan, at panghawakan ang boses ng nag-iisang Diyos natin at tagapaglitas. 100% God, 100% Human. Jesus Christ.
Dahil kung hindi man tayo mahila ng diyablo sa pagkakasala, gagawin niya ang lahat madistract lang tayo para hindi natin pahalagahan at unahin ang kaharian ng Diyos.
Sandali lang ang buhay sa mundo, like a v***r in the wind, like a smoke that vanishes instantly.
Pero katawan lang ang namamatay, ang kaluluwa natin alam na ba natin saan patutungo?
SERYOSOHIN NA NATIN 'TO KAPATID!
Secure our oil, He's hour is coming🥹
MY TOP PRIORITIES IN LIFE:
1. God
2. Family
3. Friends and their loved ones (ministries)
and them to get closer to God and to have deeper relationship with Him is the most successful thing that could ever happen to me. To God be the highest glory!
Ad Majorem dei Gloriam!
Efeso 2:8-9
Magandang Balita Biblia
8 Sapagkat dahil sa kagandahang-loob ng Diyos kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y kaloob ng Diyos at hindi mula sa inyong sarili; 9 hindi ito bunga ng inyong mga gawa kaya't walang maipagmamalaki ang sinuman.